Chapter 13: Next Important Step

3.1K 62 1
                                    


TANARA'S POV

Nakangusong nakatitig ako sa kawalan habang sakay ako ng kotse ni Kate. Katatapos lang ng work at papauwi na kami. Two days, two days ko ng hindi nakikita si Alius. One week na rin ang nagdaan after nung mailigtas niya ko sa mga lalaking nakatakip ang mga mukha.

"Beshy, konti na lang mapagsasabitan na ng hanger yang mga labi mong patulis ng patulis ang pagkakanguso. Bakit ba? Ha? Nabobored ka na sa piling ko ganun? Aray ha! Gusto mong gutumin kita ng sampung araw at hayaang mangayayat ka?"

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Talaga, Kate? Sampung araw lang na hindi ako kakain papayat na'ko?" namamanghang tanong ko na biglang nagkaideya about diet. Malakas na batok ang inabot ko sa kanya kaya nakangusong napakamot ako sa ulo ko. "Aray! Bakit ka naman nambabatok bigla? Masakit kaya. Hala, bubukol to." worried na sabi ko.

"gaga! ginigising lang kita. Ano ba naman kasi yang mga pinag-iisip mo? Yan ba ang nagiging epekto ni Alius sayo?"

Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Epekto? Bakit mo naman natanong yan?"

"Tch! Wala! Pero siya ang iniisip mo kaya ka nakanguso ng ganyan diba?"

Nahihiyang napatango naman ako at napahawak sa sarili kong mga kamay. "Kasi eh. Dalawang araw na siyang nasa France dahil sa bussiness niya. Namimiss ko na kasi siya." nahihiyang pag-amin ko at nag-init ang mga pisngi ko.

Bigla siyang napahagikhik sa sinabi ko na parang kinikiliti. Buti na lang nandito na kami sa bahay at tapos na ang pagmamaneho niya. Sa likot niya kasi baka madisgrasya pa kami dito sa kotse. Katakot talaga tong si Kate minsan >.<

"that's love. Ayyie! Hehehehehe!" aniya pang may kasama ng panunukso kaya napapangiti na lang ako.

"ang totoo. Nag-I love you na ako sa kanya." pag-amin ko at malakas na napatili siya dahilan para mapalingon samin si Simon na mukhang naestorbo ang pagtulog. Pagkatapos ng pag-amin ko kay Kate hindi na niya ako tinigilang tuksuhin. Namumulang napayakap na lang ako kay Simon na iniwan ni Alius sakin.

"I'm so proud of you, beshy. Dalaga ka na talaga, hehehe!" ani Kate na hindi pa rin tumitigil. "In that case, after aminan proceed ka na sa next step."

"Next step?" takang tanong ko.

Mabilis na napatangu-tango siya. "Oo. Next step."

"ano yun?" nakucurious na tanong ko at napangisi naman siya.

"ano pa! Maging official kayo."

"official?" nalito ako sa sinasabi niya.

"ano ka ba, beshy! Lahat ng relasyon kailangan ng label! Hello!"

"pano naman yun?"

"hay, grabe! Muntanga ka talaga sa mga relasyon." naiiling na mataray na sabi niya at bigla ay napangisi siya na parang may naiisip. "Pero alam mo, may mas importante pa dun at siyang pinakadapat. Diba, mahal mo naman siya?"

Napatango ako. "Oo."

"good. Then let's proceed to the most important step. Wedding."

Napangiti ako. "Magpopropose ako sa kanya?"

"Gaga! Trabaho ng lalaki ang pagpopropose." lumapit siya sakin ng nakangisi ng sobrang lapad at nangingislap ang mga mata na parang may pinplano siyang hindi dapat.

"b-bakit?" medyo bothered sa kanya na tanong ko.

"Tanara, my sweet beshy and oh so cute sistah. Listen carefully." aniyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at seryosong tumingin sakin. Napalunok ako hinihintay ang sasabihin niya. "The very important step needs dedication, courage, love and passion."

"ano yun?" interesadong tanong ko.

"Beshy, in order to succeed you have to be very very brave." napatango ako. "Very good. Let's do this!"

"anong gagawin natin?"

Binitiwan niya ang mukha ko at tumayo. "Hahahahaha!" evil laugh niya at bumalik sa pagkakaupo at tinitigan ako ng malalim sa mga mata. "The only way to make him crawl on your feet and beg for you to marry him is to make kill him.."

"Huh! Ayaw ko! Hindi ko siya magagawang patayin!" nanlalaki ang mga matang umiiling na sabi ko. "No way!"

"gaga! That's not what I mean." mataray na sabi niya at nag-evil laugh na naman. "Ang ibig kong sabihin ay patayin sa pananabik bago sarap. Hahahahaha!" aniyang nag-evil laugh na naman at napatingin sakin. Sa klase ng tingin na yun parang gusto ko ng mapatakbo palayo. Katakot! >_<

Nakita ko na lang ang sarili kong kinakaladkad niya papuntang kwarto at sapilitang pinagbibihis ng hawak niyang damit pantulog daw. Kaya lang, may pantulog bang ganun kanipis at kaikli? Di ba naman ako kabagin sa pantulog na yun pati sa nipis nun para na rin akong hubad.

"Dali! Hubad!"

"waaah! Ayaw ko niyan, Kate! Para naman akong nakahubad na diyan eh!"

Pinilit niya ako ng pinilit pero matigas na tumatanggi ako hanggang sa naging demonyita na naman ang mukha niya.

"Isusuot mo to o itatali kita ng hubad sa kwarto mo?" katakot-takot na banta niyang kinapanlaki ng mga mata ko.

Mangiyak-ngiyak na sinuot ko ang bigay niya at halos himatayin ako sa itsura ko. Para ng luluwa ang kaluluwa ko sa pantulog nato at konting kibot at lakad lang nasisilip na ang panty ko. Ayaw ko na! Saklolo! TOT

Devoured by the beastWhere stories live. Discover now