Secret Nights - 14

340K 3.5K 383
                                    

Pero tuluyan na lang kumagat ang dilim ay walang Loisa na nagpakita sa 'kin. Bandang alas siyete ay may natanggap akong text mula sa kanya. Buti na lang talaga ay kinuha ni bruha ang number ko kanina. Ayon sa text ay doon daw sa dorm ni Justin ang magaling kong kaibigan.

Hindi na lang ako nagreply ay pinasyang kumain na lang ng hapunan. Pagpunta ko sa cafeteria ay may nakita akong kanya-kanyang grupo ng mga estudyante na kumakain. Ang ilan ay panay chika at meron namang iba na seryosong kumakain habang may nakatabing libro sa plato.

Umorder na 'ko at pumwesto sa pinakasulok ng café kung saan medyo konti lang ang tao. Nakakailang subo pa lang ako ay naramdaman kong may umupo sa mesang nasa tapat ko. At ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita ko si Mr. Sungit.

Sinikap kong ituon ang pansin ko sa pagkain ko kahit gustong-gusto ko nang magtaas ng ulo para masigurong tinitigian nga ako ng lalaking kaharap ko ngayon. Pasimple akong nag-angat ng mukha habang nakasubo pa ang kutsara ko sa bibig at baaam!

Huli ka balbon! Nakita ko siyang nakatingin nga sa 'kin. Then after the brief eye contact ay nakita ko siyang nag-smile sa akin. Iyong tipo ng smile na  medyo pilit.

Minadali ko na ang pagkain ko para makaalis na 'ko sa lugar na 'to. Pakiramdam ko kasi ay napakaliit ng cafeteria kapag kasama ko ang lalaking 'to. Kailangan kong pumunta sa open space.

Saktong nakalabas na ko ng cafeteria nang bigla namang humarang sa dadaanan ko si Mr. Sungit. May bitbit siyang plastic sa isang kamay. Pag kanan ko ay kumanan naman siya. Paglipat ko sa kaliwa ay kumaliwa naman siya.

Baliw ata 'tong abnoy na 'to, eh. Well, gwapong abnoy then.

"Nananadya ka ba?" inis na tanong ko.

"Yes," sagot ng lalaki. "I mean no," biglang bawi niya.

"Kung ganoon, padaanin mo 'ko," sabi ko at umaktong hahakbang na ulit pero this time ay ihinarang na niya pati kamay niya.

"Can we talk for a second?" tanong naman ng lalaking 'to na undeniably ay super yummy talaga.

"Pagkatapos mo akong akusahan kanina na sinusundan kita, tapos ngayon ay iyan ang sasabihin mo?"

"Please, just a sec," pakikiusap pa ng lalaki na hindi ko alam kung nagpapapungay ng mata sa 'kin or what. Umasta akong kunwari ay hindi ako apektado sa charm niya. Tinabig ko ang kamay niya at nagpatuloy ako sa paglalakad. "Please, I'm sorry for being rude kanina."

Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa lalaki. "Ulitin mo nga 'yong sinabi mo."

"Which part?" aniyang unti-unting lumalapit sa 'kin.

"Yung bandang dulo."

Nagkamot siya ng ulo at saka muling tumingin sa 'kin. "I'm sorry for being rude."

"Okay, pinapatawad na kita," sabi ko habang naglalakad ako ng patalikod. "'Wag kang mag-alala at hindi na kita—"

Blag!

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nahulog ang kaliwa kong paa sa pinaka-drainage ng pathway na 'yon. And unlike sa mga romance novels na nababasa ko, hindi naging mabilis ang lalaking nasa harap ko para agapan akong huwag matumba kaya ang ending ay ang magaspang na semento ang sumalo sa akin at siguradong kahiya-hiya ang kawalan ko ng poise.

Mabuti na lang at hindi malakas ang impact ng pagkakabagsak ko kaya kahit papaano ay hindi gaanong masakit ang balakang ko.

"Miss, okay ka lang?" sa wakas ay lumapit din sa 'kin ang hinayupak na lalaking 'to.

"May natapilok bang okay? Siyempre hindi ako okay. Tulungan mo akong tumayo, bilis."

Parang gusto kong bawiin ang kamay ko na hawak ng lalaki nang marealize kong mag malambot pa ang kamay niya kesa sa kamay ko.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon