Kabanata 7

2.6K 143 9
                                    

Kabanata 7

(Malapit Na)

Shane:

"Here's your order ma'am. Enjoy your meal." Nakangiting sabi ko sa babaeng customer ko.

"Thank You." Sabi naman nito sa akin.

Paalis na dapat ito sa harapan ko para bitbitin ang mga inorder nito sa mesa nang lumapit dito ang isang lalaki. Nakasumbrero ito at abala sa pagkalikot ng cp nito kaya nakayuko.

"Let me carry these," sabi nito. At kinuha sa babae ang hawak nito.

Parang familiar sa akin ang lalaki. Pinakatitigan ko ito at saka ko na-confirmed na kilala ko nga ito. Si Jack! Ang manliligaw ng pinsan kong si Dianne. O, baka nga boyfriend na nito.

May kasamang babae si Jack? At sa kilos ng dalawa hindi maipagkakailang may namamagitan sa mga ito.

Mukhang may mali. Kawawa naman si Dianne kung ginagawa siyang tanga ni Jack.

Isa lang ang paraan na naiisip ko na makakatulong kay Dianne at kailangan ko dito ang tulong ni Ravi.

Isa pa kung mapapatunayan kong may ginagawang kabalistuganan itong si Jack mas papabor ito kay Ravi para mapalapit na nang tuluyan kay Dianne.

Kahit ayaw ko sanang makasama si Ravi kaya lang siya lang ang alam kong pwedeng samahan ako sa gagawin ko.

Ravi:

"Lumayo ka ng konti sakin. Nagigitgit mo ako." Mahinang sabi ni Shane sa akin at bahagyang itinulak ako palayo sa kanya.

Nandito kami ngayon sa harap ng bahay ni Jack na manliligaw ni Dianne. Nagtatago kami ni Shane sa malalagong halamanan para magmanman. Nakwento ni Shane sakin na mukhang may ginagawang hindi tama 'tong si Jack. At dahil involved si Dianne kaya pumayag ako sa plano niya.

Tingin ko si Jack nga ang malaking sagabal para tuluyang mapasa-akin ang matagal ko nang pinaka-aasam-asam. Ang natamis na yes ni Dianne.

At kung may ginagawa itong kalokohan kailangang mapatunayan namin iyon kay Dianne.

"Wala na siksik na siksik na rin ako dito. Sigurado ka ba sa ginagawa nating 'to." Sabi ko. Mahina lang ang boses ko.

"Oo naman. Kailangan natin siyang makuhanan ng video na kasama at nakikipaglandian dun sa babae. Para kapag sinabi natin kay Dianne ang tungkol dito may proof tayo. Kapag inayawan na niya yang Jack na 'yan. That's the right time para magpa-impress ka sa pinsan ko."

Siguro'y nangangalay na si Shane kaya tumayo ito at nag-unat ng mga binti niya.

Mabilis ko siyang hinatak paupo. Hinapit ko ito palapit sa akin na halos maakap ko na ito. Nagulat si Shane sa ginawa ko. Ako naman nanginig sa sensasyong dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang mga katawan namin.

"Wag kang tatayo baka makita kasi nila tayo." Dahilan ko na lang sa kanya.

Dahan dahang tumingin sa akin si Shane. Eksaktong tumingin din ako sa kanya. Halos magdikit na ang tungki ng mga ilong namin. Subrang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Pareho kaming natigilan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ilang saglit kami sa ganoong posisyon hanggang sa makita naming lumabas si Jack na may kasamang babae. Sumakay ang mga ito sa sasakyan.

Shane:

Pasimpleng akong napabuga ng hangin. Hindi pa rin kasi mawala-wala ang abnormal na tibok ng puso ko. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganun ang reaksyon ko sa pagkakalapit ng mga katawan at mukha namin ni Ravi? Gayunman, kailangang pairalin ko ang utak ko. Siya si Ravi Padilla, halos karamihan ng mga babae sa SCU ay naghahabol sa kanya. Isama pa ang mga kagaya ko. Isa pa ilang beses bang sinabi niya sa akin na ayaw niya sa kagaya ko. Salot nga ang tawag niya sa akin. Kaya hindi pwede 'tong nararamdaman ko.

Sumunod ako kay Ravi nang pumunta ito sa kotse niya.

Pinaaandar nito ang kanyang kotse at sinundan ang sasakyan nina Jack.

"Bakit kayong mga lalaki, hindi nyo kayang maging loyal sa mga girlfriend nyo?" Naiinis kong tanong kay Ravi. Sa kanya ko tuloy naibunton ang inis ko kay Jack.

"Hey...hindi naman lahat ng lalaki ay kagaya ng sinasabi mo. May mga loyal pa rin sa mga babaeng gusto nila, tulad ko." Nakangiting sabi ni Ravi.

"Ang yabang mo." Natatawa kong sagot kay Ravi. Dinunggol ko pa ang noo niya gamit ang hintuturo ko."Malaman ko lang na pina-iyak mo ang pinsan ko. Lagot ka sa akin." Nakatawa kong sabi.

"You should smile more often. Ang ganda mo kapag nakangiti ka."

Natigilan ako. Nakatitig sa akin si Ravi. Hindi ako sigurado pero may kakaiba akong nakita sa mga mata niya. Nag-iwas kaagad ako ng tingin sa kanya. Ayaw kong kung ano-ano ang iniisip ko kapag tungkol na ito kay Ravi. Walang magandang maidudulot ito sa akin.

"Sana lang may ma-video tayong magandang pruweba para naman maniwala si Dianne sa atin." Iwas kong sabi sa kanya. Nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

Sa isang mall tumigil ang sasakyan ni Jack. Lumabas ito kasama ang babae. Sumunod kami ng palihim ni Ravi sa mga ito. Pumasok sila sa loob ng sinehan kaya napilitan din kaming pumasok dun. Si Ravi ang bumili ng movie ticket namin. Siya rin ang taya sa food. Siya ang may pera, ako wala.

Nag-start na ang pelikula. Love story pala ang theme ng movie. At Kathniel movie pa pala. Iginala ko ang paningin sa loob ng sinehan. Puros lovers pala ang nanonood dito.

Pinakiramdamdaman ko si Ravi. Ano kaya ang iniisip niya? Okay lang kaya sa kanya na ako ang kasama niya ngayon at hindi ang babaeng gusto niya? Si Dianne. Sabagay wala naman dapat kami dito kung hindi rin dahil sa pinsan ko. Ginagawa ito ni Ravi para kay Dianne.

Napa-butonghininga ako nang pagkalalim-lalim, paano ba naman kasi naghahalikan at sweet ang eksena sa malaking screen sa unahan. Tapos lahat ata ng nanonood dito ay kagaya ng nasa screen ang ginagawa. Nakakailang lang talaga.

Bigla akong napatingin kay Ravi. Hindi ko alam kung bakit? Biglang kabog ng dibdib ko nang tumingin din siya sa akin. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan. Ako ang unang nagbawi ng tingin sa aming dalawa.

Tamang tamang naghahalikan sina Jack at 'yong kasama niyang babae. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at kinuhanan ng picture at video ang mga ito. Sapat nang proof ito para maniwala si Dianne sa amin. Sana naman ay makapagdesisyon ito ng tama. At least magkakaroon na ng time ang pinsan ko na mapansin si Ravi.

Kapag naging okay na ang lahat. At nagkamabutihan na sina Ravi at Dianne ay matatapos na rin ang lahat ng ito.

Babalik na ako sa dati. Magkakalimutan na kami ni Ravi. Kalilimutan namin na nagkakilala kami. Iyon ang kondisyon ko kung bakit ako pumayag na maging bridge sa kanila ni Dianne.  At higit sa lahat hindi na madagdagan pa ang kung ano mang nararamdaman ko ngayon sa kanya.

Lumabas kami ng movie house ni Ravi na walang kibuan.

Hindi ko alam kung bakit ang bigat bigat ng nararamdaman ko.

Written by:
mikzylove

My work is not perfect please bear with me.  (wrong grammar, wrong spelling, etc.) Thanks for reading.

Kahit Hindi Mo Ako Mahalin (Boy's Love Story)CompletedWhere stories live. Discover now