Secret Nights - 43

214K 3.3K 436
                                    

AMBER'S POV


Nang mapagod sa pagsasayaw ay magkatabing umupo kami ni Zeke sa lapag paharap sa tabing-dagat. Noong una ay wala pang may gustong magsalita sa aming dalawa. Pero sa huli ay si Zeke ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa amin.




"So how's my brother, Zach?" tanong niya na bahagya pang lumingon sa 'kin.




Bigla akong natigilan. It was the first time na siya ang unang nagtanong ng tungkol kay Zach. "He's okay," matipid na sagot ko.




"Do you still love him?"




Lumingon muna ako kay Zeke bago ko itinuon ang mga mata ko sa payapang dagat na sa hindi ko maipalawanag na rason ay nagdudulot ng ibayong lungkot sa akin ngayon. It's weird because I've always loved the sea. Parang may kung ano na bumara sa lalamuna ko kaya hindi ko nagawang sagutin ang tanong niya.




"When my memories came back, I decided to hire an investigator just to catch up with my loved ones. Gusto kong malaman kung ano ang mga naging buhay nila during the time that I was in a coma. There are things that I've learned; like my parents' squabbles because of my supposed untimely death. Sinisi ni mommy si daddy. But that wasn't enough for dad to change.




"Nalaman ko rin na nagkarelasyon pala kayo ng kapatid ko. O baka nga noong high school pa lang kayo ay may relasyon na kayo at hindi mo lang sinasabi. Noong una gusto kong magalit sa 'yo kasi pakiramdam ko pinaglalaruan mo lang kaming magkapatid. You're having an affair with my brother yet you're seeing me too."




"Zeke..." garalgal ang boses na tawag ko sa pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit pero nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko.




"Mas magiging madali siguro kung hindi ko kapatid ang magiging kaagaw ko sa 'yo. If it's just some other guy, I would definitely fight for you, Amber. Kahit na alam kong kahit kalian ay hindi mo ako minahal."




"That's not true, Zeke. I did love you," umiiyak na sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang mga kamay niya.




"But not as much as you love Zach."




And he's right. Bakit kailangang umabot pa ako sa puntong 'to para ma-realize ko kung sino sa kanilang dalawa ang higit na mas matimbang sa puso ko?




"So do you still love him?"




Napayuko at saka hinayaang dumaloy ang mas marami pang luha na hindi ko alam kung para saan. "I'm sorry, Zeke... I'm so sorry."




Hinawakan niya ang mukha ko at saka iniharap sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at nakita kong nakangiti siya.




"Don't be sorry, Amber. At huwag kang mag-alala, masasaktan lang ako ngayon pero magiging okay rin ako pagdating ng panahon," naluluha na ring saad niya. "So do you still love him?"




For a moment ay tumitig lang ako sa gwapo niyang mukha. At pagkatapos ay dahan-dahan akong tumango sa kanya. There's no sense of denying what I truly feel anyway. The more na ide-deny ko ang totoo kong nararamdaman, the more na maraming tao ang masasaktan.




Umisod palapit sa 'kin si Zeke bago niya ko ikinulong sa mga braso niya. "I love you, Amber. And you will always have a special place in my heart," aniya at bago tumayo. "Stay here 'coz I have a gift for you."




Nang magsimula siyang humakbang palayo ay tinawag ko siya. "Where are you going?"




"I'm going home to see my parents. And by the way, I'm not sick so you don't have to worry about me anymore. Stay there. I'll gonna send you my gift."




And I stayed. Pinahid ko ang mga luha ko at pinuno ng hangid ang baga ko saka huminga nang malalim. Pagkalipas siguro ng sampung minute ay may narinig akong mga yabag na papalapit sa kinaroroonan ko.




At ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang paglingon ko, sa halip na si Zeke ay si Zach ang nakita ko. Parang slow motion na naglakad siya palapit habang hindi inaalis ang mga mata sa 'kin.




"Missed me?" tanong ni Zach nang huminto siya sa harap ko.




Sa halip na sagutin ang tanong niya ay mas pinili kong sakupin ang mga labi niya para iparamdam kung gaano ko siya na miss.






THIS STORY IS NOW PUBLISHED UNDER VIVA PSICOM FOR ONLY 150 PESOS. PLEASE DO GRAB A COPY. THANK YOU.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon