Secret Nights - 26

300K 4K 628
                                    

I am happy with the relationship that I have with Zach. Walang expectations, walang commitment, at lalong walang pressure. I 'kinda like that kind of relationship, you know. Dahil sa totoo lang, hindi pa rin naman ako handang mag-commit sa isang lalaki—kahit kay Zach. I like Zach, I really do. Or maybe I already learned to love him. But this feeling is not just enough for me to commit myself to him.

Marami pa akong pangarap na gustong maabot. I wanted to go to places I’ve never been. I want to experience the life that I never got to experience.

Hindi ko namalayang napapangiti pala ako habang magkatabi kaming nakaupo ni Stacey sa isang jeep na papuntang university. Magbabayad kami ng graduation fee. Yes, ga-graduate ako. After all the insurmountable challenges that I’ve been to, I am finally going to get that elusive diploma; which for me is my ticket to success.

Dahil maaga kaming natapos ni Stacey sa pagbabayad sa accounting office, I decided na lumuwas ng Makati to surprise Zach. Lagi na lang kasing si Zach ang bumibisita sa akin. I guess it’s about time that I reciprocate the deeds.

At dahil sa Trinoma naman talaga ang last stopover ng van na sasakyan ko, I decided na mag-ikot muna sa mall para tumingin ng pwede kong bilhin for Zach. Pero ilang stalls na ang napuntahan ko ay wala pa rin akong mapili dahil masyadong mahal ang mga paninda. Hindi swak sa budget. Sa huli ay isang tig si-singkwentang necklace na may pendant na letter “Z” ang binili ko.

Pupunta na sana ako sa sakayan ng MRT nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na bulto ng katawan na nakatayo sa harap ng isang boutique at may hawak-hawak na paper bags.

Ganoon na lang ang ngiti ko nang masigurong si Zach nga ang lalaking iyon. Mukhang may binabalak na naman siyang sorpresa for me.

Lalapitan ko na sana siya nang bigla na lang isang magandang babae ang sumulpot sa harapan ni Zach. At talagang nasorpresa ako nang walang babalang hinalikan ng babae si Zach. Napahigpit ang hawak ko sa plastic na naglalaman ng necklace na binili ko kani-kanina lang.

I know that I should have just left immediately the moment I saw Zach kissing that girl pero hindi iyon ang ginawa ko. Siguro nga ay reyna ako ng mga baliw at masokista dahil sa halip na umalis ay mas pinili ko pang lumapit sa kanila.

Halatang nagulat si Zach pagkakita sa akin. “Amber…”

Napatingin sa kanya ang babaeng kasama niya na hindi naman pala kagandahan kundi maputi lang. “Babe, who is she?” maarteng tanong ng babae na obvious na ako ang itinatanong.

Bago pa man makasagot si Zach ay naunahan ko na siya. “Oh, don’t worry. I’m her girlfriend at lalong hindi niya ako asawa. We’re just… friends. Yeah, we’re friends. Friends with benefits.”

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon