Kabanata 11

2.7K 139 7
                                    

Kabanata 11

(Last na...sana!)

Ravi:

Nag-set up na naman si Shane ng panibagong date para sa amin ni Dianne.

Nandito ako ngayon sa restaurant at hinihintay ang pagdating ni Dianne.

Aaminin ko, hindi na ako excited na makakasama ko sa isang date si Dianne.

I remembered the first date we had, napakaganda ni Dianne noon. Pero mas naagaw ni Shane ang pansin ko.

"Sorry, I was late." Hinging paumanhin ni Dianne.

As usual, she was very beautiful in her dress. Black suited her.

"It's okay. By the way, you look so charming in black," papuri ko kay Dianne.

Habang tumatakbo ang oras na magkasama kami ni Dianne, nakakapagtakang si Shane ang naiisip ko. Sana lang ay siya na lang ang kasama ko at hindi ang pinsan niya.

Okay namang kausap si Dianne pero iba kapag si Shane ang kausap ko. Mas nag-eenjoy akong makipagbiruan sa kanya. Mas nasasakyan ko ang mga jokes niya. At bentang- benta rin sa kanya ang mga hirit ko.

Bagamat madalas kaming mag-asaran mas nagiging dahilan pa nga iyon para maging malapit kami sa isa't isa.

Kamusta kaya siya ngayon? Ano kaya ang ginagawa niya? Kumain na kaya siya?  Naiisip kaya niya ako? Namimiss kaya niya ako?

Gabi-gabi kapag tumitingin ako sa langit hinahanap ko ang north star para humiling, gaya ng sabi ni Shane. Sana lang ibigay din nito sa akin ang taong makakapagpasaya sa akin.

"Rav..." Nagtatanong ang mga mata ni Dianne nang tumingin ako sa kanya.

Hindi ko alam na lutang na pala ako dahil sa kaiisip kay Shane.

"Sorry. Where are we?" Napapahiya kong tanong sa kanya.

"Okay lang. You know what? Shane is right. Masaya kang kausap."

"Talaga? Sinabi ni Shane yan?" Bigla akong naging interesado kung ano kaya ang mga sinasabi ni Shane tungkol sa akin.

"Sabi niya mayabang ka raw." Nakangiting sa sabi ni Dianne.

"Sinabi nya 'yon?" Hindi ko napigilan ang sarili kong magkamot ng batok. Si Shane talaga, mayabang daw ba ako? Bulong ko.

"Pero mabait ka daw. Babaero pero pag-nagmahal, ay seryoso naman. Bidang-bida ka nga niya sa akin, eh."

Tuluyan na akong napangiti sa mga sinabi ni Dianne na sinabi ni Shane tungkol sa akin. Masaya ako dahil kahit papaano ay may nasasabing maganda si Shane tungkol sa akin. At least alam niya na kapag nagmahal ako ay seryoso.

Nag-ring ang cellphone ko. I saw Inigo is calling. Nag-excuse ako kay Dianne para sagutin ito.

"Bro...alam mo na ba? Si Shane, sinugod daw sa hospital. Nawalan daw ng malay habang nasa work."

Hindi kaagad ako naka-react sa sinabi ni Inigo. Namanhid ang buo kong katawan. Natakot ako para kay Shane. Paano kung may masamang nangyari dito? What if hindi ko na masabi sa kanya kung ano ang nararamdaman ko. What if mawalan na ako ng chance na iparamdam sa kanya na mahal ko siya?

Mahal ko siya? Nagulat ako sa lumabas sa isip ko. Yes, I love Shane. Iyan ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko siyang tinititigan, kung bakit gusto kong lagi siyang nakikita. Kung bakit lagi ko siyang naiisip. Kung bakit napakasaya ko kapag kasama ko siya.

Hindi ko alam kung kelan at kung paano nagsimula ang damdamin kong ito para kay Shane.

Ang alam ko lang ngayon ko pa lang naranasan ang ganito. Ngayon lang ako nakaramdam ng labis na saya sa buong buhay ko. At dahil iyon kay Shane. Hindi ako makakapayag na mawala siya.

Gusto ko siyang makita. Gusto kong masigurong  ligtas siya. Gusto kong nasa tabi niya ako ngayon. Gusto kong hawakan ang mga kamay nya at sabihing...nadito lang ako para sayo mahal. Oo, mahal kita Shane. Mahal na mahal.

Halos liparin ko ang daan para lang makarating kaagad sa hospital kung saan naka-admit si Shane.

Hindi na sumabay si Dianne sa akin papunta kay Shane, uuwi na lang daw muna siya para masabihan ang parents niya tungkol sa nangyari sa pinsan.

Wala naman akong paki-alam na kay Dianne. Ang gusto ko lang ay masigurong ligtas na si Shane.

Pagdating ko sa hospital ay agad kong tinanong sa information desk kung nasaan ang room ni Shane. Parang tinatambol ang dibdib ko habang naglalakad papunta sa kwarto ni Shane.

Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama at kinakausap ng mama at papa niya.

Nagulat ang mga magulang ni Shane kung bakit ako nandito. Ngumiti ako sa kanila at nagmano.

Samantala sinalubong ako ni Shane ng nag-aalangang tingin. Mukhang nagulat din siya na nandito ako.

"Hijo, bibili lang kami ng pagkain. Ikaw na muna ang bahala sa prinsesa namin. Pagsabihan mo nga at baka makinig sayo, baka kapag kagaya mong prinsipe ang magsesermon sa kanya ay susunod na siya. Nawalan ng malay dahil sa pagpapalipas ng gutom." Pagsusumbong ng papa niya sa akin.

Kami na lang ang naiwan ni Shane sa loob ng kwarto. Nakalabas na kasi ang parents niya.

"Bakit nandito ka? Huwag mong pansinin si papa..."

Hindi ko na siya hinintay na matapos pa sa sasabihin niya sana. Mahigpit ko na siyang inakap. Nagulat si Shane. Iiwas pa sana siya kaya lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya na napakasaya ko dahil mukhang hindi delikado ang lagay niya. Mukhang maayos na siya. Gusto kong maramdaman niya kahit sa yakap man lang na mahal ko siya.

"You don't know how worried I am about you. Halos paliparin ko ang kotse ko para lang mapuntahan kita agad. Sa buong buhay ko ngayon lang ako natakot ng ganito. I'm so afraid na baka mapahamak ka. Ayaw kong mangyari iyon sa yo Shane. Ayaw kong mawala ka sa akin." Halos hindi ko na pakawalan si Shane. Kung pwede lang na habang-buhay ko siyang ikulong sa mga bisig ko matiyak ko lamang na ligtas siya ay gagawin ko talaga.

Ganyan na siya kahalaga sa akin.

Mahirap paniwalaan pero totoo.

Shane:

Nagulat ako nang biglang umakap sa akin si Ravi.

At napakasaya ko habang nakakulong ako sa matitipuno niyang bisig.

Masarap sa pakiramdam na akap niya ako. Kahit halos magwala ang puso ko sa subrang bilis ng tibok nito. Awtomatikong napapikit ako at ninamnam ang pagkakataong napakalapit namin ni Ravi sa isa't isa. Baka kasi hindi na ito maulit pa, lalo na't alam kong mas nagiging malapit na sila ni Dianne.

Nagi-guilty ako sa pinsan ko. Hindi tamang may nararamdaman akong ganito para kay Ravi. Trabaho ko ang paglapitin silang dalawa. Iyon lang ang silbi ko. Kaya lang kasabay ng pagkakalapit nilang dalawa ay ang pagkahulog ko naman kay Ravi. Nasasaktan ako kapag nakikita ko silang magkasama. Nasasaktan ako kapag naiisip kong bagay talaga sila. Masakit dahil alam kong mahal na mahal siya ni Ravi.

Kahit alam ko namang malaking katangahan lang ang ginagawa ko. Katangahan ang mahulog ako kay Ravi na alam ko naman simula sa simula na sakit lang sa kalooban ang mapapala ko.

Hindi pumapatol sa kagaya kong salot si Ravi....bakit ba lagi ko yang nakakalimutan kahit nasa utak ko naman ito lagi. Sa simula pa lang ay ito na ang itinanim ni Ravi sa isip ko. Baka nga nagtatanga-tangahan lang ako kahit hindi naman talaga ako tanga.

Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Somehow the tears could wash away all the pain I was feeling right now.

After this...promise aalisin ko na ang maling nararamdaman ko para sa kanya. Last na talaga 'to promise...sana.

Sana...

Written by:
mikzylove

My work is not perfect please bear with me.  (wrong grammar, wrong spelling, etc.) Thanks for reading.

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedWhere stories live. Discover now