Secret Nights - 03

465K 4.9K 322
                                    


Pagkauwi ko ay dumiretso agad ako sa malaking bahay at naligo sa kwarto ni Jade. Simula nang dumating ako sa bahay ng tita Soledad ko ay gabi-gabi ko nang pinapangarap ang makaligo gamit ang shower. Lumaki kasi ako na balde at tabo lang ang gamit ko sa paliligo. Pero ngayong nakatapat na ako sa shower at walang tigil ang paglagaslas ng tubig sa basal kong katawan ay ni hindi ko magawang magbunyi na sa wakas ay natupad na rin ang isa sa mga simpleng hiling ko noon.



Ilang ulit kong sinabon ang mukha ko, leeg, dibdib at iba pang parte ng katawan ko na para bang mabubura niyon ang ginawa ni Zach sa akin kagabi. Paglabas ko sa banyo ay hindi pa rin nawala ang hapdi na nararamdaman ko sa pinakamaselang parte ng katawan ko.



Umupo ako sa harap ng malaking vanity mirror ni Jade na katulad na katulad ng kay Sapphire. Halatang mamahalin ang ganoong uri ng salamin. Mariing sinipat ko ang mukha ko. At ganoon na lang ang pagtatagis ng bagang ko nang makita ang ilang kiss mark sa leeg ko. At nang suriin ko ang dibdib ko ay mas marami pa palang pulang marka doon.



Tumayo na ako at nagkalkal ng mga damit ni Jade na alam kong bihira na niyang gamitin. Nakalimutan ko kasing kumuha muna ng damit sa tinutuluyan ko bago ako pumunta dito. Lalabhan ko na lang 'to mamaya para bukas ay matuyo na bago pa man bumalik sina tita.



Hanggang sa mananghalian ako ay binabagabag pa rin ako ng nangyari kagabi. Hindi ako papayag na basta na lang masayang ang bagay na matagal ko ring iningatan. Zach has to pay for taking my virginity. Yes, he has to pay.



Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan ko ay tinext ko si Zach. Siguro naman ay gising na siya ng mga oras na 'to.



"Kailangan nating mag-usap. ASAP. Punta ka dito sa bahay."



Nag-text ang kumag. "Okay. Thirty minutes diyan na 'ko."



Bahagya akong nakaramdam ng inis dahil kung hindi ko pa pala tinext ang kumag na 'yon ay hindi siya magte-text sa 'kin.



Naghanda ako ng ballpen at papel at hinintay ko ang pagdating ni Zach. Medyo makulimlim ang langit. Mukhang uulan pa yata.



Eksaktong thirty minutes ay nakita ko si Zach sa harap ng gate. Lumabas ako ng bahay para salubungin siya. Saktong papasok naman kami ng bahay nang dumaan si Aling Puring—kilalang tsismosa sa barangay namin. Ni hindi man lang siya nagkunwari na tinititigan niya kami ni Zach kaya binate ko siya.



"Magandang hapon po, Aling Puring."



Pero sa halip na sumagot ay nagmamadaling naglakad na siya palayo. Napangiti na lang ako dahil sa inasal ng matanda.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon