Kabanat 8

2.7K 144 7
                                    

Kabanata 8

(Looking Good Together)

Shane:

Nakaupo ako ngayon sa bleachers ng gymnasium at hinihintay ko si Ravi. May maganda akong balita sa kanya. Pagkatapos kong ipanuod kay Dianne ang video nina Jack at ng kadate nitong babae ay nakipagbreak na kaagad dito si Dianne. Hindi na sila umabot ng monthsary man lang nila.

Brokenhearted ngayon si Dianne at ito na ang chance ni Ravi. Kailangang ipakita niya sa pinsan ko na comforting friend siya dito at magandang simula iyon para magandang relasyon.

"Hi, ikaw si Shane, right?" Nagulat ako ng konti dahil may nagsalita sa tabi ko. Familiar sa akin ito. "I'm Inigo, Ravi's friend. Hinihintay mo ba siya?" Nakangiting sabi nito.

Ngumiti rin ako sa kanya.

"Oo eh, may sasabihin lang
ako sa kanya."

Kung ano-ano lang ang napag-usapan namin ni Inigo habang hinihintay namin si Ravi. Mahilig magpatawa si Inigo. Hindi siya mayabang. Mapagbiro pa nga pero hindi nakaka-offend. Naging palagay kaagad ang loob ko sa kanya.

Kaya naman sinabayan ko ang trip niya. Nagkwento rin ako ng nakakatawa. Tawa ng tawa si Inigo ng matapos ang kwento ko. Ang lakas lakas pa naman nitong tumawa. Kaya naman pati ako ay nahawa na rin. Malakas ang tawanan namin na akala mo'y kami lang ang tao dito. Nawala na nga sa isip ko na nandito ako dahil hinihintay ko si Ravi.

Natigil lang ang malalakas na tawa namin ni Inigo nang biglang may tumikhim. Dumating na pala si Ravi at nakatayo ito sa harapan namin ni Inigo.

"Ang saya n'yo naman. Kanina pa ko nakatayo dito pero hindi n'yo ko napapansin." Kunot noong sabi nito sa amin. Sa akin pala siya nakatingin, to be exact.

Bakit parang masama ang mood niya? Mukhang iritado siya. Well kapag nalaman nito ang good news ko malamang gaganda ang mood nito.

"Masaya pa lang kakwentuhan 'tong si Shane. Nakakawala ng stress. Sige bro, una na ako. "Nice meeting you, Shane. I hope this won't be the last...kain naman tayo minsan. Nabitin ako sa kwento mo." Sa akin naman bumaling si Inigo.

Nang tuluyang makaalis si Inigo ay saka pa lang umupo sa tabi ko si Ravi.
"Ang saya saya mo, ah. Nakausap mo lang si Inigo. Kung makatawa kayo todo." Nakasimangot na sabi nito sa akin. Mukhang mainit talaga ang ulo. "Bakit ka nandito?"

Wow ha...ang sungit naman? We'll see kapag nalaman mo na ang balita ko. Ewan ko lang kung hindi ka matuwa.

"May good news ako sayo." Excited kong sabi.

"Ano naman 'yon?"

"Initsapwera na ni Dianne si Jack. Single na ulit ang pinsan ko." Masaya kong balita kay Ravi.

Biglang nabuhayan ang mukha ni Ravi. Napakalaki ng ngiti nito. Talagang natuwa ito sa good news ko.

"Wow, really Shane? Good news talaga yan. Ang galing-galing mo Shane. Mahahalikan kita." Biglang hinawakan ni Ravi ang mukha ko. Akmang hahalikan niya ako kaya mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin.

"Hindi ako si Dianne! Treat mo na lang ako ng lunch para naman matuwa ako sayo. Hindi ko kailangan ng halik mo." Pabiro kong sabi kahit ang totoo'y naiilang ako. Ang dibdib ko pa naman ay parang abnormal...ang lakas-lakas ng kabog. Ayaw makisama.

Tumawa si Ravi.

"Ayaw mo ng halik ko? Sigurado ka? Alam mo bang maraming magagandang babae ang naghahangad na mahalikan ko." Pagyayabang pa nito sa akin.

"Sila 'yon. Hindi naman ako sila." Sabi mo nga magagandang babae. Hindi naman ako babae. Nakalimutan mo na ba, hindi ka pumapatol sa salot? "May lason ang halik ko, baka mamatay ka kapag hinalikan mo ko. Kawawa ka naman kung made-dead ka kaagad, hindi mo pa nga nahahalikan si Dianne. Ireserve mo na lang yang kiss mo sa kanya."

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedWhere stories live. Discover now