Secret Nights - 24

287K 3.5K 153
                                    


Nang magising ako kinabukasan ay bahagya pa akong nagulat nang mapagtanto kong wala ako sa apartment ko. Color blue kasi ang kulay ng dingding ng apartment ko samantalang off-white naman ang dominant color ng kwartong kinaroroonan ko ngayon.



At sa halip na manipis na foam ay isang super lambot na kama ang hinihigaan ko ngayon. Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko ang mga nangyari kagabi. Natampal ko ang sarili kong noo nang maalalang sumama nga pala ako kay Zach matapos kong malasing kagabi.



Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala namang nagbago sa katawan ko. Hindi masakit ang ibabang bahagi ng katawan ko senyales na walang nangyari sa amin ni Zach nang dalhin niya ako dito. Suot ko pa rin ang underwear na suot ko kagabi pero ngayon ay napapatungan na iyon ng maluwag na t-shirt na hula ko at shirt ni Zach.



Kinalkal ko ang laman ng bag ko at hinanap ang toothbrush nalagi kong dala-dala. Aside kasi sa toothbrush ko sa bahay ay lagi kong sinisigurong may extra akong dala sa tuwing aalis ako ng bahay.



Mabilis na inayos ko ang sarili ko sa loob ng cr. Naghimalos na rin ako. Pero nang hanapin ko naman ang mga damit ko ay hindi ko iyon mahanap. Kaya I have no choice kundi lumabas ng kwarto na suot pa rin ang damit ni Zach. Mabuti na lang ay medyo mahaba iyon sa akin.



Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ko ang kabuuuan ng bahay. The house was made mostly of glass. Pababa ako ng hadgan nang marinig kong ingay sa kaliwang bahagi ng bahay. At nang sundan ko ang ingay ay napagtanto kong kusina pala iyon—sosyal na kusina actually.



Nakita ko si Zach nakasuot lang ng low waist na gray jogging pants at walang suot na pang-itaas. Naramdaman siguro niya ang presensiya ko dahil bigla siyang lumingon sa akin. Napalunok pa ko nang makita ko ang V-line ng ibabang bahagi ng katawan niya. Nasisilip ko rin ang ilang balahibo mula sa pusod niya pababa sa...



"Hi," mabilis na bati ko sa kanya bago pa man dumako sa kung saan ang mga mata ko.



"Good morning. Lasing ka na kagabi kaya dito na lang kita sa bahay ko dinala. Maupo ka na at kakain na tayo," seryosong saad ni Zach.



Hindi ako sigurado kung ano mismo ang naraamdaman niya ngayon. Hindi ganitong trato ang ine-expect kong matatanggap ko mula kay Zach. Nang umalis ako ng Leyte ay alam kong galit na galit siya sa akin. Kaya ang inaasahan ko ay galit pa rin siya hanggang ngayon.



Pero bakit wala akong makitang poot sa mga mata niya? At ako, bakit wala na rin ang galit na nararamdaman ko noon kay Zach dahil bigla na lang niya akong pinagbintangan at sinabihan ng masasamang salita ng hindi man lang pinapakinggan ang side ko? Dahil ba medyo matagal na panahon na rin namang nangyari 'yon?



Umupo ako sa weird na mesang iyon. The table is situated at the center of the kitchen na ang magkabilang gilid ay nagagawang cabinet. Ideal lang ang mesang iyon para sa apat na tao.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon