Secret Nights - 06

397K 3.9K 75
                                    


Habang naglalakad kami ni Zach papasok ng gym ay ramdam kong maraming mga mata ang nakatutok sa amin. Even if half our faces were covered with mask, alam kong hindi naitago ng mga maskarang suot namin ang ganda ko at kagwapuhang taglay ni Zach. At dahil sa suot kong heels, ako na yata ang pinakamatangkad na babaeng nasa loob ng bulwagang iyon.



Nakita ko ang pagbubulungan ng ilang mga babae na unfortunately ay walang mga ka-partner. Siguro ay kabilang ang mga babaeng 'yon sa mga wala sa group ng matatalino, magaganda o 'di kaya ay mga famous sa school. 



Meaning, those girls belongs to the average group of girls in school. Ganoon naman lagi ang mga so-so or average girls, 'di ba? Madalas ma left-out. Rare na mapansin ng mga guys na karaniwan nang naghahanap ng makaka-date sa alinmang grupo na nabanggit kanina.



Anyway, Zach and I were just on time. Halos magsisimula pa lang ang short program. Then right after it ay nagkaaninan naman. I love the foods especially the lechon. Halos matawa nga sa 'kin si Zach kasi halos mapuno ng pagkain ang plato ko.



Well, bakit ba? Bayad naman ang mga ito. Besides, minsan lang akong makakain ng ganito kasasarap na mga pagkain. So I did indulge myself.



Pagkatapos kumain ay may isang kumanta na hindi ko kilala. Third year siguro. Then after that  ay nagsimula naman ang sayawan. Karamihan ng tugtog ay pang slow music. After almost half hour ay nainggit siguro si Zach kaya niyaya niya akong magsayaw.



Hindi ako tumanggi nang hawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa gitna ng gym kung saan may mga nagsasayaw na mga estudyante at ang iba pa nga ay mga MAPEH teachers.



Inilagay ni Zach ang dalawa kong kamay sa leeg niya at ang mga kamay naman niya ay kusang pumulupot sa bewang ko. And we started dancing... slowly. 



Habang nagsasayaw kami ay magkadikit ang mga noon namin. Bahagya pa siyang nakayuko sa 'kin kasi hanggang tenga niya lang ako kahit naka-heels na ako. I could feel breath against mine. Mabango si Zach. Hindi kagaya ng iba naming mga kaklase na madalas ay amoy pawis.

After two songs ay may binulong sa 'kin si Zach. "Labas muna tayo saglit," sabi niya sa punong-tainga ko.



Pumayag naman ako nang hilahin niya ang kamay ko palabas ng gym. Hinili niya ako hanggang sa makarating kami sa left wing ng municipal gymnasium. Sa parteng 'yon ay medyo madilim pero maraming puno. At nagulat pa ako nang ma-realize kong hindi lang kami ang mag partner na nandon.



It seems like may nauna pala sa amin dito. Kahit madilim ay medyo naaaninag ko pa naman ang mga estudyanteng katulad namin ni Zach na bihis na bihis. At ano pa ba ang ginagawa ng mga estudyanteng uma-attend ng prom na sa halip na nasa loob ng venue ay nasa madilim na lugar? Of course, trying to making out.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon