Year 3030 chapter 12

98 13 9
                                    

Mahirap hanapin ang nakatago, pero mas mahirap hanapin ang taong tinatago sa pamamagitan ng sariling kasinungalingan at sekreto. - Jack.

Chapter 12

"Are you sure na nandito siya? Na mapapadaan siya dito?" Kinakabahan at atat na tanong ko. Kanina pa kasi kami nag aabang dito sa tabi ng isang kotse at sa unahan naming ang isang parking space na naka reserve daw sa kotse ng Drigo Grey na hinahanap ko. Sabi niya, kapag ganitong oras ay dumadating si Drigo, pero kanina pa kaming nakatanga sa sulok ng lugar na 'to. Ang sabi niya'y 'wag ko munang i-claim na anak niya ako, subaybayan ko lang muna at humanap ng tamang tyempo. As if naman tototohanin ko ang alibi na sinabi ko sa kanya. No way, bro.

"Gotcha." Sabi niya sa kawalan at hinawakan ang ulo ko para ipaharap sa kotseng kakarating palang. I can do that, di niya kailangang hawakan ang ulo ko. Naku, pabida.

"Siya na ba 'yan?" Tanong ko kay Tyler ng bumaba ang isang matangkad at maskuladong lalaki. Umiling lang siya. Inabangan kong may bumaba ulit. Bumaba ang isang may katamtamang tangkad, mabalbas, bigote at may kayumangging balat. Halatang katulad ko, galing din siya sa panahong pinagmulan namin.

"Your dad." Sabi niya na may halong pang aasar. Wow, he doesn't even look like me. Masiyado siyang naniniwala.

Mas itinutok ko ang pagmamasid ng inalalayan niya pababa ang isang babaeng.. buntis.

"That's his wife, and that baby is your brother, sister I think? I don't know." Saad niya pero hindi ko na iyon pinansin.

"Ilang buwan na siyang buntis?" Baling ko sakanya ng tuluyan nang nakaalis ang dalawa.

"Almost 9 months?" I just nodded. It felt like I'll be doing the most difficult part of this mission. Killing isn't easy. It felt like I'm in between of two rocks and I'm stucked.

Naglalakad kami sa palabas ng building ng lutang ang isip ko. Nasa 2nd basement parking lot kami. Pangalawang basement sa ilalim ng lupa.

Nasa labas na kami nang mapahinto ako sa paglalakad, I turned my back to face that building where I came from. In just one snap my eyes widened. I bit my bottom lips when I realized where we are right now. Sa lugar kung nasaan din si Eille. The tallest building on earth. Where Eille works.

"Can we go inside?" I asked to Tyler.

"That isn't a good idea." He said. Napalingon naman ako sakanya na nakapamulsa na ngayon at walang imosiyong nakatingin sa gusaling nasa harap namin.

"Bakit? I just want to see Eille, alam kong nandiyan siya ngayon." Pagpipilit ko.

"You insist." Sabi niya na nagkibitbalikat pa. Nauna siyang mag lakad. Sumunod nalang ako sakanya.

Noong una akala ko tao ang nagbabantay sa harapan ng building. Robot din pala. May mga dapat pang i-scan para makapasok kami gaya ng ginawa ni Eille noon pero hindi iyon ginawa ni Tyler. Sumunod nalang ako sakanya.

Konti nalang. Konting konti nalang talaga, mapapagkamalan ko 'tong hindi tao. Noong una iyong pinto sa bahay. Ngayon ito. What's with Tyler? Bakit niya nagagawa ang lahat nang 'to.

"What floor?" Tanong niya saakin. Andito nanaman kami sa 'Elevator' ng panahon 'to. Hindi yata angkop ang salitang elevator sa bagay na 'to Kundi, spinner. Yes spinner. Iikot lang para maka akyat. Though, it makes you literally elevate but the process isn't.

Year 3030Where stories live. Discover now