Present Time (Chapter 2)

230 37 21
                                    

Chapter 2 : Saved

"Mukhang mahihirapan yata akong makauwi nito." Napabuntong hininga ako.

Hinanap ko ang cellphone ko sa bag na dala ko. Mariin akong napapikit dahil wala ako makitang kahit na anong bakas ng cellphone ko. Hindi ko nga pala nadala kanina dahil sa nagmamadaling pagsama sakin ni Claire dito. Well, Great. Tsk. Ano nalang gagawin ko para matawagan si Cristoff to catch me here. I'm in the center of no where. Kalsada lang ang makikita. Kaunting sasakyan at iilang tao, wapa man lang pinakamalapit na convenience store dito. Ang swerte ko talaga.

Sumandal ako sa malamig na bakal sa tabi ko. Napatakip ako sa mata dahil sa paparating na sasakyan. Nang mawala ang ilaw ay sinundan ko ng tingin ang kotse. Sana taxi nalang 'yung dumaan. Para makauwi na 'ko. Pero hindi.

Pumikit nalang ako. I want to rest for a minute. Ayokong masiyadong ma-stress.

Ilang minuto pa akong nasa ganoong sitawasiyon ng maramdaman kong may mga taong sumilong at naupo malapit sa tabi ko. Baka pwede nila ako matulungan? Pero.. napakapit ako ng mahigpit sa bakal na kinahihimlayan ko ng may malamig at matalim na bagay ang tumutok sa tagiliran ko. God gracious what's happening?

"Ibigay mo samin lahat ng dala mo!" Bulong niya.

Ano bang dala ko? Iyong limang libo sa wallet ko? Iyong foundation at lipstick na isinuksok ni Claire sa bag ko 'nung nasa kotse pa kami. Anong ibibigay ko? Ito?

"Fine," I said and slowly open my eyes. "I'll give you my bag. Just put your knife out." Mahinahon kong sabi. Natatakot ako na baka anumang oras ay nasa loob na ng sistema ko ang patalim na ito.

Pero imbis na ibaba ay ipinagsawalang bahala niya lang ang sinabi ko. Hinigpitan niya pa ang kapit sa kaliwang kamay ko.

Binuksan ko muna ang wallet ko at kinuha ang mga I. D ko.

"Ano 'yan? Iwan mo lang yan sa loob ng pitaka mo!"

"Teka kuya no? Ano bang magagawa saiyo ng mga I. D. at card Ko? Don't worry walang credit card dito." Sabi ko habang kinukuha ang mga dapat kong kunin. Pati na din iyong picture ko.

Nang matapos ay padabog kong iniabot sakanya ang bag ko. Tss. Mga walang magawa sa buhay. Kung maghanap nalang kaya ng trabaho, eh may mas magagawa pa sila. Tss. Mga cancer. Toxic.

"Iyo na lahat yan. Iwan mo na ko dito. Wala na kong ibang maibibigay." Pagmamatigas ko.

Napangisi ito. Napalunok ako ng ilang beses at nag iwas ng tingin. Oh, please. Can someone get out of me here?

"Alam mo, maganda ka." Natapik ko ang kanyang kamay palayo sa mukha ko ng haplusin niya ito ng ipinihit niya paharap sa mukha niya. Nag init ang ulo ko sa ginawa niya. Ayaw na ayaw ko ang mga ganitong tao. Wala na ngang magawang mabuti, dadagdagan pa.

"Palaban ka ah?"

Ilalapit pa sana niya ulit ang kamay niya ng balyahin ko ito at pumihit paharap sakanya. Tumambad sa tapat ng mukha ko ang matalim na balisong. Nanlambot naman ako sa nakita ko.

Nabaling ang tingin ko na nasa likod ng lalaking kausap ko. Iyong isa na nakasunod sakanya ay prenteng naninigarilyo at sumusulyap sulyap pa saamin bago napapangisi. Iyong isa naman ay nakaupo na parang balisa na hindi ko malaman. Why is he acting nervous? Diba isa siya sakanila? Is it his first time o napilitan lang siyang sumama sa kanila?

Year 3030Where stories live. Discover now