Kabanata 3

2.6K 136 10
                                    

Kabanata 3

(Partners?)

Ravi:

"HAHAHA, parekoy si Miss Amasona mo pinsan pala ni bebelabs Dianne mo? At mukhang super close sila ah. Dead ka na man. " Lakas ng tawa ni Inigo. Umiiling iling pa ito habang nagsasalita.

I sighed, " 'yon na nga eh. At sigurado akong sisiraan niya ako kay Dianne ko. Nakaka-asar talaga ang bading na iyon!" Asar kong sabi.

"Miss pala ha...HAHAHA! " Pang-asar si Inigo 'kit kelan.

"Shat-ap!" Mabilis kong inumbahan ng upak si Inigo pero mabilis na nakaiwas ito.

"Hahahaha...easy parekoy, hahaha. I have a great idea man. Listen!" Abot tengang ngiting sabi ni Inigo.

Interesadong tumingin ako sa kanya.

Kahit paano pala may kapaki-pakinabang na bagay na pumapasok sa utak ni Inigo. Kailangang makita ko ang babaeng amasona na 'yon. Mali, binabaeng amasona pala.

"Sabi ko na nga ba dito kita matatagpuan eh, miss amasona." Tumingin si Shane sa akin, well alam ko nang Shane ang name nito. At hindi talaga ito miss, gusto ko lang siyang asarin. Hahaha.

Tsssk...mukhang hindi siya masayang makita ako? HAHAHA, asa pa ba ako, malamang sa lahat ng mukha, ang mukha ko ang pinakahuli sa lahat na gusto niyang makita. Who cares!?

Pero hindi ko napigilang mapangiti dahil sa hitsura niya, para kasi siyang ano eh...panu ko ba sasabihin? Kamot ulo muna ako, ah alam ko na para siyang inaaping puppy, ang cute niya, hahaha.

Tiningnan niya ako ng masama pero saglit lang, hindi nga siya nagsalita, tapos iyong hitsura niya balik ulit sa parang inaaping puppy...haha. Ang kulit.

"Hmmm, Shane right? Hmmm, I'm Ravi." Pagpapakilala ko, inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

Tsskk..tagal kong naghintay na makipagshake hands siya sa akin pero siya dedma lang. Hinayaan lang niya sa ere ang kamay ko.

Tssskk..pahiya ako dun ah. Arte din pala ng baklang 'to. Ako pa tinanggihan niya. Hindi ko naman talaga gagawin 'to kundi lang sa suggestion ni Inigo eh.

"Can we talk, please? Can I have a little of your precious time?" Paki- usap ko dito, jeeezzz, sana lang wag na 'tong magpakipot pa.

"What do you want from me?" Walang energy na tanong nito sa akin.

"Can we go some where else, not here, dami kasing chismosa at chismoso dito," nasa library kasi kami, ang daming estudyante ang palihim na pinagtitinginan kami. Nakakaasiwa.

"Kikidnapin mo ko, tapos ito torture mo ko, papatayin mo ko tapos ilalagay sa drum ang katawan ko, lalagyan mo ng semento tapos ihuhulog mo ko sa Ilog Pasig." May nagilid na kaagad na luha sa mga mata niya.

Seryoso? Kitang kita ko na totoong takot ang nakikita ko sa mukha niya. Napaka morbid naman.

Napatawa ako ng malakas. HAHAHA ! Nakalimutan kong nasa library nga pala kami. Sinaway ako ng librarian na wag mag-ingay. Ang mga usiserong estudyante naman halata sa mukha ang interest sa pinag uusapan namin ni Shane.

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon