Kabanata 15

5.5K 177 73
                                    

Kabanata 15

(I love you!)

Shane:

"Let's party!"

Hiyaw ng pinsang kong si Joy. Nandito kami ngayon sa isang bar. Nag-aya siyang gumimik dahil daw may pinagdadaanan sila ng boyfriend niya.

Grabe, pareho lang kami. Kaya naman hindi na ako tumanggi nang ayain niya ako. Kailangan ko rin namang mag-unwind. Isa pa, sa case ko wala pa akong pinagsasabihan sa pinagdadaanan ko. Lahat ng heartaches ko kay Ravi, ako lang ang nakakaalam.

Tumodo talaga ako sa pag-inom. Kumota talaga. Halos lahat ng inorder na alak ni Joy ay nilaklak ko. Kaya naman umiikot na ang mundo ko dahil sa tama ng alak.

"Hey, cuz. Tama na yan. Ngayon ko lang nakitang lumaklak ka ng ganyan karaming alak ah. May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Joy sa akin.

"You know what cuz, ang tanga- tanga ko. Subra!" Ngumiti ako ng mapait na maalala ko ang mukha ni Ravi. "Nagpapaka-cupido ako pero ako ang tinamaan ng sarili kong pana. Tanga lang talaga. Ang galing. Mahusay! Nakakatawa diba, cuz?" Sabi ko.

"Cuz, di ko gets. Pakipaliwanag nga...asap!" Naguguluhang sabi ni Joy.

"Ganito kasi cuz, huwag ka maingay ha. Secret lang natin dapat 'to. Sayo ko lang sasabihin..." nilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Joy." Mahal ko si Ravi." Bulong ko.

"Cuz..."

"Oo cuz, alam ko. Ang tanga-tanga ko talaga. Ambisyosang baklang palaka. Nagmahal ako ng isang lalaking may mahal nang iba. Alam ko namang hindi niya ako mamahalin kahit kelan. Hinding-hindi mangyayari 'yon. Sinabi na niya sa akin na ayaw niya sa kagaya kong salot." Isinubsob ko ang mukha ko sa aking kamay saka umiyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na huwag bumigay sa emosyon ko.

"Ang sakit...sakit, cuz. Subra." Sabi ko habang humihikbi.

Naramdaman ko ang pag-akap sa akin ng pinsan ko. Hinagod niya ang aking likod.

Ganito pala talaga kapag may tama na ng alak. Nasasabi mo ang mga bagay na dapat ay sekreto mo lang.

Naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko. Kahit subrang nahihilo ako dahil sa tama ng alak ay pinilit kong imulat ang mga mata ko. I saw Ravi standing in front of me. Naka-kunot noo ito at mukhang hindi niya nagustuhan na ganito ang hitsura ko.

"Oh...narito pala ang soon to be my pinsan ko. Kamusta?" Pagkasabi ko ay pumikit ulit ako. Subrang hilo ko talaga.

"Ravi, pasensya ka na ha. Sorry sa abala. Wala kasi akong matawagan para matulungan si Shane na maiuwi siya sa kanila." Narinig kong sabi ni Joy.

"It's okay." Naramdaman ko ang paghawak ni Ravi sa mga braso ko. " Shane, let's go. Ihahatid na kita."

Dumilat ako saka mabilis na kumawala sa pagkakahawak ni Ravi sa akin.

"Kaya kong umuwing mag-isa." Sabi ko. Sinubukan kong humakbang pero nawalan ako ng balanse.

Bago ako tuluyang matumba ay naramdaman kong sinalo ako ng matitipunong bisig ni Ravi at hinawakan niya ako sa baywang ko.

Para naman ako napaso at mabilis na lumayo kay Ravi.

"Kaya kong mag-isa. Hindi ko kailangan ng tulong mo." Sabi ko.

"Ang tigas ng ulo mo, Shane. Wala kang magagawa dahil sa ayaw at sa gusto mo ihahatid kita pauwi." Dinala ako ni Ravi palabas ng bar.

Narating namin ang sasakyan ni Ravi. Binuksan niya ang passenger's seat para pumasok ako pero hindi ako kumilos.

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedWhere stories live. Discover now