Secret Nights - 29

264K 3.4K 221
                                    

Pagpasok namin sa loob ng marangyang bahay ng mga Ortega ay agad na nabaling sa amin ang atensiyon ng mga tao. May nakita akong nagbulungan at ang iba ay piniling magpatay-malisya.

Halos sakto lang ang dating namin ni Yuan. Ngayon ay nasa pinakagitna ng malawak na sala-grande ang isang lalaki na hinding hindi ko makakalimutan ang itsura. Ang lalaking minsan ay nagdamot sa amin ng nanay ko na patuluyin dito sa bahay nila.

"Ladies and gentlemen, nagagalak ako dahil pinaunlakan niyo ang paanyayang ito ng pamilya namin," sabi ni Samuel habang nasa tabi niya ang mga magulang na tila pround na proud sa kanya. "Dahil nalalapit na naman ang paggunita natin sa araw kung kailan naganap ang pangyayaring nagpabago sa buhay ng karamihan sa mga kababayan natin, ang pamilya namin ay nagkasundong ipasubasta ang isa sa pinakaiingatang heirloom ng pamilya namin. Ang lahat ng malilikom na pera ngayon gabi ay ilalagak natin sa isang foundation na tumutulong sa mga pamilyang higit na naapektuhan ni Yolanda. Dahil alam niyo namang ang pamilya namin ay malapit sa mga nangangailangan."

Nagpalakpakan ang mga taong nasa loob ng silid na iyon. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil sa narinig ko. Malapit sa sa mga nangangailangan my ass.

Alam ko namang isa lamang malaking pagbabalatkayo ang ipinapakita nila ngayon. Nag-aambisyon si Samuel na tumakbong Mayor ng Tacloban kaya gusto niyang magpabango sa mga tao. Kung talagang pagtulong ang talagang layunin niya, bakit kailangan pang mag-imbita ng mga local reporters?

Nagsimula na ang aution. Isang alahas lang naman ang ipapa-auction ngayong gabi. Iyon ay ang malaking kwintas na ngayon ay hawak-hawak ni Samuel. Gawa iyon sa purong diyamante.

"Fifty thousand pesos," narinig kong sabi ng isang boses lalaki. Dumagundong ang dibdib ko pagkarinig sa pamilyar na boses.

"One hundred thousand pesos," sabi naman ng isang matanda.

Mula sa kung saan ay nakita ko si Zach na naglakad sa gitna ng silid at saka humarap kay Samuel. "One hundred fifty thousand pesos."

Hindi ko inaasahang makikita ko ngayon si Zach. Biglang nalito ang utak ko. Dapat ay nagbi-bid ako ng mas malaking halaga pero bakit natuon na kay Zach ang utak ko ngayon? Kahit nakatalikod siya sa akin ay alam kong si Zach nga iyon. I could still remember his hair, his shoulder and the way he move.

"One hundred fifty thousand going once?" tanong ni Samuel sa lahat ng taong naroon.

Wala na yatang may gustong tapatan ang bid ni Zach.

"One hundred fifty thousand going twice?"

Sa puntong iyon ay kumilos na ako. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kinaroroonan ni Zach. Lahat ng tao ay napatingin sa akin. "I would like to bid for that piece of necklace for five hundred thousand pesos."

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon