Kabanata 1

5.5K 165 22
                                    

Kabanata 1

(Agawan Ng Bag)

Shane Lustre:

Ohmygosh! naman talaga, nagmamadali pa naman ako kaso subrang traffic na naman.

Sana lang wala pang bumibili sa bag na gusto kong bilihin para sa pinsan kong si Dianne.

Birthday kasi niya next month at nahihirapan akong mag-isip kung ano ang ireregalo ko sa kanya, halos naman ata kasi ng bagay ay nasa kanya na...tsskk.

Ang hirap nang mag-isip pa kung ano ang ireregalo ko kung hindi ko iyon mabibili.

Hayssst..., kanina pa kasi dapat ako nakaalis sa trabaho ko kaso late dumating ang kashift ko kaya ayon pinakiusapan ako ng manager ko na magcharity ng halos kalahating oras.

Service crew nga pala ako sa isang kilalang fast food chain,"love ko to", oh alam nyo na siguro kung saan?

Nalibot ko ata kahapon ang buong mall sa paghahanap ng pwedeng ipang gift ko sa kanya at nakita ko nga ang bag na iyon. Dapat ay bibilihin ko na iyon kahapon kaso kulang ang dala kong pera. Kaya ito ngayon nagmamadali akong balikan iyon lalo't ang sabi ng sales lady ay last stock na ito tapos may 15% discount pa, malaki ring discount iyon, makakatipid ako, kaya naman iyon na talaga ang naisip kong ipang-gift kay Dianne.

Sa design pa lang nito ay alam kong magugustuhan ito ni Dianne. Medyo mahal kahit nakasale na pero kere lang, pinag- ipunan ko naman ito.

Ayaw ko kasing mapahiya kay Dianne, alam ko namang sanay sa mamahaling gamit ang pinsan kong iyon. Palibhasa ay solong anak kaya spoiled.

Tumalon ang puso ko sa tuwa dahil nakadisplay pa sa bag rack ang bag, ibig sabihin wala pang bumibili nito.

Pumasok ako sa bag store at mabilis na lumapit sa kinalalagyan nito. Kukunin ko na dapat kaso may isa pang kamay ang humawak dito.

I saw an angel..este isang gwapong lalaki. Napatingin ako sa mukha ng gwapong lalaking gustong pa atang makipag-agawan sa akin sa bag. Tumingin din ito sa akin.

I was stunned for a moment.

Shakkss, Why not, kasi naman ang lalaking ito ay incredibly gorgeous.

Ito pa lang ata ang lalaking nakakitaan ko ng napakagandang mga mata kahit pa nga may nakikita ako konting iritasyon dito.

I was mesmerized by his eyes. As if, I was looking right through his soul. Even his nose was perfectly shaped.

At diosmio, mamamia, ang pula pula ng labi niya, tinalo ata ang labi ko, marami kasing nagsasabi na kissable red lips ang sa akin pero ngayon mukhang mas kissable at mas mapula ang labi niya kesa sakin.

Haysst...nanang kupo, napansin ata nito ang pagmamasid ko sa looks niya dahil parang bigla kinuyumos na papel na ang noo nito.

Tsssk!...Shane tanga lang?, hindi ito ang tamang oras para lumandi ka, sita ko sa sarili ko, of course alam nyong sa isip ko lang ito sinabi.

Ang bag ni Dianne! Kailangang sa akin ito mapunta.

Hinatak ko ang strap ng bag pero mahigpit din ang hawak ng lalaki dito. Pasimpleng hinatak ko ulit iyon pero gumanti rin ito ng hatak. Nakipaghatakan ako sa kanya.

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon