Secret Nights - 44

329K 3.6K 518
                                    

AMBER'S POV



I'm just twenty pero pakiramdam ko ay napakarami nang nangyari sa buhay ko. I've been through a lot of ups and downs, heartaches and pain. Pero nagpapasalamat ako na kahit minsan, hindi ko naisipang sumuko. Oo, madalas akong madapa at iginugupo ng mga problema. Pero isa sa mga natutunan ko ay ang hindi basta-bastang pagsuko. Na sa bawat pagkakadapa mo, matuto kang bumangon at matuto mula sa pagkakalugmok mong iyon.



At nagpapasalamat ako na nagawa kong lagpasan ang lahat ng mga pagsubok na dumaan sa buhay ko noon. Alam kong marami pa akong pagsubok na pagdadaanan... pero this time, alam kong hindi na ako mag-iisa.



Because today, I'm going to walk down the aisle and tie the knot with this man whom I'll gonna spend the rest of my life with.



Pagbukas ng pinto ng simbahan ay nagsimula akong maglakad papasok. I still can't believe that today is actually my wedding day.



Nagsimula mamuo ang mga luha sa mata ko nang makita ko ang mga taong naghihintay sa akin sa loob. Pagdating ko sa gitna ay sinalubong ako ng isang lalaki na nagkaroon rin ng malaking parte sa buhay ko—si Zeke. He looked so handsome in his suit. Napansin kong kagaya ko ay namumula rin ang mga mata niya.



Dahil nga wala na si mama at hindi ko alam kung nasaan ang tatay ko, hiniling ko na si Zeke ang maghatid sa akin sa altar.



At habang naglalakad kami palapit sa altar kung saan naghihintay sa akin si Zach kasama ang mommy at daddy nila ay hindi ko mapigilang hindi tuluyang maluha. Ganito pala talaga kapag araw na ng kasal mo, grabe ang buhos ng saya.



Nang tuluyan na kaming makalapit ay ibinigay ni Zeke ang kamay ko kay Zach. "Iingatan mo lagi si Amber, bro. Huwag mo siyang paiiyakin," pabiro pang sabi niya sa nakababata niyang kapatid.



"I will bro." At parang bata na umiyak na rin si Zach bago yumakap sa kapatid.



Pagkatapos ay magkahawak-kamay na kaming humarap sa pari.




ZEKE'S POV


Sabi nila, kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero paano kung sa umpisa pa lang ay alam mo nang talo ka na?



Sa kaso ko, mas gusto kong isipin na tama ang naging desisyon kong huwag nang ipaglaban si Amber kahit na alam kong hindi magiging madali ang paglimot ko sa kanya.



But looking at her right now with my brother Zach, I know that she'll be happy for the rest of her life.



Nandito na kami sa reception area. The place is so lively. Masaya ako na natuto na sila mommy at daddy na tanggapin ang mga desisyon naming magkapatid.



Nakaupo ako sa isang sulok nang tawagin ng emcee ang mga single daw na lalaki dahil ihahagis na ni Zach ang garter na hawak niya. Napilitan akong tumayo dahil si mommy pa mismo ang pumilit sa 'kin.



And to my surprise, ako pa talaga ang nakasalo ng mahiwagang garter. Naghiyawan ang mga tao sa paligid habang ako naman ay tatawa-tawa.



Then it was Amber's turn to throw her bouquet. Nakatayo sa gitna ang mga single na babae habang ako ay nakatayo 'di kalayuan sa mga bagong kasal.



At napalakas yata ang paghagis ni Amber dahil wala ni isa sa mga babaeng nasa unahan ang nakasalo sa bouquet. Hanggang sa nahati sa dalawa ang mga babaeng nasa unahan at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa isang mesa at hawak-hawak niya ang mahiwagang bouquet.



Kinailangan ko pang pasingkitin ang mga mata ko para lang siguruhing hindi ako nagkakamali ng nakikita ko ngayon.



"Lian?" hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili habang naglalakad naman ang babaeng nakasalo sa bulaklak papunta sa kinatatayuan ko. It's really her. It's Lian.



"Hello, Zeke," bati ni Lian nang sa wakas ay nakatayo na siya sa harapan ko.



 ***THE END***THE END***THE END***THE END***

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon