Kabanata 9

2.6K 150 6
                                    

Kabanata 9

(Para sa Kanya)

Shane:

Pakiramdam ko may mga matang nakatitig sa akin kaya naman napilitan akong dumilat. Nagulat ako nang makita kong napakalapit ng mukha ni Ravi sa mukha ko.  Parang pinagmamasdan nga ako nito. Sa subrang gulat ko ay napabalikwas ako kaya hindi ko sinasadyang tumama ang noo ko sa noo ni Ravi.

Sabay tuloy kaming napadaing habang sapo ng mga kamay namin ang kanya- kanya naming noo.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Nagulantang tuloy ako." Tanong ko kay Ravi.

"May lamok ka kasi..." Nauutal na sabi ni Ravi sa akin. Hindi rin ito makatingin ng deretso sa akin.

Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano.

Bigla kong naalala si Dianne. Nakatulog pala ako sa paghihintay sa kanila dito sa loob ng kotse ni Ravi.

"Asaan si Dianne?" Tanong ko kay Ravi. Hinahanap ko kasi ang pinsan ko pero wala na ito.

"Naihatid ko na....ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi ka na namin ginising."

Napahimbing pala talaga ako ng tulog.

"Kamusta naman ang date n'yo? Sana naman nag-enjoy si Dianne pati na rin syempre ikaw. Magkwento ka naman." Hiling ko kay Ravi.

"Okay lang. Saka bakit ko naman sasabihin sayo?" Halatang walang ganang magkwento si Ravi sa akin.

Natauhan naman ako. Ang tanga tanga mo talaga Shane kahit kelan. Bakit kasi nagtanong pa ako? Sino ba naman ako para magkwento si Ravi ng pribadong bagay gaya ng sa kanila ni Dianne. Malamang gusto ni Ravi na gawing pribado kung ano man ang mamamagitan sa kanila ng pinsan ko. At hindi niya ipagakakatiwalang ikwento iyon sa kagaya ko lang.

"Okay...salamat sa paghatid at sa pagkain. Ingat ka sa pag-uwi. Goodnight." Pinilit kong maging kaswal ang boses ko kahit pa nga nakaramdam ako ng lungkot.

Pababa na dapat ako sa kotse niya nang biglang hawakan ni Ravi ang kamay ko.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Kanina ko pa 'to gustong sabihin sayo..." seryoso si Ravi. Ewan ko ba...ang mga titig niya ang nagpapakabog sa dibdib ko. "You look so beautiful tonight."

"Maliit na bagay...." Tinapik ko lang sa braso si Ravi at mabilis na bumaba sa kotse niya. Mabilis din ang hakbang ko papasok sa bahay namin.

Ayaw kong bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi niya. Wala lang 'yon. Siguradong wala lang 'yon.

Hindi ka babae, Shane. Hindi ka babae.

Ravi:

Kanina pa nakapasok si Shane sa loob ng bahay nila pero nandito pa rin ako sa labas. Parang ayaw kong umalis dito. Madaming tanong sa utak ko pero hindi ko mahanapan ng sagot.

Bakit siya ang iniisip ko at hindi si Dianne? Bakit mas masaya ako kapag siya ang kasama ko? Si Dianne ang ka-date ko pero madalas ang panakaw kong pagtitig kay Shane kanina. Hanggang ngayon ay nasa utak ko pa rin ang mukha ni Shane.

Nagulat ako kanina nang makita kong kasama si Shane ni Dianne. Mas nagulat ako nang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa saya na makita si Shane. Pinaghandaan ko pa naman ang date namin ni Dianne pero pakiramdam ko I was a lame date to her. Nang magpaalam si Shane na sa labas na lang ito maghihintay sa amin ay parang gusto kong sumunod na lang dito. Naguilty tuloy ako para kay Dianne.

Nang kami na lang ni Shane ang nasa sasakyan dahil nahatid ko na si Dianne sa bahay nila ay nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan si Shane habang natutulog. Pangalawang beses ko nang ginawa iyon. Gaya ng dati, my heart beat faster.

Maigi na lang nagising siya kaagad bago pa ako makagawa ng bagay na baka pagsisihan ko later.

Gusto ko sanang halikan ng palihim si Shane pero alam kong mali.

