Kabanata 5

2.5K 140 8
                                    

Kabanata 5

(Paghanga)

Shane:

"Please, bitiwan mo ko." Paki-usap ko kay Ravi. Pilit ko mang bawiin ang braso ko ngunit wala akong magawa. Napakahigpit ng hawak niya dito at mukhang wala siyang planong bitiwan ako.

Dinala niya ako sa bahagi ng university na bihirang pinupuntahan ng mga estudyante.

"At ano? Tatakasan mo na naman ako? Marami ka nang kasalanan sa akin kaya hindi ka makakaalis dito hangga't hindi ka nakakabayad sa akin. Punasan mo 'yang mga luha mong 'yan dahil hindi mo ko makukuha sa pag-iyak iyak mo. Patay ka sa akin ngayon, bading!"

Galit na galit talaga si Ravi. Wala na talagang paraan para makatakas ako sa kanya. Lagot na talaga ako. Dead na dead na.

Kahit umiyak pa siguro ako ng dugo at mangisay sa harapan niya ay patay pa rin ako. Dapat hindi ako magpasindak. Total may kailangan din siya sa akin at hawak ko ang malaking alas ko, ang pinsan kong si Dianne. Kung talaga patay na patay ito sa pinsan ko baka may pag-asa pa akong mabuhay.

Kailangan kong mag-isap. Huwag kang magpasindak sa bugok na 'to Shane. Kayang kaya mo yan ! Pampalakas loob kong sabi sa sarili ko.

"Ano? Kamusta ang date nyo ni Dante? Nag-enjoy ka ba?" Pang-iinis ko.

Haysssst...paano ko ba itatago ang kaba ko? Halata naman sa boses ko na nagtatapang-tapangan lang ako. Kaya lang kailangang lumaban ako, bago ako mabalatan ng buhay ni Ravi Padilla.

"At may gana ka pa talagang mang-inis pagkatapos mo kong gawing tanga? Akala mo basta basta mo na lang akong mapaglalaruan? Hinding hindi ko ito palalampasin...."

"At ano ang gagawin mo sa akin? Sasakalin mo ko? Bubugbugin? Susuntukin? Papatayin. Sige lang kung kaya mo!" Hamon ko.

Anak ng puting tupa naman kung ano ano ang hinahamon ko dito gayong ramdam ko ang pangingilid na ng luha ko. I'm so weak talaga.

Ngumiti si Ravi kaya nagulat ako. Nakakaloko ang ngiti nito kaya lalo akong kinabahan.

"Nope. I have a sweet way of torturing you." Sabi ni Ravi.

Binitiwan niya ako. Lihim akong nagpasalamat. Kaya lang ang akala kong pinakawalan na niya ako ay hindi pala. Impit na napatili ako nang biglang itulak ako ni Ravi sa pader.

Itinukod nito sa pader ang dalawang braso niya kaya naman nakulong ako sa pagitan ng matitipunong bisig niya.

Kinabahan ako bigla. Mukhang may hindi magandang na balak si Ravi. Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Inilapit niya nang dahan dahan ang mukha niya sa mukha ko. Gaddddd! mukhang alam ko na ang mangyayari? He will surely kiss me!

Hindi 'to pwedeng mangyari! Hindi sa nagpapaka-feelingera ako, kaya lang gusto ko at pangarap ko na ang first ko ay manggagaling sa true love ko. Hindi kagaya ng mayabang na bugok na 'to.

"Oy...anong gagawin mo? Sorry na, hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Joke lang naman 'yon eh."

Nagmamakaawang sabi ko kay Ravi. Pero hindi siya nakikinig sa akin. Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Para tuloy may mga kabayong nagkakarera sa dibdib ko.

Halos maramdaman ko na ang pagdampi ng ilong ko sa ilong niya. Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga, na nagpahina sa mga tuhod ko.

Bahala na, ilang minuto ang lumipas pero walang nangyayari. Walang labi na lumapat sa mga labi ko.

Isang malakas na tawa ang nagpamulat sa akin. Namumula ang mukha ni Ravi sa katatawa.

Alam ko na kaagad, pinagtitripan niya lang ako. Ginagawa niyang katatawanan.

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedWhere stories live. Discover now