Chapter 7

88.3K 3K 421
                                    



Kinakabahan akong sabihin kay Frida na makikipagkita pa rin talaga ako kay Mr. Annoying. Baka kasi talakan niya ako nang talakan mamaya. Minsan kasi para ko na siyang nanay.

"Bab-- este, Wincel!" Tawag ni Martin sa akin. "Andito na si Frida!"

Sakto lang ang dating niya, tapos na ako sa mga gawain ko sa shop, "I'm coming!"

Sasabihin ko ba sa kanya o tska na lang kapag successful na ang plano ko? Kapag nag-fail na naman ako, sandamakmak na pangaral na naman ang aabutin ko sa kanya. Tatawagin na naman niya akong tanga. So ang winner ay... hindi ko na sasabihin.

"Ready ka na sa samgyupsal natin?" Tanong niya sa'kin sabay tingin kay Martin. "Hindi ka ba sasama sa amin ni Win? Treat ko na!"

Please say no, please say no.

"Sa totoo lang pumayag si boss na maaga kami magsara ngayon since holiday naman kaya sige sasama ako."

What? Nagpaalam ba siya o talagang sinabi lang ni boss na maaga kaming magsara?

"Madami pang tirang tacos, sayang naman 'yong ginawa ni chef. Next time na lang tayo kumain," suggest ko.

"Sige, dito na lang ako sa store."

Bumagsak 'yong ngiti ni Martin. Nakonsensya naman ako agad, "Joke lang, sige na sumama ka na sa amin."

Tama si Frida, hindi deserve ni Martin 'yong treatment ko sa kanya pero hindi ko talaga siya kayang gustuhin. Posible man o hindi, kay Hansel pa rin ang puso ko. Hindi naman siguro masama 'yon 'di ba? Hangga't may hininga, may pag-asa.

Hindi ko namalayan na panay ngisi na pala sa akin ni Frida. Parang alam ko na kung anong nasa isip niya, "Sabi ko naman sa'yo mamsh, may pag-asa kayo ni Martin. Buksan mo lang 'yong puso mo sa kanya."

"Tumigil ka nga d'yan mamsh, kaibigan lang ang pwede kong ituring sa kanya."

Tumahimik na kaming dalawa pagkadating ni Martin. Ang laki na ng mga ngiti sa mukha niya. Ano kayang nagustuhan niya sa akin gustuhin niya ako nang ganito?

Pagdating namin sa samgyupsal place, umorder pa si Frida ng soju. Rest day kasi namin bukas kaya malakas ang loob nilang mag-inom pero ayokong malasing dahil mag-iisip pa ako kung paano ko maiisahan si Mr Annoying bukas.

"Kanina pa wala sa sarili, mamsh."

Tinignan ko sila ni Martin at mukhang may mga tama na sila. Ang tagal na palang nakalutang ng utak ko kaya hindi ko na napansin kung anong pinag-uusapan nila.

"Iniisip ko lang kung sino ba talaga 'yong babaeng kasama ni Hansel kanina."

"Baka naman girlfriend niya?" Sambit ni Martin. Ramdam ko na tuwang tuwa siya. "Sabi ko naman kasi sa'yo, h'wag ka nang umasa sa kanya. Magkaibang mundo kayong dalawa."

Ayoko na siyang tarayan kasi gusto ko na nga talagang maging mabait sa kanya pero minsan talaga pinupush niya ako sa limit ko.

"Kumain ka na lang d'yan, hayaan mo na ako. Kung gusto mong magkasundo tayo, h'wag mong pakialaman ang pag fa-fangirl ko."

Natahimik naman siya pati si Frida. Itinuloy na lang namin ang pagkain namin.

Sana lang talata hindi girlfriend ni Hansel 'yong babae na kasama niya. Matagal ko na siyang na-stalk at wala siyang kapatid na babae, kahit pinsan na babae ay wala. Pero baka mamaya staff lang 'yon ng Small Ent or baka kaibigan lang niya.

Sa mga liveshows nila online, si Hansel ang isa sa pinaka masiyahin sa grupo nila. Never ko siya nakitaan ng pagiging masungit or mayabang pero ewan ko ba, mas fan favorite pa rin nila 'yong mayabang na Cody na 'yon.

Kailan ko nga kaya makikita si Hansel sa personal? Madalas akong pumunta sa mga free events nila pero tyempo naman palagi na wala siya. Talagang masungit si tadhana sa aming dalawa, ayaw pa kaming pagkitain.

Kaya nga gumawa ako ng Youtube channel ko. Nabanggit kasi sa online liveshows nila na mahilig manuod si Hansel ng mga vlog. Ayon na lang ang naisip kong way para mapansin niya ako kaya pang hanggang ngayon, wala pa rir views ang mga videos ko. Pinalad lang ako sa doon sa 'How to lose weight in 30 days' video ko pero after no'n, wala na.

"Salamat sa paghatid sa akin, mamsh. Sorry nalasing na talaga ako pero nag-enjoy ako," hindi na siya halos makatayo kaya inalalayan pa siya ng nanay niya papasok sa bahay nila.

Naiwan kaming dalawa ni Martin. Ihahatid na raw niya ako papunta sa bahay. Medyo awkward kasi maliban sa trabaho, hindi pa naman kami nagkakasama ng matagal na kaming dalawa lang.

"Salamat ha, kasi pinayagan mo akong sumama sa inyo ngayong gabi," sambit niya.

"Wala 'yon, kawawa ka naman kung maiwan ka mag-isa doon. Isa pa, okay ka naman sa'kin. Ayoko lang talaga minsan na ang touchy mo sa'kin na akala mo girlfriend mo na ako."

Matagal ko ng gustong sabihin 'yon sa kanya pero hindi ko lang masabi dahil hindi kami nakakapag-usap ng matagal at puro work lang ang inaatupag namin.

"Pasensya ka na talaga Wincel. Sanay kasi ako sa mga kapatid kong babae kaya minsan nagagawa ko rin sa'yo ang akbayan at hawakan ang braso mo. Pero tandaan mo na malaki ang respeto ko sa'yo kaya simula ngayon didistansya na ako sa'yo para hindi na ako maging touchy o kung ano pa man ang hindi mo gusto sa akin."

Aaminin ko, natuwa ako sa sinabi niya. Mabait naman talaga siya, e. Sana nga talaga maiwasan na niya ang mannerism niya. Feel ko naman magkakasundo kami bilang magkaibigan.

"Goodnight, Wincel."

MrAnnoying:Hello! Are youready for tomorrow?😊😊😊

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


MrAnnoying:
Hello! Are you
ready for tomorrow?
😊😊😊

Wincel:
Paano mo nalaman
ang number ko? 😱

MrAnnoying:
Uhm, it is displayed
on your social media.

Wincel:
OMG! totoo ba?
Hindi ako aware doon.

MrAnnoying:
If I were you, make
your personal details
private. Madami pa
naman psycho sa
paligid. 😁

Wincel:
Hindi ka ba isa sa
kanila? 😂

MrAnnoying:
I'm too handsome
to be a psycho. 😉

Wincel:
Sabi mo, e. 😂
Anyways, paano ka
nagkaroon ng access
sa Small Hit Ent?
Taga doon ka ba, ha?

MrAnnoying:
You will know tomorrow.
I'm sure you'll be shocked
to find out who I am. 😉
Goodnight, WincelG.

 😉Goodnight, WincelG

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon