Kabanata 13

3K 146 8
                                    

Kabanata 13

(What if?)

Shane:

Ilang araw ko nang iniiwasan si Ravi. Hindi na ako nagpupunta sa gymnasium dahil alam kong palaging naroon siya para magpratice ng basketball.

Umiiwas talaga ako para lang hindi magsalubong ang landas namin sa school campus. Sa mga lugar na alam kong hindi pinupuntahan ni Ravi ako madalas tumatambay o dumaraan.

Kahit kapag tumatawag siya sa cell phone ko ay hindi ko ito sinasagot. Kung napipilitan man akong kausapin siya ay sinisigurado kong magdadahilan ako para makapagpaalam kaagad sa kanya.

Hindi ko alam kung nahahalata na ni Ravi na iniiwasan ko siya. Kailangan ko na itong gawin para makalimutan ko kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya. Nami-miss ko siya ng subra kaya lang alam kong sa bandang huli ako rin ang masasaktan kung hindi ako iiwas.

Madalas ko nang nakikitang magkasama sina Ravi at Dianne. I should be happy for them, but I felt the other way around.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cell phone ko. Baka si Ravi na naman. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Dianne ang tumatawag sa akin at hindi si Ravi.

Sinagot ko iyon.

"Cuz, kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkikita." Bungad ni Dianne sa akin sa kabilang linya.

"Hmmmmm...ok lang ako pinsan. Ikaw ba?"

"I'm okay. Aayain sana kitang mag-out-of-town trip this coming long weekend. Sige na. Please sumama ka na cousin. Ang alam ni mommy kasama kita." Paki-usap ni Dianne.

Naisip ko nakakahiya kay Tita Riza, mommy ni Dianne kung hindi ako sasama. Isa pa matagal ko nang hindi nakakabonding ang parents ni Dianne. Matagal na ang huling beses na nakapunta ako sa beach. Pagkakataon ko na rin ito para makapag-unwind.

Excited ako habang hinihintay ko sina Dianne at ang parents nito. Ito na ang araw na mag-a-out-of-town kami. Sa beach resort na pag-aari nina Dianne kami pupunta. Talagang napakaganda sa lugar na iyon at napakapresko ng hangin.

Nang huminto ang sasakyan nina Dianne sa tapat ng bahay namin ay excited akong sumakay sa kotse para lang magulat.

Nakita ko si Ravi na nasa driver's seat at katabi si Dianne. Samantalang nasa backseat si Inigo. Ang akala ko'y family outing ng family nina Dianne ito pero mukhang kaming apat lang ang mag-a-out-of-town. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko nilinaw kay Dianne ang tungkol dito bago ako pumayag.

Tumingin ako kay Ravi. Nagtama ang aming mga mata kaya halos huminto ako sa paghinga. May kung anong emosyon akong nakikita sa mga mata niya. Ako ang unang nagbawi ng tingin sa aming dalawa.

Mukhang sa halip na makakapag-relax ako sa outing na 'to ay baka ma-stress lang ako lalo. Nakaka-stress masyado, isipin ko pa lang na ilang araw kong makakasama si Ravi.

Nakaka-stress naman. Sumasakit ata ang ulo ko.

"Let's go. Let's enjoy this weekend guys," masayang sabi ni Dianne.

Umupo ako sa backseat sa tabi ni Inigo.

Agad na pinatakbo ni Ravi ang sasakyan. Hindi talaga ako mapalagay. Naiilang ako sa sitwasyon namin. Nakakailang ang ilang beses na nahuli kong tinitingnan ako ni Ravi sa rearview mirror.

"Shane...namiss kita." Sabi ni Inigo. Mabuti na lang at nagbukas ito ng usapan.

Nawala ang atensyon ko kay Ravi. Malamang kung wala si Inigo ay bumaba na ako ng sasakyan at uuwi na lamang.

Kung kelan ko pa naman pursigidong iwasan si Ravi ay saka naman kami pinaglalapit ng pagkakataon.

Ravi:

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedWhere stories live. Discover now