Chapter 6: In a Hospital

3.5K 60 0
                                    


TANARA'S POV

"Kate, sigurado ka bang aayain mo yun dito? Hindi ba naman yun nakakahiya?" alanganing sabi ko. "At tsaka bakit ako ang paglulutuin mo kung ganun eh di ba mas magaling kang cook keysa sakin?"

"Kalma, besh! Relax! Masyado kang affected eh. Napaghahalataan kang masyado na type mo talaga siya." naiiling na sabi nito at napangisi. "Ang totoo ay nagbibiro lang naman ako, Tanara. Hindi naman kasi natin talaga kaclose yun at tsaka mahirap magfeeling close dun."

"ha?" medyo nawala ako sa sinabi niya pero nagets ko na rin naman. "Ah."

"Umamin ka nga sakin, Tanara. Ikaw ba eh nahuhulog na sa lalaking yun? Alam kong binibiro kita sa kanya pero sa club mo lang siya nakilala. Oo at iniligtas ka niya pero siya pa rin si Alius Montefalco, beshy."

"h-ha? Hindi kita maintindihan." nalilitong sabi ko.

Alanganing napatingin siya sakin at tila nag-aalala. "Well, hindi naman sa sinisiraan ko siya ano? Pero kilala kasi si Alius sa pagiging player eh."

"p-player?"

"si Alius kasi, ayun sa mga tsismax na nakakalap ko eh sobrang playboy daw niyan. Isang manwhore.. eherm! sorry for the term pero beshy, totoo talaga yun eh. Hindi iisang beses na nakita ko yang nag-uuwi ng dalawa o tatlong babae sa bahay niya. Take note hindi lang basta isa kundi dalawahan o tatluhan kapag nambababae siya. At hindi lang yun, may masamang ugali din daw siya minsan na manakit ng mga babae. Pero yung huli eh parang fake news lang naman kasi parang pakana lang naman yun ng mga boyfriend ng mga babaeng kinakaulayaw niya. Pero yung player siya at manwhore. Proven, beshy! Proven."

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya at parang tinarakan ng milyon-milyong karayom ang puso ko dahil sa sakit. Bakit ganun? Bakit parang nasaktan ako sa mga sinabi ni Kate tungkol kay Alius? Bakit parang nag-iinit bigla ang mga sulok ng mga mata ko? Bakit sumisikip ang dibdib ko?

"Hoy, beshy! Natulala ka na diyan. Ok ka lang?"

Ang sikip-sikip talaga ng dibdib na parang may bakal na gumapapos sakin at sumasakal. Ang sakit at bigat sa dibdib. Para akong biglang nahirapang huminga. Para akong unti-unting nanghihina.

'Iiyak ka na naman ba, tantan?' anang maliit na boses sa isip ko.

'i-ikaw?'

'shh! namiss mo ba ako, tantan?'

"oh gosh! Tanara?! Anong ginagawa mo?!"

'lubayan mo ko! wala ka na! wala ka na dapat!'

'pero nandito pa nga ako. Mukhang kailangan mo na naman ako. Nararamdaman kita. Mahal mo na siya diba? Nasaktan ka sa sinabi ni Kate.'

Naiiyak na napailing ako. Pinupukpok at sinasabunutan ang ulo. "Hindi. Hindi ko alam ang sinasabi mo!" malakas na sigaw ko.

"Oh gosh! Stop pulling your hair, Tanara! What are you doing?" anang tinig na parang pamilyar sakin. "Help! Help me!" sigaw nitong parang unti-unting lumalayo.

'kailangan mo ulit ako, tantan. Wag kang mag-alala. Hindi ka nila masasaktan.'

"Masasaktan?! Hindi! Hindi!" natatakot na sabi ko. "Bakit ako masasaktan? Ha?!"

'magpahinga ka muna, tantan.'

pagkatapos niyang sabihin yun ay biglang nagdilim ang paligid ko at wala na akong maalala pagkatapos.




KATE'S POV

"salamat, dok." sabi ko at umalis na rin ang doctor na tumingin kay Tanara. Ang totoo hindi ko naintindihan masyado ang sinabi ng doctor dahil sa grabeng pag-aalala ko sa bestfriend ko. Ang naalala ko lang emotionally unstable daw si Tanara at hindi dapat napapagod ng sobra o nag-iisip ng sobra. Marami pa siyang nabanggit at buti na lang at mukhang seryosong nakikinig naman si Alius sa kanya. Laking pasalamat ko talaga ng makita ko si Alius kagabi na kararating lang at sakay pa ng kotse nito. Nang humingi ako ng tulong sa kanya ay mabilis naman itong sumaklolo ng sabihin ko ang pangalan ni Tanara at ayun nga ay kinarga niya agad at dinala sa hospital si Tanara ng maabutan namin siyang walang malay sa sahig. Kung wala si Alius ay baka inatake na ako sa puso sa sobrang pag-alala nung abutan ko si Tanara na nakahandusay sa sahig at walang malay. Grabe kasi talaga ang naging takot ko nun eh.

"Alius, lalabas na muna ako ha? Bibili ako ng makakain natin. Tsaka baka magising sa beshy at magutom." tumango naman ito kaya lumabas na rin ako.





ALIUS'S POV

I was watching her serene sleep when she starts to move and gently those beautiful brown eyes showed up again as she blinks a lot of times and frown in confusion looking at the ceiling, and then around her until her eyes meet mine. She stared at me in a questioning look probably asking where is she and why I'm in this room with her.

"how are you feeling, rabbit?" I asked watching her in amuse as she tries to pinch her own skin and squeak cutely as if trying to figure out if everything is real or not.

"it's real." she muttered silently looking all confused and cute.

"It's ok. You are in a hospital, Rabbit. How are you feeling now?"

"I feel good but why are we in--" she was stopped at the rumbling sound of her stomach as she blushed furiously. Such a cute rabbit.

Devoured by the beastWhere stories live. Discover now