Chapter 9: Hurt

3.2K 71 0
                                    


TANARA'S POV

Nagising ako sa pakiramdam na parang may mga matang nagmamasid sakin. Ewan ko ba pero para talagang sinasabi ng instinct ko na gumising na'ko dahil may nanonood sakin. Hindi naman ako parang natatakot kundi parang naiilang lang. Dahan-dahang nagmulat ako ng mga mata ko. Isang pares ng kulay itim na mga mata ang bumungad sa mukha ko na muntik ng ikinatalon ko dahil sa gulat. Paano'y napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. As in yung face to face! At hulaan niyo kung sino? Tadaan! Si Simon >.<

Masayang niyakap-yakap ko ang katawan ni Simon pagkatapos ko siyang pakainin. Gutom lang pala siya kanena gaya ng paliwanag ni Alius na wet look kanena na lumabas sa banyo ko. Halos maglaway nga ako kay Alius eh hehe. Buti na lang mabilis akong nakapagtakip ng mga mata ko.

"he must really like you." ani Alius ng maabutan niya akong nakapulupot kay Simon.

"Bakit naman?" tanong ko.

"he let you touch him with your hands still attached with you."

Napasinghap ako sa sinabi niya at namutla. Bumitaw na rin ako ng yakap kay Simon. "Nangangagat siya?!"

Kiniling lang ni Alius ang ulo bilang sagot at ng tingnan ko si Simon wala na sa tabi ko kundi nasa ibabaw na ng sofa. Umiikot-ikot bago hinigaan yung parteng inikot-ikotan niya. Ewan kong para saan ang ikot. Hindi naman kasi ako nagkaroon ng alagang hayop dati kahit isang beses. Hindi rin ako nagbabasa ng mga libro about animals dahil hindi ako nahilig dun.

"Good morning, world!" malakas na tinig ni Kate mula sa labas. Napapangiting napatayo ako at sinalubong siya sa pinto pagkapasok niya ng yakap. "Ay! Namiss mo ko ng bongga?" mataray na tanong nito at napatawa ako. "Wow! Mukhang happy na happy ka beshy. Sabagay, ganun din ako ahehe!" anitong malanding humagikhik. "God! Beshy! You are an angel. My angel!"

"ehh?!" nagtaka ako sa mga sinasabi niya pati na sa itsura niyang ngiting-ngiti habang namumula pa ang mga pisngi.

"beshy, wag kang mabibigla sa sasabihin ko but I'm inlove! I'm inlove! Eckks! Kinikilig talaga ako." parang sirang sabi niya tapos ay seryosong hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. "Besh."

"b-bakit?" takang tanong ko.

"Pag kinasal na kami ni Colt ikaw ang maid of honor ko, okey?"

"kasal?" parang bigla akong nalula sa sinabi niya. Masayang tumango siya at kumendeng-kendeng na naglakad paakyat sa hagdan habang parang nangangarap pa rin. Nakatangang pinanood ko na lang siya na pahum-hum pa ng kanta.

"close your mouth, rabbit." ani Alius na hindi ko napansing lumapit sakin at isinara ang bunganga ko habang mahinang pinagtatawanan niya ako.

Medyo napanguso ako at nagcross-arms. "Sino si Colt?"

Nakita ko ang pagngisi ni Alius pero hindi ito nagsalita. Nang maramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko ay agad kong nakalimutan si Kate at nagfocus sa halik ni Alius habang nangunyapit ako ng todo sa leeg niya.


--------> "ayan na ang sundo mo." bulong sakin ni Kate pagkatapos ng oras ng trabaho ko. Until 8 lang kasi kami sa Restau ni Kate. Sa umaga naman ay 5:30 am ang pasok at 7 ang pagbubukas pero mostly ang maaga lang talaga ay yung mga magtatrabaho sa kusina. Di naman kalakihan ang restau ni Kate at di kaliitan pero patok pa rin lalo at kalapit lang ng ibang mga office buildings, shop o pagawaan. Oh di ba wais din siya? Tsaka magaling ang cook niya.

Nagpalit na ako sa damit ko at nag-ayos ng buhok tsaka pinuntahan si Alius. "Alius!" masayang tawag ko ng pangalan niya habang di ko mapigilang mamula habang papalapit sa napakagwapo niyang kabuuan. Hindi talaga ako makapaniwalang susunduin niya ako ngayon matapos niya akong ihatid kanenang 6 ng umaga. Si Kate kasi eh biglang nainspired pumasok ng mas maaga at iniwan na lang ako kay Alius. Oo nga pala, nalaman kong yung bahay pala ni Alius ay katabi lang ng bahay ni Kate. Ang saya ko ng malaman ko yun. Ang lapit-lapit lang naman pala niya kasi.

Habang naglalakad na kami papunta sa kotse ni Alius may dalawang magaganda at seksing mga babae ang bigla na lang dumumog sa kanya at... h-humalik sa mga labi niya.

"hello, Alius! We miss you!" anang dalawang babaeng pumulupot pa sa magkabilang braso ni Alius.

"antagal ka na naming hindi nakikita, Alius. We really miss you." anang isa at yung isang babae humalik na naman sa mga labi niya.

Para akong napagbagsakan ng langit at lupa sa nakita ko. Namalisbis ang grabeng mga luha sa mga mata kong ang bilis nagpatakan at ang sikip-sikip na naman ng dibdib ko. Nagkasalubong ang mga mata namin ni Alius at pakiramdam ko nataranta siya sa itsura ko pero di ko na kinaya ang lahat at mabilis na napatakbo palayo.

"Fuck! Get lost! Tanara, wait!"

Hindi ko siya pinakinggan at lalo lang napatakbo palayo. Mas mabilis pa sa normal na bilis na kinakaya ko noon. Patak lang ng patak ang mga luha ko at takbo lang ako ng takbo kong saan man. Gusto ko lang makalayo na dito.

'tantan.' malungkot na anang boses sa utak. 'wag kang umiyak.'

Devoured by the beastWhere stories live. Discover now