Chapter 21: Siya

2.7K 47 0
                                    


KATE'S POV

Nakangiti at kinikilig na pumasok ako ng bahay. Excited na hinanap ko si Beshy sa paligid ng bahay ko dahil nasasabik na akong magkwento sa kanya sa development ng lovelife ko kay Colt, my king, my destiny, the love of my life. Kaya lang natigilan ako sa naabutan ko sa sala.

"Talaga? Totoo? Kung ganun babantayan mo ko?" si Beshy na masayang nagsasalita mag-isa. "Talaga gusto mo din si Alius? Pero bakit? Aagawin mo ba siya sakin?" parang nalungkot ang mukha niya tapos bigla na naman siyang ngumiti. "Sinabi mo yan, ha? Akin lang siya! Yehey!"

Akmang lalapitan ko na siya ng may pumigil sakin. Paglingon ko si Alius pala na seryosong nakatitig kay Tanara. "Ah.."

"She looks happy. She's beautiful." anitong halata ang admiration sa mga mata habang nakatingin kay Tanara.

Napangiti ako dahil imbis na mapansin niya ang pagsasalita ni Beshy mag-isa, mas napansin pa niya ang kasiyahan at kagandahan niya.

Sa totoo lang sanay na ako sa beshy ko. Noon pa man ay nakikita ko na siya at nahuhuling nagsasalita mag-isa. Nung simula nabobother ako pero katagalan nasanay na rin ako. It's like, may kausap kasi siya sa isip niya na tao. Basta ganun. Ang alam ko, dahil sa taong nasa isip niya kaya hanggang ngayon buhay pa rin siya. Noong nasa high school pa lang kami, ilang beses din siyang nagtangkang magpakamatay dahil sa stress at sobrang depression. Pero parati siyang pinipigilan ng tao sa isip niya. Alam ko yun dahil ilang ulit ko ng nasaksihan ang pagtatangka niya sa buhay niya. Sa huli hindi niya naitutuloy dahil hindi daw 'siya' papayag. Ang 'siya' na palage niyang tinutukoy ay alam kong ang taong nasa isip niya. Medyo weird pero dahil alam ko ang tungkol sa masamang nakaraan niya kaya naiintindihan ko siya.

"Hindi kaya haha! Oo na sige na tama ka na!" masayang sabi ni Beshy na niyakap ang walang paki-alam sa mundo na si Simon. Naisip ko lang. Manang-mana rin si Simon sa amo niya ano?

"ha? Kate? Alius!" si Beshy na mukhang napansin na kami. "Nandiyan na pala kayo." masayang sabi niya at nagblush pagsulyap kay Alius at ngumiti. Naks! "Kumain na ba kayo? Nagluto ako ng adobong manok tsaka Kate, pinakialaman ko yung mga graham biscuits mo. Gumawa ako ng grahams hehe!"

Mabilis na nagningning ang mga mata ko pagkarinig ko ng grahams. "Waah! Dinamihan mo ba, Beshy? Ok na ako sa grahams total sawa na ako sa adobong manok mo." nagbibirong sabi ko at nakita ko ang pagsimangot ni Beshy. Hihi! Ang cute talaga ng bestfriend ko. Tumakbo na ako sa kusina para makipagsagupaan sa grahams my labs ko! *_*



TANARA'S POV

"Alius, kumain ka na?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Nawalan na ako ng kayabangang ipagmalaki ang adobo ko dahil sa ginawang panlalait ni Kate. Madalas ko kasi talagang iluto sa kanya ang putaheng yun kaya siguro nagsawa na siya. Wala sa sariling napanguso ako.

"I haven't eaten anything today but sandwhiches so the adobo sounds good."

Natuwa ako sa sinabi niya at malapad na napangiti. "Okey. Sabay na tayong kumain!"

"Hm. Is this edible?" nakangising tanong ni Alius na chinicheck yung manok. Napanguso ako at narinig ko ang nang-aasar na tawa ni Kate. "I'm just teasing you." natatawang bawi ni Alius at sumubo na sa adobo. "Hmm. Delicious. Like you." namula ako sa sinabi niya.

"Hoy! Hoy! Anong mga kalandian yan!" reak ni Kate sa gilid na busy sa grahams pero walang pumansin sa kanya.

"Eat your food." utos ni Alius kaya nag-umpisa na rin akong kumain.

"Kumusta ang araw mo ngayon, Alius?" masayang tanong ko ng matutulog na kami.

"Fine. Tiring." walang anumang sagot niya. "You?"

"Okey din. Nagpunta kami ng park kanena ni Simon pero saglit lang kami dun kasi mainit ang araw. Tapos nanood ako ng Tom and Jerry kasama si Simon tapos, gumawa ako ng grahams at gumawa ng adobo kasama ni Simon." masayang kwento ko.

"I see. So, you have a date with him?" parang matabang na tanong niya.

"date? Oo." masayang sabi ko.

"Tsk!" reak lang ni Alius na ipinagtaka ko.

"Bakit, Alius?"

"Nothing. Let's go on a date too."

Napanganga ako at masayang namilog ang mga mata ko. "Talaga? Magdadate tayo? Bukas ba?" excited na tanong ko.

"would you like to date me tomorrow?" balik tanong niya.

"Oo! Gusto ko." masayang sagot ko na halos mapatalon ang katawan sa saya.

Ngiting-ngiti ako mag-isa dahil hindi ako makatulog ng mabuti sa excitement. Si Alius naman, nasa kama, tulog na tulog na.

'ang saya mo. pero sana matulog ka na diba?'

Hai! Andiyan na naman 'siya' sa ulo ko. "Mamaya na. Hindi pa ako makatulog eh."

'ok. sige. makipagdate ka bukas ng puyat, pangit at malalalim ang eyebags. tingnan ko lang kong-'

"Matutulog na ko!" maagap na sigaw ko. Tama siya hindi ako dapat mapuyat bukas!

Bumalik ako sa kama katabi ni Alius at humiga pasiksik sa katawan niya. Para namang bigla siyang nagising dahil gumalaw siya at kinabig ako payakap sa mga braso niya at natulog uli. Kaya lang, medyo nakakabother..

ang palad niyang nakapatong sa dibdib ko >///<

Devoured by the beastحيث تعيش القصص. اكتشف الآن