Kabanta 12

2.6K 150 9
                                    

Kabanata 12

(Anghel)

Shane:

"Hi, Shane."

Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Nabungaran ko ang nakangiting mukha ni Inigo.

Mag-isa lang itong nagpa-practice ng basketball dito sa gymnasium ng university.

"Hi, Inigo kamusta?" Ganting bati ko sa kanya." Si Ravi."

Hinahanap ko si Ravi dahil may sasabihin ako.

"He went out with Dianne." Sabi ni Inigo.

Nakaramdam kaagad ako ng lungkot pero kaagad ko iyong inalis. Dapat maging masaya na ako kung ano man ang magandang pinuntahan ng paglalapit ko kina Ravi at Dianne. At least nagtagumpay ako. Panahon na siguro para tuparin ni Ravi ang kondisyon ko, kailangan na naming magkalimutan.

Ito rin naman sana ang sasabihin ko kung bakit ako pumunta dito.

"Gano'n ba? Sige, Inigo. Mauna na ako."

"Wait, Shane. Busy ka ba?" Pigil ni Inigo sa akin.

"Hindi naman. Bakit?"

"Malungkot mag-practice mag-isa. If you want, you can play with me. Tuturuan kita magbasketball, game?" Yaya ni Inigo sa akin.

"Sige ba." Hindi pa ako nakapaglaro 'kit kelan ng basketball. At mukhang masaya naman ito, isa pa mukhang makakatulong sa akin na maglibang para wala akong ibang naiisip.

Inihagis ni Inigo sa akin ang bola na mabilis ko namang sinalo.

"Wow, Shane. You have good reflexes. Come on, try to shoot that ball into the ring. If you shoot it, I will treat you to lunch." Pang-eenganyo ni Inigo sa akin.

Lumapad ang ngito ko dahil sa dare niya sa akin. Nag-concentrate akong mabuti. I focused my sights on the ring and gave my best shot. Shoot! Nagtatalon ako ako sa tuwa nang ma-shoot ko ang bola sa ring.

"Yes! Yes!" Pakiramdam ko'y para akong batang nanalo sa laro at may premyong chocolate.

"Ang galing mo pala,Shane. Naisahan mo ako ro'n, ah." Nakangiting sabi ni Inigo sa akin.

"Ang swerte ko naman may free lunch na ako mamaya. Wala nang bawian, ah?" Sabi ko kay Inigo.

"Syempre naman, ikaw pa ba Shane. Malakas ka sakin." Tumatawang sabi ni Inigo, inihagis ko ang bola sa kanya at nasalo naman niya. "Laro pa tayo."

Nag-agawan kami ni Inigo sa bola. Nagpaparamihan kami ng shoot nito sa ring. Panay-panay ang tawanan at hiyawan namin ni Inigo kapag may nakakaagaw sa amin ng bola. Masarap pala talagang maglaro ng basketball, nakaka-relax. Nakakapagpagaan ng kalooban. Kasabay ng paghagis mo ng bola sa ring ay ang pagpapakawala mo din ng masasakit na nararamdaman.

Aliw na aliw kami ni Inigo sa pag-aagawan ng bola nang biglang may pumito. Sabay kaming natigilan at napalingon sa direksyon niyon. It was Ravi, parang kinuyumos na papel na naman ang pagkunot ng noo nito. May hawak itong pito at matalim na nakatingin sa amin ni Inigo. Mukhang kanina pa ito dumating kaya lang ay hindi namin siya napapansin ni Inigo.

Tumingin ito sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Mukhang mainit ang ulo ni Ravi. Baka may hindi magandang nangyari sa date nila ni Dianne? Hindi kaya?

"Nagkakatuwan kami ni Shane na maglaro ng basketball." Si Inigo ang sumagot sa tanong ni Ravi para sa akin.

"Mukha nga, eh. Ang saya- saya n'yo kasi. Tuwang- tuwa kayo," sarkastikong sagot ni Ravi. Sa akin siya nakatingin.

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedWhere stories live. Discover now