Chapter 4: Rabbit?! A Kiss?!

3.9K 75 0
                                    


TANARA'S POV

Nahihiyang napatungo ako at napasiksik sa balikat niya habang buhat-buhat niya ako papunta kong saan at tinitingnan kami ng mga taong nagsasayaw sa dancefloor. Hindi ko na mahagilap si Kate pero sinabi ni Adonis sakin, 'Adonis dahil di ko pa rin siya kilala,' ipapahanap na lang daw niya si Kate at pasusunurin samin. Nagtungo kasi kami sa ewan ba yun tapos nag-elevator pa kami. Tahimik nga lang ako nun dahil sobrang nahihiya talaga akong magsalita. Kaya lang, naiisip kong di kaya ay nabibigatan na siya sakin? Ang taba ko pa naman. Pakiramdam ko ay hindi lang ako bastang nahihiya sa isiping yun kundi napapahiya na rin ako para sa sarili ko. Sa laki kong to ang kapal ng mukha kong magpabuhat sa kanya. Napahiya ako ng sobra sa isiping yun at natakot. Baka mabulyawan na niya ako mamaya dahil ang taba-taba ko...

"are you scared?"

"h-ha?" napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita siya.

"you're so quiet. Are you scared of me?"

Nahihiyang napailing ako. "h-hindi. A-ano, i-ibaba mo na ako. K-kaya ko namang maglakad."

"ok." sagot nito pero hindi naman ako binaba at paglabas ng elevator ay pumasok kami sa isang kwarto. Doon sa malambot na malambot na kama na niya ako ibinaba at maingat na inilapag.

"sayo to?" tanong kong namamanghang nilibot ang mga mata sa kwarto na mula sa kulay, disenyo at mga maayos na mga gamit ay talagang panglalakeng-panglalake. Yung kama naman niya plain black and white. Hindi ko alam na may kwarto pala sa ganitong klaseng lugar at tsaka tagadito kaya siya kasi may kwarto siya dito?

"would you like something to eat?" napailing ako. "Drink?" umiling lang uli ako sa kanya. "Ok, cutie. Anything you--"

Naputol ang sasabihin pa sana niya ng may kumatok sa pinto at ng bumukas ito ay pumasok si Kate kasama ng isang malaking mama na parang bouncer yata dito.

"Beshy! Oh my gosh! Nasabi na sakin ni Big Man ang nangyari! Ok ka lang ba?!" nag-aalalang tanong niya.

"sinong big man?" takang tanong ko at itinuro niya yung malaking mamang mukhang bouncer ng club. "Ahh." tumatangong sabi ko tapos lumabas na si big man na tumango muna kay Adonis.

"Sorry talaga beshy! Masyado na akong nag-enjoy at di na kita nabantayan at naresbakan sa lalaking bumastos sayo. Sorry! Dapat kasi di na lang kita pinilit sumama dito. Sorry!"

"o-ok lang."

"ok lang na pilitin uli kitang pumunta dito?"

"ha?" nanlaki ang mga mata ko. "H-hindi yun!"

"hehe! Ang cute mo talaga. Biro lang." sabi nitong niyakap ako. At ng tumingin siya kay Adonis biglang parang nailang at nahiya siya. "Alius. Salamat sa pagligtas sa kaibigan ko."

"yeah." sagot lang nitong tumingin sakin. Nahihiyang napatungo naman ako at namula.

'Alius pala ang pangalan niya.'  anang isip ko at lihim na napangiti at lalong namula. 'Alius-Adonis. It's so cute, hehe! Gusto ko yung pangalang Alius.'

"aray!" napangiwi ako ng batukan ako bigla ni Kate. Sakay na kami ng kotse niya nun pauwi.

"kanena ka pa humahagikhik mag-isa diyan. Natimang ka na ba? Ha?" mataray na tanong niyang busy sa pagmamaneho. Napanguso naman ako at di nagsalita. "Ah ganun, ngayon mananahimik ka na? Di bale, huhulaan na lang kita. Iniisip mo si Alius. At kinikilig ka sa kanya, tama?" nakataas-kilay na sabi niya.

Tameme naman ako at hindi makasagot habang ramdam ko ang pagbabaga ng magkabilang pisngi ko at di ako makatingin ng tuwid sa kanya.

"Oh my gosh!" tili niya. "Tunay?! Oh gosh! Inlove ka na, beshy?!"

"h-ha? h-hindi ah!" malakas na tanggi ko at parang maiihi ako sa pagkailang sa upuan ko. 'Inlove agad?'

"asus! Halata ka masyado gaga ka. Type mo si Alius. Ayieee!"

"h-hindi ko alam ang sinasabi mo." todo tangging sabi ko na napapahiya na.

"aysows! Ang pihikan mong inosenteng perlas ng silanganan magigiba na rin sa wakas hihihi."

Sobrang pulang-pula na ang mukha ko pagdating namin ng bahay ni Kate dahil sa sobrang panunukso niya sakin. Yung bunganga niya grabe kong makaano eh. Basta! Grabe talaga>.<


Tanghali na akong nagising kinabukasan dahil napuyat ako ng husto. Unang araw ko na dapat ngayon sa Restau ni Kate para magtrabaho eh. Pero sabi niya kagabi the next day na lang daw ako pumasok total kagagawan naman niya ang pagkapuyat namin. Pero siya kapapasok pa lang wala pang oras ang nakakaraan. Boss daw kasi siya dahilan niya kaya walang kasong malate siya. Hanep talaga siya.

Naligo muna ako at kumain, then sipilyo, tapos naisipan kong pumunta uli sa park na di kalayuan dito. Malaking parte sakin ang umasang makikita ko uli sana si Adonis doon-I mean si Alius pala. Kaya lang, dumating ang hapong hindi ko nakikita ni-anino niya. Wala din yung malaking aso niyang tinatawag niyang Simon.
Malungkot na naglakad ako pauwi sa bahay ni Kate habang nakanguso sa daanang nilalakaran ko ng biglang may malaking bulto na may pamilyar na pabango ang humarang sa daraanan ko. Pumintig at nagwala na naman ang dibdib ko dahil agad kinilala nito ang may-ari ng pabangong yun.

"what's with the pouting, rabbit?"

Kompirmado. Boses niya! Pero.. "rabbit?" takang tanong kong tiningala ang banal na kagwapuhan niya. Ngayon ko lang to napansin ng sobra. Pero ang tangkad niya pala talaga. Yung mukha ko kalevel lang ng malapad na dibdib niya eh. Parang gusto kong manliit sa harapan niya.

"yeah. You are cute, and white. Like a rabbit." sagot nitong seryosong nakatingin sa mukha ko. Napaisip naman ako, hindi naman lahat ng rabbit, white. At hindi lang rabbit ang hayop na kulay white. Pero sinabi niyang cute ako. Namumula ang mga pisnging napatungo ako kaya lang ay maagap na hinawakan niya ang chin ko at itinaas para mapatingin uli ako sa kanya. Lalo akong pinamulahan sa ginawa niya. "I like you. From now on you're my rabbit. Cute rabbit."

"Ehh!"

Mahinang napatawa siya sa gulat at naguguluhang reaksyon ko at pramis! Napakagwapo niya! Kaya lang ay mabilis na naging seryoso uli ang mukha niya. "Would you hate me if I kiss you, rabbit?"

"Ehhhh!"

Devoured by the beastWhere stories live. Discover now