Chapter 26: Saklolo

2.7K 51 0
                                    


TANARA'S POV

Nagising ang diwa ko sa pakiramdam na may magagaspang na bagay na humahaplos ng katawan ko. May amoy ding sumasalubong sa ilong ko na parang mapanghi at nabubulok na ewan.
Sinubukan kong gumalaw pero parang may pumipigil sa mga kamay at mga paa ko na kinapagtataka ko.

Pinilit kong magmulat ng mga mata sa kabila ng bigat ng talukap ng mga mata ko at parang tumitibok sa sakit na ulo ko. Malabong-malabo ang nakikita ko sa unang pagmulat ng mga mata ko kaya napapikit ako uli at nagmulat muli. Malabo pa rin ang nakikita ko pero hindi nang gaano. Kaya naman napansin ko na ang isang pigurang nakatunghay sakin na alam kong pigura ng tao.
Pinilit kong makakita ng maayos hanggang sa nagiging klaro na nga ang mga paningin ko at natitigan ko ng mabuti ang may-ari ng pigurang nakatunghay sakin. At ganun na lang ang takot at pamumutla ko kaya malakas na napasigaw ako.

"Ahhhhhh!!" sinubukan kong bumangon pero napigilan ako ng mga kamay ko na nalaman kong nakatali pala sa magkabilang dulo ng kamang kinahihigaan ko kaya parang may pumipigil sa mga ito.

"Kumusta ka minamahal kong pamangkin. Namiss mo ba ako?"

"H-hindi." napailing-iling ako at pilit hinila ang mga kamay ko. "Hindi ka totoo. Hindi ka totoo." paulit-ulit na sambit ko at pinipigilang mapaiyak sa sobrang takot.

"Shh. Okey lang, tantan. Siguro nagulat kita pero ako ito, ang Tiyo Miguel mo. Hindi mo ba ako namimiss?" nakangiting tanong nitong hinahaplos ang buhok ko.

Nanginginig na napailing-iling ako at napaiyak. "Pakawalan mo ko. Pakawalan mo ko dito! Ayaw ko sayo!"

Malakas at matunog na sampal ang dumapo sa isang pisngi ko at muntik na akong matulig sa lakas at sakit. "Okey ka lang ba?" narinig kong tanong niya matapos ng pananakit niya. "Ikaw naman kasi. Alam mo namang ayaw ko na pinagtataasan mo ako ng boses." anitong hinaplos-haplos ang nasaktang pisngi ko.

Napapikit na lang ako at tahimik na napaiyak habang nalalasahan ko ang dugo mula sa kabilang sulok ng labi ko at ang pag-iinit ng namaga yatang pisngi ko.

"Ganyan. Tahimik ka lang. Hindi ka masasaktan kong palage kang mabait at masunurin." malumanay na sabi niya at naramdaman kong tumayo siya kaya mabilis akong napamulat para tingnan ang gagawin niya. Nakatayo lang siya at pinagmamasdan ang mukha ko habang nakangiti. "Kamukhang-kamukha mo talaga ang Mama mo. Napakaganda mo katulad niya. Sadyang kaakit-akit."

Kinilabutan ako sa paraan ng pagsasalita niya at ng mga titig niya sakin. Parang may iniisip siyang masama. Hindi nga ako nagkamali at napaiyak ng malakas ng nakangising maghubad siya ng pang-itaas na damit niya at dahan-dahang pumaibabaw sakin.

"Aliuuuuuus!!" malakas na sigaw ko. "Tulooooong!!" iyak ko.

Nakita ko namang nagbago ang itsura ng mukha niya at biglang nanlisik ang mga mata niya. "Sige! Isigaw mo pa ang pangalan ng walang kwentang lalake mo! Akala mo ba darating pa siya?" malutong na tumawa siya. "Kung magkikita man kayo uli. Hindi ka niya gugustuhin dahil sa gagawin ko sayo ngayon. Aangkinin kita ng paulit-ulit. Paulit-ulit hangang sa magsawa ako!"

Napasigaw na lang ako sa pagingilabot at pandidiri at napaiyak ng simulan niya akong halik-halikan at pinunit ang mga saplot ko.

"Wag po! Wag po!" iyak ko at pilit nilalabanan ang mga panghahaplos at panghihipo niya sa katawan ko.

"Akin ka! Katulad niya akin ka! Akin!" gigil na paulit-ulit na sabi nitong patuloy akong pinagsasamantalahan kaya lalo akong napaiyak at napasigaw ng saklolo.

"You fuckin-asshole! Who told you to touch what is mine." narinig kong anang pamilyar na tinig at bigla na lang bumagsak si Tiyo Miguel sa ibabaw ko at wala ng malay. May humaklit ng mabigat niyang katawan sa ibabaw at sa nanlalabo kong mga mata ng dahil sa mga luha ay nakita ko ang imaheng inaasahan kong darating upang iligtas ako. Nagbagsakan ang mga luha ko at napangiti ako sa labis na kasiyahan.

"I miss you, my love." anitong kinalasan ng tali ang mga kamay at paa ko.

Pagyakap niya sakin ay doon na humulas ang pagtitimpi ko at malakas na napahagulhol ako at napaiyak sa loob ng mga braso niya.

"It's ok, rabbit. I have you now." malumanay na anas niya sakin at mabining hinalikan ang ulo ko. Isinaayos niya din ang nasirang damit ko at kinarga ako paalis doon.

"Burn this thing with them and bring him to me. I will deal with him." narinig kong utos ni Alius sa kung sino at umalis na kami. Napayakap na lang ako ng mahigpit sa kanya at napasiksik ang mukha ko sa leeg niya.

"Alius." mahinang tawag ko sa kanya.

"hmm?"

"Thank you for saving me. I love you."

"You have nothing to thank me, rabbit. My love."

Kinikilig na napangiti ako at lalong nangunyapit ng todo sa kanya. Gusto ko sanang magtanong kong anong pinaplano niya kay Tiyo Miguel pero naisip kong sigurado na ihahatid na nila siya sa mga pulis at makukulong na siya habang-buhay. Magiging masaya at ligtas na ako kapiling si Alius. Hindi na ako matatakot pa muli kasi nandiyan na siya.

Devoured by the beastWhere stories live. Discover now