Secret Nights - 33

285K 4K 991
                                    


AMBER'S POV



Nang matapos si Zach sa pagsasalita ay ako mismo ang humalik sa kanya. Tinawid ko ang pagitan ng mga mukha namin at saka sinakop ng labi ko ang labi niya. Para akong maiiyak na hindi ko maintindihan.



But one thing is for sure, I so missed this man. At ngayon ko napatunayang sa kabila ng mga lumipas na taon ay hindi ko siya nagawang kalimutan. Sinubukan ko siyang burahin sa isip at sa puso ko pero lagi na lang ay bigo akong gawin ang bagay na 'yon.



And now that I've already learned the truth, wala nang rason para maghiganti ako sa kanya. Para saan pa? Gayong alam ko naman nang pareho kaming nagdusa dahil sa ginawa ng daddy niya.



Alam kong marami sa inyo ang magtataas ng kilay at magsasabing napaka-gullible ko dahil basta-basta na lang akong naniwala sa mga sinabi ni Zach kani-kanina lang.



But can you guys really blame me kung pakiramdam ko ay sincere at nagsasabi si Zach ng totoo? At this point of time, all I want to believe is may natitira pang pag-asa para sa aming dalawa.



Mas pinalalim ko ang paghalik sa kanya. Hindi ko namalayang nakakandong na pala ako kay Zach at nasa laylayan na ng t-shirt niya ang dalawa kong kamay ready to pull it off.



Pero kung kailan naman aalisin ko na iyon sa katawan niya ay naramdaman kong hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at saka tumitig sa mga mata ko. Bigla akong nagtaka. Didn't he miss me just like the way I missed him?



"Amber..." he said, almost whispering. "I think we should now hangga't kaya ko pang kontrolin ang sarili ko."



Nagtaka ako sa sinabi niya. Hindi ito ang Zach na nakilala ko noon. He was my FUBU and now he's acting like we haven't done it before.



"Why should we stop, Zach?" tanong ko sa kanya.



"Dahil kapag nagpatukso ako sa 'yo ngayon, baka tuluyan nang magulo ang sistema ko. I came into this hotel because I wanted to see you... not to have-"



Mabilis na dinakma ko ang pagkalalaki niya. Tigas na tigas na iyon at tila gustong kumawala sa maong pants na suot niya. "You're body tells me otherwise, Zach. Come on, why don't you just give in to yourself?"



Sabi ko sa kanya habang tuluyang hinuhubad ang damit niya. Nang humantad sa akin ang katawan niya ay pinaglandas ko ang kamay ko mula sa balikat niya pababa sa dibdib niya. Pinaglaro ko pa ang mga daliri ko sa n*pple niya. There's heat emanating from his body. Para akong madadarang dahil sa init na 'yon.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon