Kabanata 14

2.7K 149 8
                                    

Kabanata 14

(Goodbye)

Ravi:

Hindi ko alam kung may mas sasakit pa na makita mo ang taong mahal mo na may kayakap na iba. Parang sinuntok ako nang napakalakas sa dibdib. Pakiramdam ko na-blanko ang utak ko. Hindi kaagad ako makaalis sa kinatatayuan ko.

Kanina pa ako nag-iisip ng paraan para makausap si Shane. Gusto ko nang sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman sa kanya kaya lang inunahan ako ng takot. What if sabihin niyang hindi niya ako mahal? What if hindi kagaya ko ang nararamdaman niya? And based sa nakikita ko ngayon, maybe I was right.

Sa lahat naman ng lalaki sa mundo, bakit kay Inigo pa? Hindi ko akalain na pareho kami ng taong mamahalin. Ang masakit bestfriend ko si Inigo.

Tumalikod na lang ako palayo dahil ayaw ko nang makita pa ang masakit na tagpong iyon sa kanilang dalawa.

Mahal ko si Shane kaya lang mukhang talo na ako. Ang bigat ng pakiramdam ko habang naglalakad. Ayaw ko sanang sumuko para kay Shane. May bahagi ng puso at isip ko na nagsasabing ipaglaban ko si Shane.

Kaya lang mukha nahuli na ako.

Shane:

Nagising ako mula sa aking pagkakatulog. Alas dose na pala ng hating gabi.

Siguro'y napagod ako sa pag-iyak. Mabuti na lang may kagaya ni Inigo na handang makinig sa akin.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako ng kuwarto ko at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

Muntikan na akong mapasigaw sa gulat dahil hindi ko inaasahang may ibang tao pala na narito.

Naka-upo sa harap ng mesa si Ravi. May hawak itong beer in can at tila may malalim na iniisip. Napatingin ito sa akin ng maramdaman niya siguro ang presensya ko.

Bigla akong nagdalawang-isip kung itutuloy ko pa ba ang pagkuha ng maiinom o babalik na lang sa kwarto ko? Sa huli mas pinili kong bumalik na lang sa kwarto ko. Kaya ko pa namang tiisin ang uhaw ko. Mas hindi ko kayang makasama sa malapitan si Ravi. Tatalikod na sana ako nang biglang magsalita ito.

"Do you need something?"

"H-ha?" Gusto kong isumpa ang sarili ko dahil nabubulol ako. I cleared my throat. "Kukuha lang sana ako ng water."

Pumunta kaagad ako sa refrigerator para kumuha ng tubig. Halos hindi na ko makagalaw dahil nararamdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin.

Nagsalin kaagad ako ng tubig at mabilis na ininom iyon. Pakiramdam ko mas lalo lang akong nauhaw dahil sa kabang aking nararamdaman.

Nagpasya akong bumalik na lang kaagad sa kuwarto ko.

"Ay....jusko ko!" Napasigaw ako. "Ano ka ba? Bakit nanggugulat ka?" Tanong ko kay Ravi. Magkaharapan na kami.

"Iniiwasan mo ba ako, Shane?" Tanong ni Ravi.

Bakit may lungkot sa mga mata niya? Pero bakit? Pinilit ko na lang tumawa kesa mag-isip ng mga imposibleng bagay.

"Ha!? Bakit ko naman gagawin 'yon?" Ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Hindi rin ako makatingin ng deretso kay Ravi. Baka kasi malaman niya sa mga mata ko na nagsisinunghaling ako.

Ngumiti ito ng mapait.

"Nililigawan ka ba ni Inigo?"

Bakit naman nasali sa usapan namin si Inigo? Ano bang iniisip ni Ravi? Paanong manliligaw sa akin si Inigo?

"Magkaibigan lang kami," sagot ko.

"Talaga? Kaya pala close na close kayo," may bitterness sa boses ni Ravi. "Lagi kang nakangiti sa kanya pero sa akin hindi. Ang saya-saya mo kapag kausap mo siya, pero ako, alam kong iniiwasan mo ako. Ano bang meron siya na wala ako?" Sumbat ni Ravi.

Bakit may nakikita akong sakit sa maamong mukha ni Ravi? Totoo ba ito, o na-i-imagine ko lang?

Napamaang ako. Ano ba ang pinagsasasabi nito? Lasing na ba siya? Umiinom kasi siya ng beer.