Shane:

"Happy birthday sa pinaka-pretty kong pinsan." Napangiti ako sa masayang pagbati ni Joy sa akin. Kung si Dianne ay pinsan ko sa mother side. Pinsan ko naman si Joy sa father side.

"Thank you mas pretty kong pinsan." Niyakap ko si Joy. Special ang araw na ito para sa akin dahil kaarawan ko nga.

"Anong plans mo ngayon? May date ka ba?" Biro ni Joy sa akin.

Tinawanan ko lang si Joy."Baliw...wala ngang nanliligaw, date pa? Saka ano akala mo sa akin, babae lang?"

"Bakit, sa ganda mong 'yan hindi ka bawal magka-boyfriend. Baka masyado ka lang busy kaya hindi pa dumarating si Mr. Right."

"Nang bola ka pa. Kita tayo mamaya. Kain tayo. Treat kita." Masaya kong sabi kay Joy.

"Wow sana araw araw birtday mo pinsan!" Masyado atang natuwa si Joy kaya napalakas ang boses niya.

"Birthday mo pala Shane?"

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. It was Inigo, ang friend ni Ravi. "Happy birthday Shane. Kaya pala napakaganda mo today kasi birthday mo."

"Wala akong perang pambayad sa pambobola mo Inigo. Sama ka na lang mamaya, treat ko kayo ng pisbol at kikiam dyan sa tawiran." Natatawa kong sabi.

"Sure yan ha...sige kita tayo maya." Excited na sabi ni Inigo.

Ravi:

May basketball practice dapat ang team namin ngayon pero mas pinili kong magmukmok na lang sa room ko kesa mapagalitan ako ni coach. Wala ako sa mood at malamang hindi ako makakapag-perform ng maayos. Wala ako sa tamang focus lately.

Wala ako sa sarili ko ngayon. Lutang ako palagi. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit lagi siyang nasa isip ko. Tuwing makikita ko siya sa university ay gustong gusto ko siyang lapitan pero pinipigilan ko ang sarili ko. Mas pinili kong dumistansiya muna sa kanya, gusto kong malinawan ang sarili ko kung ano itong nararamdaman para sa kanya. Miss ko na siya subra. Aaminin ko hinahanap-hanap ko siya. Ang matamis niyang ngiti. Ang makukulit niyang banat sa akin.

"Damn you Ravi Padilla!" Humiga ako sa kama ko at isinubsob ang mukha ko sa unan. Baka sakaling mawala sa isip ko si Shane. Kahit saglit lang.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. It's Inigo. Malamang mag-iimbistiga ito kung bakit hindi ako umattend ng basketball practice ng team namin?

"Bro...pasensya na hindi ako naka-attend sa practice ng team. Please tell coach na babawi ako next time. Masama lang talaga ang pakiramdam ko." Palusot ko na lang.

"Nothing to worry bro, maaga din akong nagpaalam kay coach. May pupuntahan kasi akong party mamaya. That's why I call you."

"A party or a date?" Dudang tanong ko kay Inigo.

Tumawa ito.

"Party nga. It's Shane's birthday today. You don't know bro? Inaya ako ng pinsan niyang si Joy para bigyan namin siya ng surprise party. Kaya nga I called you para ayain ka."

Nabuhayan ako ng dugo. Birthday pala ni Shane ngayon? Kahit medyo nasasaktan ako. Maigi pa si Inigo updated kay Shane samantala ako birthday niya pala ay wala man lang akong kaalam-alam.

"Sure bro...sasama ako." Mabilis kong pinutol ang tawag ni Inigo. I sighed. I could not miss Shane's special day. Oras na para harapin ko siya. I already knew the answer kung bakit ako nagkakaganito?

"Shit..." Naisip kong wala pala akong gift para kay Shane.

Biglang naagaw ang atensyon ko ng isang familiar na box. Ewan ko ba kung bakit hindi na ako naging interesadong ibigay ito kay Diannne? Napangiti ako ng todo. Ito ang dahilan kung bakit nagtagpo ang mundo namin ni Shane.

I didn't get a chance to give it to Dianne because it belonged to someone who was much more worthy of it.

Para kay Shane talaga ito.

Written by:
mikzylove

My work is not perfect please bear with me.  (wrong grammar, wrong spelling, etc.) Thanks for reading.

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedWhere stories live. Discover now