Secret Nights - 09

360K 4K 244
                                    


Nang pabalik na kami sa classroom ay halata ang pananahimik ni Jade pero naroon pa rin ang matatalas niyang tingin sa 'kin sa tuwing mahuhuli ko siyang sumusulyap sa 'kin.



"Served you well," bulong ko pa sa kanya bago kami tuluyang makapasok ng classroom. OA na pinaikot niya ang eyeballs niya at saka dumiretso sa upuan niya.



Ako naman ay nakangiting umupo na rin sa upuan ko. Ganado ako sa buong araw na 'yon. For the first time ay naramdaman kong hindi ako kawawa.



Kaya naman nang sumapit ang hapon at oras na ng uwian ay hindi na ako masyadong nagtaka na makita ko si tita Soledad na naghihintay sa labas ng gate kasama ang dalawa niyang anak na masama ang tingin sa akin. For sure, nakapagsumbong na si Jade kaninang lunch break. Hindi ko kasabay si Zach dahil bago mag last period ay nag-cutting na siya kasama ang ilang boys naming kaklase. For sure maglalaro na naman ng dota.



Sa halip na ipagpatuloy ang paglalakad ay huminto ako sa tapat ng guard house na isang dipa na lang yata ang layo sa mismong gate ng school. I know better. Hindi ako lalabas ng gate na 'to at alam kung kukuyugin ako ng magnanay.



Humalukipkip lang ako at nakipagtitigan kay Tita Soledad. Sa huli ay hindi na siya nakatiis pa at siya na mismo ang pumasok sa loob ng gate.



Now, I'm safe.



"Umuwi ka na sa bahay. Doon tayo mag-usap."



Sarcastic na tumawa ako dahil sa sinabi niya. "Sa pagkakaalam ko po ay pinalayas niyo na ako. So bakit babalik pa ako sa inyo, Tita?" nang-uuyam na tanong ko sa kanya.



"Nag-aalala lang ako sa 'yo kaya umuwi ka na sa bahay."



Bullshit! This fat middle-age lady is obviously lying. Ang kapal ng mukha! Alam ko naman ang totoong rason kung bakit niya ako gustong umuwi ng bahay nila. Wala na siyang mautusan. Hindi naman niya pwedeng utusan ang dalawa niyang anak dahil parehong walang alam sa mga gawaing bahay si Sapphire at Jade. Ngayong wala na ako sa kanila, I can just imagine kung gaano siya ka-aligaga sa mga gawaing bahay.



Plastik na ngumiti ako kay tita Soledad. "Thank you for the concern, Tita Sol. Pero hindi na po ako babalik sa bahay niyo. Huwag po kayong mag-alala at kaya ko naman ang sarili ko."



Dahil sa sinabi ko ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni tita. Kung kanina ay mukhang siyang tupa na maamo ang ngayon naman ay parang siyang tigre na handa akong lamunin ng buo.



"Ingrata! Walang utang na loob! Pagkatapos kitang pakainin, patirahin sa bahay ko at pag-aralin ay bigla mo na lang kaming lalayasan?"

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon