Chapter 1: Aso at Adonis

7.1K 95 0
                                    


TANARA'S POV

Luhaang napalabas ako ng opisinang matagal ko ng pinagtatrabahuan. Apat na taon din akong nanatili rito bilang English teacher. Sobrang mahal na mahal ko ang pagtuturo at ang mga students ko na sobrang bigat ng loob kong umalis at iwan muna ang pagtuturo dito. Kahit gustuhin kong manatili ay hindi ko na kinakaya ang panghaharass ng principal namin at ang paninira niya sa puri ko sa buong school habang tila ay natutuwa pa ang mga co-teachers ko sa mga sinapit ko. Ginusto ko lang naman ng mapayapang buhay at magturo pero kahit anong gawin ko palage akong sinusundan ng mga inggitero't inggitera at mga walang magawa sa mundo kundi ang pumuna ng kapwa at mamintas.

Pagkasakay na pagkasakay ko ng kotse ko ay agad akong napahagulhol. Bumuhos na ang sobrang samang pasan ng damdamin ko at ang galit na nararamdaman ko.

Nagring ang phone ko at ng tingnan ko ay si Kate pala ang tumatawag. Sumisinghot-singhot na sinagot ko siya.

"Nasan kana? Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.

Doon ay lalo pa akong napaiyak. Humagulhol at humingi ng saklolo sa natatanging kaibigang meron ako. "Please help me, Kate. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinalayas na ako sa nirerentahan kong apartment at wala na akong trabaho. I'm so messed up, Kate. Wala na akong mapupuntahan at wala na akong pera. What should I do now?" umiiyak na sabi ko sa bagsak na tono sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"Shh! Come to my house. Right now. Bring all your things with you at hihintayin kita dito. Ok? Wag ka ng umiyak beshy. Ok lang yan."



"Tanara." mabilis na yumakap ako kay Kate pagkabukas na pagkabukas pa lang niya ng gate ng bahay nila. Niyakap niya naman ako ng mahigpit pabalik at hinila ako sa kamay papasok ng bahay niya. "Tara sa loob. Yaya! Pasuyo naman po! Pakipasok ng mga gamit ni Beshy!" pagkatapos sumigaw ni Kate ay dinala niya ako sa sala at doon ay inilabas ko ang buong emosyon ko sa nangyari at nakatulog sa sobrang pagod pagkatapos.

Ilang oras pagkatapos kong makatulog ay nanlalatang bumangon ako. Parang robot na gumalaw ang katawan ko at bastang naglakad kong saan. Wala sa isip na lumabas ako ng bahay ni Kate at patuloy na naglakad. Hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa isang park. Doon ay napili kong huminto at nakatayong napatitig sa isang swing di kalayuan na may batang babaeng sakay. Masaya at malaki ang ngiti ng bata. Tila ay tuwang-tuwa ito sa kabila ng pag-iisa. Habang pinagmamasdan ko ang batang yun ay bigla kong nakita ang sarili ko sa kanya noong nasaedad na yun lamang ako. Mag-isa, walang kalaro o kaibigan, pero masaya ako. Dahil mula sa malayo, tuwing lilingon ako ay nakikita ko ang mga magulang ko na nakangiting kumakaway sakin.
Sa ala-alang yun ay muli akong napaluha at tahimik na napaiyak.

Natigilan ako ng bigla na lang may lumapit na malaking aso at sininghot-singhot ang binti ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at mabilis na napaatras. Kaya lang ay lumapit uli ito at muli ay inamoy-amoy ako. "W-wag kang lumapit. Shoo!" natatakot na tinaboy ko ang aso at napaatras pero sumusunod talaga ito. Pakiramdam ko nga namumutla na ako sa takot dahil sa balbon na malaking itim na itim na aso. Para kasing sa paraan ng pang-aamoy niya sakin ay napagkamalan na niya akong walking bone na gusto niyang sakmalin at kagatin. "g-go away! Shoo! Shooo!"

"Is he bothering you?" anang baritonong boses na nagsalita mula sa gilid ko.

Parang biglang may sumikil o tumadyak sa kaibuturan ko at tumalon ang puso ko sa tono ng boses ng nagsalita. Dahan-dahang napalingon ako at pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga sa paraan ng pagsinghap ko at pagkabitin doon ng paghinga ko ng maglanding ang mga mata ko sa isang napakagandang adonis na tumambad sa paningin ko. He is so hot and gorgeous! Sobra! Any woman would crawl on his knees and beg for him to take them all the way anywhere and anytime for his likes and would.. wait! Ano daw sinabi ko? Beg? Take all the way?
Namilog ang mga mata ko sa mga naiisip ko at nag-init ng sobra ang mga pisngi ko maging ang mga tenga ko. Ano ba yung mga iniisip ko? Bakit may take all the way? Take all the way.. erase! Erase mo yan, Tanara. Erase! Wala kang iniisip na ganun. Wala.

"are you ok, beautiful?"

Napatigil ako ng pag-iisip at napatingin uli kay Adonis. Akmang ibubuka ko na ang bibig ko pero parang namigat ang mga labi ko at nasemento. Namamagnet kasi talaga ang mga mata ko sa gwapong mukha niya. Napakagwapo niya kasi talaga. Umangat ang sulok ng mga masasarap niyang labi habang nakatitig rin siya pabalik sakin kaya namula na naman uli ako ng husto. Di ko kinaya ang hotness niya at nahihiyang napatungo at tinuon ang paningin ko sa baba. At doon ay napansin ko uli yung malaking aso na nasa gilid na ni Adonis habang matayog na nakaupo at nakatitig.. err! sakin. Bakit nakatitig sakin ang aso? Akala mo eh pinag-aaralan niya ako kung malaking buto ba o malaking legs ng fried chicken. Brr!

Devoured by the beastWhere stories live. Discover now