Chapter 29: Sudden Goodbye

3.2K 62 1
                                    


TANARA'S POV

Tahimik at ingat na ingat akong bumangon at bumaba ng kama. Paano ba eh baka magising na naman si Alius at gapangin na naman ako. Kahit naman masarap gawin yun palage eh nakakapagod pa rin at nakakatuyo ng lakas.

Napahagikhik ako habang sinusuklay ko ang basang buhok ko kasi masayang-masaya talaga ako. Nitong mga nagdaang-araw palage na lang magaan at mapayapa ang buhay ko tapos palage na akong hindi nananaginip ng masama at hindi na din ako natatakot. I feel so free and pretty and it all thanks to Alius. And I really, really, really love him so much!

'Oo na. Ang OA na nun. Ikaw na happy at inlove.'

Nanlaki ang mga mata ko. "ikaw? Kumusta ka na? Ang tagal mo nang tahimik. Akala ko nga umalis ka na sa ulo ko eh."

'ganun? parang hindi lang nagparamdam dahil mukhang hindi na kailangan pa.'

"Hindi na kailangan?" napaisip ako. "Oo nga pala, nakikipag-usap ka lang pagmalungkot ako o kaya pagwala akong makausap." napangiti ako at napatangu-tango.

'masaya akong makitang masaya ka na, tantan. Mukhang hindi na ako mag-aalala palage sayo dahil may iba nang magliligtas at magmamahal sayo.'

Natahimik ako sa sinabi niya at parang bigla akong natakot at nalungkot. "Bakit ganyan ka ngayon makipag-usap? Bakit ako nalulungkot?"

'tantan, makinig kang mabuti. Hindi normal sa isang tao ang kausapin ang konsensya niya at ako, isa lang akong konsensya na dapat ay nasa bahagi lamang ng utak mo. Nabuo lang ako at nagawa mong isang katauhan sa isipan mo dahil sa sobrang trauma na naranasan mo mula pagkabata-'

"wag! wag mong sabihin yan!" bigla akong napaiyak.

'shh! wag kang matakot. Alam ko ang iniisip mo. Hindi ako mawawala, tantan. Pero kailangan ko ng bumalik bilang isang konsensya na lang. Hindi naman kita iiwanan. Promise! Iisa lang tayo wag mong kalilimutan yun. Hindi ako mawawala. Pero kailangan mo na akong pakawalan at mag-uumpipisa ka na ng bagong buhay na hindi ka na dumedepende sakin kundi sa kanya na.'

"Si Alius ba? Talaga? Dedepende na ako sa kanya? Di ba pwedeng sa inyong dalawa na lang-"

'Isa lamang akong katauhan sa isipan mo pero siya, isa siyang katulad mo na mamahalin at aalagaan kang mabuti habang-buhay. At hindi ko magagawa ang ganun sayo, tantan. Magiging unfair yun para sayo at hanggat nakakausap mo ako iisipin ng iba hindi ka normal. Na nababaliw ka na. Walang makakaintindi sa ganitong sitwasyon at ayaw kong maging ganito ka habang-buhay. Mahal na mahal kita, tantan. Mahal na mahal.'

"mahal din kita!" napaiyak ako. "Wag kang mag-alala magiging masaya ako palage at aalagaan ko na ang sarili ko. Hindi na ako malulungkot ng sobra at hindi na ako mag-iisip na tapusin ang buhay ko kasi ayaw mo yun! Ayaw mo yun diba?!" wala na akong narinig na sumagot kaya lalo akong napaiyak. "wag kang mag-alala aalagaan ko na parati ang sarili ko tsaka si Alius din." napaiyak ako lalo ng biglang may yumakap sakin mula sa likod. Bigla akong nanigas.

"Rabbit, what's wrong?"

"A-Alius?" para akong natuka ng ahas at nabato-balani. Parang tinatambol ang puso ko at kinakabahan ako ng sobra. Narinig ba niya? Nakita ba niya akong nagsasalita mag-isa at kinakausap ang sarili ko? Naiisip ba niyang nababaliw na'ko?

"Hey, what's wrong?" iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang mukha ko paangat kaya napilitan akong salubungin ang mga tingin niya ng natatakot kong mga mata.

"H-hindi ako baliw, Alius! Maniwala ka hindi ako baliw!" napaluha ako takot na takot.

"Hey, who's saying that? Ofcourse, my love, hindi ka baliw. Come here." kinabig niya ako payakap at hinalikan ako sa mga labi ko. "What did she say? Why are you crying?" malumanay na tanong niya.

"S-she?" bigla kong naisip ang kaibigan kong nasa isip ko. "Siya?" tanong ko at tumango siya. Napaiyak na naman ako. "Sabi niya aalis na siya kasi gusto na niyang maging normal ako. Nagpaalam na siya sakin, Alius. Iiwan na niya ako kasi nandiyan ka na daw para mahalin at alagaan ako."

"are you sad?"

Napatango ako. "Mamimiss ko siya ng sobra. Dahil sa kanya kaya ako patuloy na nabubuhay noon kahit gustong-gusto ko ng mamatay. Sa kanya ako palage dumedepende at siya ang parati kong karamay. Kaya lang mawawala na siya. Wala na siya." iyak ko. Niyakap naman niya ko ng mahigpit at hinimas-himas ang likod ko at ang buhok ko.

"She knows what's best for you kaya siya aalis. But you can't be sad, rabbit. For she will always be in your mind and in your heart. She is part of you and she will remain a part of you no matter what."

Napatigil ako sa pag-iyak dahil sa sinabi niya. Tama siya. Hindi na siya mawawala dahil mananatili siyang parte ng buhay ko. Ng pagkatao ko. Napangiti ako. Ngumiti na rin siya.

"I love you, Alius." malambing na sambit ko.

"as I love you, rabbit."

"hindi ka ba nao-offend na baliw ako? Kasi, kinakausap ko ang sarili ko."

"I am never offended and never will be as long as you are mine. You, all of you, even her, you are all mine."

Devoured by the beastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon