Year 3030

56 10 10
                                    

Sweet lies for the deepest truth he's covering. -

Chapter 19

Mariin akong napapikit ng papalapit ng papalapit ang hover car na pinara ko.

Kanina pa ako pumapara sa tabi ng daan pero walang tumitigil kaya napag desisiyonan kong pumagitna sa gitna ng daan.

Sana lang ay hindi nila ako sagasaan.

Ga-dangkal nalang ang agwat ko sa kotse ng tumigil ito. Nanginig ang tuhod ko sa pag aakalang babanggain na ako nito kaya't napa upo ako sa malamig na semento ng kalsada. Narinig ko naman ang pag bukas-sara ng car door at sa ilang sandali lang ay may babae nang nasa harapan ko.

"Miss? Are you okay?" Mahinhin ang boses na sabi niya.

Tiningala ko siya at para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Isang pamilyar na mukha ang tumambad saakin.

With her black straight-long hair and red seductive lips, I recognize her.

"Shannaia."

An unfamiliar aura occupied us.

"Lady, you must've not standing at the center of the road." She's like an angel talking to a hopeless human standing before her.

"Sha-- Sha.." Bigla akong nahilo kaya't napakapit ako sakanya. Buti nalang dahil naka alalay agad ang kanyang kamay kaya hindi ako natumba.

"Margaux." Napaangat ako ng tingin dahil sa pangalang sinabi niya. "Margaux is my name." She flashes a smile before she continued. "Why are you here? You need car? I can give you n--" I cut her off when she was about to bring her phone out. Maybe she'll call the company who's making cars. Drigo's company to be specific.

"I want you to bring me where cars are made, ako nang bahala." An alibi came out my mouth.

Wala akong kahit anong ideya kung ano ang adress ng mismong building na kinatatayuan nun at isa pa, hindi ko alam ang pangalang kompanya nila.

"You mean, at Jack's?"

"Jack's what?"

"Jack's inc. That's the company you're looking for." Makahulugan niyang sabi. Natauhan ako sa mga tingin niya. I don't want to assume but how come? Her resemblance are definitely like Shannaia. "Let's go, Ihahatid na kita doon. A couple of minutes won't waste my time."

Ako na ang mag isang nag bukas ng car door at umupo sa passengers seat.

"I can them whenever you want, Bother to go there and bought a Hover car?"

Hindi ko siya inintindi at deretsiyo lang na tumingin sa labas. I don't know this person, though she looks like that genius brat.. Hindi pa rin ako dapat mag tiwala sakanya. Okay na iyong nagtiwala agad ako sa dalawang taong nandito sa panahong ito. One more is unacceptable.

But where are them? Iniwan na nga pala ako ni Eille at nadamay naman sa gulo ko si Ty. Wala nang dapat pang sumunod na inosenteng tao.

"Here we are." In a sing-song tone, she said.

Dumungaw muna ako sa building na katapat namin.

Mukhang ito na nga. Ito lang naman ang pinakamatangkad na building sa lugar na ito pero ang pinoproblema ko ang kung paano ako makakapasok.

"I know what you're thinking.." Nabaling ang tingin ko kay Margaux na seryosong nakatingin saakin. "Jack's inc. programmed a hologram to each and every house of this country flashing your face. You must've a hard time entering his company."

Natulala ako sa sinabi niya. Talaga bang wanted na ako sa lugar na ito?

"And then now. Jack's attached a SHR to every part of the city, specially on his company. " Dagdag niya pa. Napalunok na lang ako. Lumaki ng lumaki ang problema ko na umabot na sa sukdulan.

Year 3030Where stories live. Discover now