Chapter 22: Date

2.7K 46 0
                                    


TANARA'S POV

After work, maaga kaming umuwi ni Kate. Siya daw kasi ang mag-aayos at magbibihis sakin.

"tadaan!" masayang pakita niya ng itsura ko sa salamin matapos niyang ayusin ang buhok ko at make-up-pan ng konti ang mukha ko. May kakapalan daw kasi ang buhok kong hanggang balikat kaya nilagyan niya lang ng magandang tirintas sa gilid and the rest nakalugay na, tapos ginawan pa niya ko ng konting bangs sa noo na bumagay sa ayos ng buhok ko at make-up. Masayang napangiti ako sa ayos ko na simple pero ang ganda. Sana magustuhan ni Alius to.

"okey, next, the dress." sabi ni Kate na kinalkal ang closet niya tapos may ipinakita siya. "Here!" masayang sabi niya. Napangiti ako sa magandang damit na parang kakulay lang ng balat ng tao tapos medyo may mga konting kumikinang-kinang sa tela. Hindi masyadong sexy pero parang sosyal ang dating. "Wow! Isusuot ko yan?" natutuwang tanong ko.

"Ofcourse! Matagal na to sakin kaya lang hindi ko sinusuot kasi parang hindi ko trip. Tsaka, binili ko lang talaga siya kasi nagandahan ako sa tela. Dali! Isuot mo na! Pero utang to ha? Bibigyan naman kita ng discount dahil bestfriend tayo." pambibiro niya sa dulo na kinatawa namin pareho.

"Oo na. Salamat ha?" nakangiting sabi ko at tinulungan niya akong isuot na yun. Hanggang ibabang tuhod siya tapos pinares ko ang sandals na saktong kakulay din niya. Ayaw ko na sa may mga heels na mahahaba. Katakot na magsuot ng ganun.

"perfect!" amaze na sabi ni Kate at napangiti ako ng sobra. Excited na akong makita niya ang ayos ko.

"Sige, Kate. Salamat sa tulong at sa damit. Bababa na ako para hanapin si Alius. Baka nandiyan na siya. Gusto ko ng makita niya ang ayos ko!" excited na sabi ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

"Ano?!" humabol siya. "Wala ka talagang kaclass-class gaga ka. Dapat maghintay muna siya sayo ng ilang minuto at-At wag kang tumakbo! Diyos me!"

Natawa ako kay Kate pero hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa pababa na ako ng hagdan. Pagdating ng sala lumabas agad ako ng bahay papunta sa bahay ni Alius. Saktong pagdating dun bumukas ang gate at lumabas si Alius na nagulat pagkakita sakin.

"Alius! Tadaan! Maganda na ba ako?" excited na umikot ako sa harap niya na ngiting-ngiti.

Saglit namang parang natulala siya. Gulat pa rin yata. Pero ngumiti naman agad siya pagkatapos at lumapit sakin. "You look gorgeous, my love." hinalikan niya ako sa mga labi ko tapos pinasadahan niya uli ako ng tingin from head to toe at napangiti na naman siya. Nasa itsura niya ang lantarang pagkamangha at aprove na aprove na ngiti.

Kinikilig na napangiti ako at namula ang magkabilang pisngi ko. "Salamat. Si Kate ang nag-ayos sakin-"

"Beshy! My god! Ang bilis mong tumakbo." hinihingal na reklamo ni Kate na hawak ang dibdib. Mukhang napagod siya sa pagsunod sakin.

"Beshy! Nagustuhan ni Alius ang ayos ko. Ang gorgeous ko daw -aray!" napanguso ako ng bigla niya akong tuktokan sa ulo. Mahina lang naman pero normal reaksyon na nating mga tao ang umaray, hehe.

"Ano bang sabi ko sayo maghintay ka muna sa loob diba? Gaga ka napagod ako sa paghabol sayo." nakapameywang na sermon niya sakin. "Hoy, ikaw Alius. Alagaan mo tong beshy ko, okey? At wag na wag mong pinagsasamantalahan ang kamusmusan ng isip niya kong pwede lang."

"Musmos? Ako?" nagtatakang turo ko sa sarili ko.

"She's safe with me." tanging sagot ni Alius at inakay na ako papunta sa kotse niya.

"Saan tayo magdadate, Alius?" excited na tanong ko.

"you'll see." nakangising sagot niya at sumakay na kami ng tuluyan sa kotse.

Dinala niya ako sa isang napakagandang restaurant. Ang gara at parang mga pang-VIP lang ang nakakapasok dun. May sarili kaming room for privacy tapos tinutugtugan pa kami. At ang mga food! Ang sasarap! Yun nga lang ang kokonti bawat serving. Ganun yata talaga pag mga pangsosyal. Yung desserts naman yum! Hindi ko mapigilang mapakain ng sobra. After we eat, we talk, we dance, too kahit hindi naman ako marunong. It was so fun and perfect for me. Ganito pala ang feeling ng kadate mo ang taong mahal mo ano? Walang segundo, minuto o oras na mabobore ka. Everything is just happiness. Sana until the end na kaming ganito. Marami kasi sa mundo ang sa simula lang ang mga happines pero nag-e-end sa sadness or worst, tragedy, a long time sadness.

After our date tumambay muna kami sa terrace sa kwarto ng bahay niya. Doon na kasi kami umuwi para hindi na raw maestorbo ang tulog nina Kate at Simon sa bahay ni beshy ko. Nakakatuwa kasi unang beses ko na makapasok doon. Napakalinis at mas malaki ng konti keysa sa kay Kate. Di ganun kadaming displays pero obvious na mga mamahalin lahat. At carpeted pa talaga ang sahig. Lalo naman sa kwarto niyang anlaki lalo na ng kama na parang yung tinatawag nilang King Size Bed. At ang lambot sa paa ng carpet sa kwarto niya. Talagang lulubog ang paa mo sa lambot. Nakakatuwa! At airconized dito! Lamig. Brr!

Naiisip ko lang. Gaano kaya kalambot yung kama niya? Hmm..


Devoured by the beastWhere stories live. Discover now