"Lasing ka na ata? Mabuti pa magpahinga ka na." Sagot ko.

"No, I'm not. I'm fully aware of what I'm saying. At alam ko rin na nasasaktan ako. I'm hurting every time I see you smiling at him. Dahil....d-dahil..."

Mukhang nahihirapan si Ravi na ituloy ang kanyang sasabihin. Sumikdo ang dibdib ko sa kaba. Nagseselos ba siya kay Inigo? Tama kaya ang hinala ko? Posible bang may nararamdaman din siya sa akin?

Pumikit nang mariin si Ravi at saka bumuntong- hininga.

"Forget it. Lasing na nga yata ako." Sabi niya.

May kirot na naramdaman ako sa puso ko. Umasa ako na may gusto rin sa akin si Ravi? Bakit ko ba naisip na magkakagusto sa akin si Ravi? Iisa lang ang mahal niya, at ito ay si Dianne.

Nag-uunahang tumulo ang luha ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko. Dito ko pinakawalan ang lahat ng sakit na nasa puso ko.

Dalawang linggo na ang nakaraan mula ng mag-out-of town kami. Hindi ko na nakausap pa si Ravi. At mukhang iniiwasan na rin ako nito na mas ipinagpasalamat ko dahil mas mapapadali ang paglimot ko.

"Alam n'yo ba ang news?" Tanong na isang estudyante. Nasa library ako ngayon dahil may kailangan akong iresearch.

"Ano!" Sabi ng kasama nito.

"Sina Ravi at Dianne na daw. Officially they're together na." Kinikilig na sabi naman nito.

Tumigil ang mundo ko. Para akong namanhid. Bakit ganito? Una pa lang alam ko na ganito ang kalalabasan nina Ravi at Dianne. Pero masakit pa rin pala talaga kapag isinampal na sayo ang katotohanan? Wala talagang mabuting naidulot sa akin na nagtagpo ang mga landas namin ni Ravi. Nagulo lang ang buhay ko. Dati wala namang complications sa buhay ko. Simple lang ito.

"Can we talk?"

Biglang sumikdo ang dibdib ko nang marininig ko ang familiar na boses. Nasa tabi ko si Ravi. I realized how much I missed his voice. Siya mismo ang namiss ko.

"Busy ako ngayon. Next time na lang. Marami akong kailangang tapusin."

Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko at lumabas kaagad ako ng library. Hindi ko pa kayang harapin si Ravi. Saka na lang kapag wala na ang sakit na aking nararamdaman. Saka na kapag natanggap na ng puso at isip ko na okay lang ang lahat. Saka na kapag kaya ko nang mgumiti sa kanya nang hindi pilit.

Nagulat ako nang biglang may humila sa braso ko. Sumunod pala sa akin si Ravi. Sinubukan kong pumalag pero napakahigpit ng pagkakahawak niya sa akin. Dinala niya ako sa rooftop.

Saka pa lamang niya ako binitiwan nang makarating na dito. May pag-aalinlangan sa mukha nito.

"Shane, ilang beses kong sinubukan na sabihin ito sa 'yo, pero lagi mo kong iniiwasan. Shane, I...."

"Alam ko na," putol ko sa sasabihin ni Ravi. " Narinig ko na ang usap-usapan dito sa SCU. I'm happy for you two. Sana alagaan mo ang pinsan ko at huwag mo siyang sasaktan. Tapos na ang usapan natin. Gaya ng kondisyon ko sayo bago ako pumayag na tulungan ka kay Dianne, mula ngayon wala na tayong pag-usapan pa. Isipin na lang natin na hindi tayo nagkakilala. Gusto ko nang bumalik sa dati kong buhay. 'Yong tahimik kong buhay. 'Yong wala ka."

Tinalikuran ko kaagad si Ravi dahil ayaw kong makita niya na papatak ang mga luha ko.

"Shane..."

"Kailangan ko ng umalis." Humarap ako kay Ravi at saka pilit na ngumiti. "Bye!"

Mabilis ang mga hakbang ko palayo kay Ravi. Masaya ako para sa kanila ni Dianne.

Ibabalik ko na ang dati kong buhay...'yong buhay na hindi ko kilala si Ravi Padilla.

Life must go on, Shane.

Written by:
mikzylove

My work is not perfect please bear with me. (wrong grammar, wrong spelling, etc.) Thanks for reading.

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon