Secret Nights - 19

310K 3.6K 694
                                    

Pagsapit ng hapon ay nauna na akong umuwi dahil mukha wala pang balak umuwi si Zach. Ni ayaw niya nga niya akong kausapin simula nang mag walk-out siya kanina sa canteen.

Pagdating ko sa bahay ng mga Anderson ay mabilis na nagpalit ako ng damit at saka naghanap ng pwede kong gawin. Hindi kagaya noong unang dating ko dito sa bahay nila ay hindi na ako pwedeng magpasarap.

Nandito na ang mga totoong amo kaya kailangan kong magpakitang gilas kahit wala sila sa paligid. Malay ko ba kung lihim lang pala silang nagmamasid sa mga ikinikilos ko.

Nagma-mop ako ng sahig sa kusina nang biglang pumasok si Zeke. Naka boxer at sando lang siya. As usual ay ang pogi niya ulit sa paningin ko. Ngayon ko lang na-realize na kaya hindi ko gaanong napansin ang pagiging magkapatid nina Zach at Zeke ay dahil mas maraming namana si Zach sa daddy nila samantalang si Zeke ay tila male version ng mommy nila. But they are both good looking, I should say.

"Amber, pwede mo ba akong dalhan ng merienda sa kwarto ko?" narinig kong tanong ni Zeke. Seryoso ang boses niya na para bang hindi kami nagkasama kahapon at noong isang araw lang.

"Sige po," sagot ko sa kalmadong tono.

"Thanks. Anyway, my room is next to Zach's room," iyon lang at umalis na siya.

Mabilis na naghanap ako ng pwede kong ipakain sa kanya. Dahil hindi ko gamay ang kusina ay dinampot ko na lang ang una kong makita na malapit sa akin. Nilagyan ko ng palaman ang slice bread at saka iyon nilagay sa platito. Pagkatapos ay nagtimpla naman ako ng juice at nagsalon sa isang baso. Nilagay ko lahat ng iyon sa tray at saka umakyat sa ikalawang palag ng bahay.

Bahagyang nakabukas ang pinto ng kwarto ni Zeke kaya itinulak ko na lang iyon gamit ang isa kong paa para bumukas.

Nakita ko si Zeke na nakaupo sa gilid ng kama at nakaharap sa nakabukas na bintana na para bang malalim ang iniisip. Inilapag ko sa mesa na katabi ng kama niya ang tray at saka inagaw ang pansin niya.

"Zeke, nandito na ang merienda mo," sabi ko sa mahinang boses pero alam kong maririnig niya.

Lumingon siya sa akin at saka tumayo. Ang akala ko ay lalapit siya sa akin pero nilagpasan niya lang ako. Iyon pala ay itinulak niya ang pinto pasara at saka iyon ini-lock. Nang nasa harap ko na siya ay saka lang siya ngumiti at saka ako niyakap—bagay na hindi niya ginawa kanina sa kusina.

Kung kanina ay seryoso at halos hindi ngumingiti ang Zeke na nag-request sa akin ng merienda, ngayon naman ay ibang-iba ang Zeke na yumayakap sa akin ngayon. It was the same Zeke na nakasama ko kahapon.

Hindi ko na napigilan gumanti ng yakap sa kanya.

"Ang akala ko ay hindi mo na talaga ako papansinin," may himig ng pagtatampo sa boses ko.

Itinaas ni Zeke ang mukha ko at saka pinagdikit ang noo namin. "Pwede ba naman 'yon? Na-miss kaya kita," sabi niya bago ako hinalikan sa labi. Saglit lang ang halik na 'yon pero sapat na para manghina ang tuhod ko. "I said I miss you..."

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. "Na-miss din kita."

Niyaya niya akong umupo sa gilid ng kama niya at saka inabot ang merienda na ako mismo ang gumawa. Isinubo niya sa akin ang kabilang dulo ng sandwich at ang dulo naman ay kinagatan niya.

Hindi nagtagal ay nagpaunahan na kami sa pagkagat at pagkain ng sandwich hanggang sa unti-unti iyong lumiit hanggang sa mag banggaan na ang mga labi namin na nauwi rin sa isang mainit na halik.

"Tomorrow night, tapusin na natin 'yong painting, you want?" iyon ang tanong ni Zeke nang matapos niyang inumin ang kalahati ng juice na laman ng baso.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon