Chapter 20: Panaginip

2.9K 52 0
                                    


TANARA'S POV

"wala kang kwenta! Papatayin kita!" galit na galit na sigaw ng lalakeng naliligo ng dugo at pinagtatatadtad ng saksak ang wala ng buhay ng katawan ng isang lalaking pamilyar sakin. Nakaupo lang ako sa isang sulok. Katabi ko ang isang magandang babaeng umiiyak at nakaposas ang mga paa. Sa mga braso niya ay isang batang paslit na umiiyak at sumisigaw ng Papa. Paulit-ulit na sumisigaw siya ng papa.
Tapos nakita ako ng bata. Tinuro niya ko at nakita din ako ng babae. Tinitigan nila akong dalawa. At sabay silang napaluha ng dugo.

Hingal na hingal na napabangon ako. Para akong kakapusin ng hininga sa napanagipinan ko. 'Ang panaginip na yun.' nanginginig na napayakap ako sa sarili ko. "hindi yun panaginip. Totoo yun." napahikbi ako. "P-papa. M-mama." nanginginig na mas napaiyak ako. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Naninikip ang dibdib ko. Ang sakit-sakit ng puso ko. Hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit! Ang sakit-sakit! Napasabunot ako sa sarili ko pilit kinakalimutan ang bangungot na yun ng buhay ko. Hindi ko kaya! Ang sakit-sakit talaga. "AHHH! MAMA! PAPA! AHHHH!"

Biglang lumagabog at bumukas ang pinto. Takot na napatalon ako sa kama at napasiksik sa gilid. 'Nandyan na siya. Kailangan kong magtago! Sabi ni Mama dapat magtago lang ako. Dapat magtago ako.' nanginginig na napasiksik ako sa gilid at mariing napapikit. Tinakpan ko ng mabuti ang mga tenga ko para hindi ko sila marinig.

May narinig akong humihikbi. Umiiyak na naman si Mama dahil kay Tiyo Miguel. Sinasaktan na naman nila ang Mama ko. Gusto kong tumulong. Gusto kong tumulong pero magagalit si Mama paglumabas ako sa pinagtataguan ko.

"Ganyan nga Tanya. Maging mabait ka sakin kong ayaw mong sumunod ang anak mo sa asawa mo." malademonyong boses ni Tiyo Miguel na naririnig ko pa din kahit tinatakpan ko na ng sobra ang mga tenga ko.

"Gawin mo na ang gusto mo. Wag mo lang gagalawin ang anak ko. Maawa ka." umiiyak na pakiusap ni Mama. Kahit si Mama naririnig ko pa rin.

Napaiyak na lang ako sa takot na baka patayin niya rin ang Mama ko.

"Tanara, love. It's me." naramdaman kong may humawak sakin.

Napatalon at napasigaw ako sa takot. "Waaag! Ayaw ko po! Wag po!"

"Hey, it's ok. I'm not gonna hurt you, my love. Tell me what's wrong. I'm here, rabbit."

Napatigil ako sa boses na yun at biglang natauhan. Mabilis na nag-angat ako ng mukha para siguraduhing totoo siya.

"Alius?" lumuluhang naniniguradong tanong ko at tumango siya.

"Yes. It's me."

Napayakap ako ng mahigpit sa kanya at napahagulhol. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya pabalik at marahang hinahaplos niya ang likod ko. Lalo lang tuloy akong napaiyak sa ginawa niya. Pinapatahan niya ako pero hindi ko magawa. Ang alam ko lang, malungkot na malungkot ako. Takot na takot. At makirot ang puso ko.


Nagising ako sa pakiramdam na parang kinikiliti ang leeg at tenga ko. Antok na umungos ako at pilit tinatakpan ng kamay ko ang tenga ko at pumikit uli ng mapatalon ako sa malakas na pagtahol.

"Ayykamote!" napamulat ako ng mga mata at napalingon sa gilid ko. Yung pagkakahiga ko kasi patagilid pabaluktot. Nakaface to face ko naman ang mukha ni Simon na nakadungaw sakin at mukhang inaantay akong magising. "Eksh! Simon naman eh! Bakit ka naman biglang nanggugulat?" nakangusong reklamo ko at bumangon. Hindi naman siya umimik na dinila-dilaan muna ako sa mukha at tumalon paalis ng kama at palabas ng pinto. Napanganga ako kay Simon. Talagang ginising niya ako para lang esnobin eh no? Napailing ako.

Bumangon na ako ng kama at dumiretso sa banyo para magsipilyo at maghilamos. Naligo na lang rin ako at nagbihis ng damit pambahay kasi pagtingin ko ng oras 11:10 na pala. Grabe! Tanghali na pala akong nagising. Panong nangyari yun?

Habang pababa ng hagdan biglang may dumaang pangyayari kanena sa isip ko. May Doctor. May nakita akong Doctor sa kwarto ko. Weird. Imagination ko lang ba yun? Bakit naman magkakaroon ng doctor sa kwarto ko?
Pinagsawalang-bahala ko na lang yun at nagtungo sa baba. Pero wala si Kate o Alius. Nasa work siguro. Kumain na lang muna ako then, lumabas ako para maglakad-lakad papunta sa park. Sinamahan naman ako ni Simon na kinatuwa ko kasi atleast hindi ako nag-iisa.

Habang tahimik na nagmumuni-muni ako sa kawalan biglang may dumaan na namang alaala sa isip ko at napakunot-noo ako.
'Yung panaginip! Yung masamang panaginip!' Napatayo ako sa swing ng maalala ko na ang nangyari kanena kong bakit ako tinanghali ng gising. "K-kung ganun..  hindi imagination ang nakita kong doctor kanena."

Napunta ang atensyon ko kay Simon na dinidila-dilaan ang kamay ko. "Simon." naupo ako kalevel niya at niyakap siya. "Natatakot ako, Simon. Ayaw ko na uling managinip ng ganun. Nakakatakot. Sa tuwing napapanaginipan ko ang pangyayaring yun sumasakit ng sobra ang puso ko. Para akong mababaliw sa sobrang sakit." paglalabas ko sa kanya ng saloobin ko at lalo pa siyang niyakap ng mas mahigpit. Hindi naman siya nagrereklamo at tahimik lang.

Devoured by the beastWhere stories live. Discover now