CHAPTER 3

3.3K 87 3
                                    

CHAPTER 3

Nakatulala ako habang nakaupo dito sa sala sa unit ni Devi, hanggang ngayon ay naaalala ko pa din ang itsura ng tatlong pugot na ulo na nakita sa cafeteria.



Hindi pa din ako makapaniwala sa nakita, sila nga yung mga siga at bully kong blockmates na palagi ko ginagawang ng activities and project.



Usap usapan na din sa Hudson na may serial killer sa loob ng university pero pinabulaanan naman iyon ng admin and dean ng Hudson.



"Babe?"



Naparukap kurap at lumingon kay Devi na nasa tabi ko, nakakunot ang noo nito at halatang naiinis ito.



"A-ano nga yun?" Napailing iling nalang ito at napahalukipkip na sumandal sa sofa, napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya.



"Sorry, naalala ko kasi yung nakita ko sa cafeteria kanina hindi mawala sa isip ko yun." Lumingon naman siya sa akin at pinakatitigan ako.



"That three bully? They deserve it, don't think of them too much Chip. Kanina mo pa ako hindi pinapansin, nagtatampo na ko!"



Sumimangot ito at halata nga ang pagtatampo nito, nginitian ko siya at ikinulong sa bisig ko. Inabot ko pa ang ulo niya at dinampian ng halik sa noo.



"I'm sorry babe, hindi na mauulit." Hinigpitan ko ang yakap sa kanya, siniksik naman niya ang sarili niya sa akin.



"Kapag magkasama tayo ako lang dapat ang iniisip mo, You know that I get jealous easily." Totoo, napakaselosa niya. Pati nga ang ginagawa kong pag-aaral ay pinagseselosan niya.


"Oo na, pati ba naman ulo ng patay pagseselosan mo?" Biro ko. Hinampas niya ako sa braso dahil don kaya naman natawa ako ng mahina.



"I love you babe."



"Mas mahal kita Devi." Ang sarap sa pakiramdam na palaging pinapaalala sayo ng mahal mo na mahal ka niya.



"Sayang pala, I didn't see the heads of that three bullies. May namiss tuloy akong happenings." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya, parang hindi patay ang tinutukoy niya.



"Tigilan mo nga yan Devi, natatakot na talaga ako sayo." Humagikgik naman ito, umangat siya ng tingin sa akin at tinitigan ako.



Maya maya pa ay ngumiti siya sa akin, tumayo siya at pagkatapos ay paharap na naupo sa kandungan ko kaya naman natigilan ako sa kinauupuan. Napasinghap ako ng maramdaman ang paggalaw niya sa kandungan ko at ang pagkiskis ng mga kaselanan namin, napapikit ako sa ginagawa niya.



"D-devi." Nahihirapang sabi ko, nakapikit pa din ako habang nakaawang ang labi. Aaminin ko na nasasarapan ako sa ginagawa niya pero kailangan ko kontrolin ang sarili ko.



"Hmmm.. Chip.." Mas lalo ako napapikit ng maramdaman ang halik niya sa leeg ko paakyat sa panga papunta sa tenga ko.


"S-stop Devi." Pakiramdam ko ay kinakapos na ako ng hininga, ramdam ko na din ang pagkalalaki ko na gusto ng kumawala sa loob ng pantalong suot.



"Aw, just let me do this one Chip. I know you don't want to 'do' it, kahit eto lang I want to feel you." Napakagat ako ng ibabang labi bago magmulat ng mga mata, nagtama agad ang mata namin. Punong puno ng pagnanasa ang mga mata niya at nagmamakaawa din ito na pagbigyan ang gusto niya.



Nag-liliyab na din ang pakiramdam ko, mabilis kong sinapo ang mukha niya at sinunggaban ng halik. Halik na maingat at mabagal, ayokong makaramdam siya ng sakit kapag hinahalikan ko siya hindi ang marahas na paghalik ang dapat sa kanya. Masyado ko siyang mahal para sunggaban ng ganong klaseng halik.

Killer Girlfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon