Chapter 37

62.8K 2.5K 616
                                    



Napagdisisyunan ko na magpag-isa na lang muna. Mag muni-muni sa mga nangyari.

Overall, kasalanan ko rin naman kasi umasa ako. Umasa ako na magugustuhan ako ng isang tao nasa itaas na. Nag-assume ako na gusto rin niya talaga ako. Ang higit sa lahat, hindi ako nakinig kay Frida at Cody. Lahat ng sakit na 'to dahil sa katangahan ko.

Pumunta ako Seaside Padis para uminom. Gusto kong mawala na 'tong sakit na 'to.

May kakanta sa stage at kung minamalas ka nga naman, cover pa ng kanta ng PentaBoys. Nang-aasar ba talaga sila? Mamaya n'yan maalala ko pa si Hansel.

Pero sa totoo lang, nawala na rin kahit papaano 'yong feelings ko kay Hansel. Nakakagulat nga na ang bilis ng proseso. Mas nasasaktan ako ngayon dahil sa panloloko niya at lalo na ni Chantel na itinuring ko na rin na parang kapatid ko.

"Ano pong order niyo Miss?"

"Isang bucket ng San Mig."

Nagulat 'yong waiter dahil mag-isa lang ako pero ang dami kong order. Kailangan kong magpakalasing para bukas sakit ng ulo na lang mararamdaman ko.

Pagkalapag pa lang ng bucket sa table ko, uminom agad ako. Pagkaubos ng isang bote, bukas agad ng isa pa kaya kinulang sa akin ang isang bucket. Umorder pa ulit ako ng isa. Walwal kung walwal. Bahala na bukas sa hangover.

May kumanta na naman sa stage at 'yong kanta naman ni Cody sa concert nila 'yong kinanta.

Isa pa 'yong lalaki na 'yon. Sila na pala nang assistant niya pero hindi man lang niya sinasabi sa'kin? Lahat naman sinasabi ko sa kanya pero siya ano?

Message ko nga siya. Wala akong paki kung lasing ako at kung anong masabi ko. Bahala na siya.

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

Wincel:
Tapos na ba date
niyo ng girlfriend
mo?

Chubs Cody:
Girlfriend?
What are you
talking about?

Wincel:
H'wag ka na nga
maglihim sakin.
Alam mo sinabi
sakin ni Hansel
na gusto mo daw
ako kaya nga niya
ako dinate para
raw masaktan ka
at makaganti siya
sayo pero ang totoo
iba naman talaga
ang gusto mo 'di
ba?  Si Shamcy?

Chubs Cody:
Alam mo na ba?

Wincel:
Na sila naman
talaga ni Chantel?
Oo alam ko na.
Nag-usap na rin
kami ni Hansel.
Pwede ka nang
tumawa ngayon
kasi ang tanga ko
'di ba, dahil hindi
ako nakinig sayo?

Chubs Cody:
Ganito ka naman
palagi. Hindi ka
nakikinig sakin
pagkatapos kapag
nasaktan ka, sa akin
ka rin tatakbo.

Wincel:
Don't worry. Hindi
ako tatakbo ngayon
sayo. Hindi ko naman
guguluhin 'yong date
niyo ni Shamcy. Kaya
lang ako nag-message
kasi naiinis ako na
naglihim ka sa akin.

Chubs Cody:
I cannot tell you
everything.

Wincel:
Ah... sabagay.
Sino ba naman
ako sa buhay mo
para pagsabihan
ng lahat? Pero
okay na, basta
masaya ka d'yan,
okay na ako.
Hahahaha.

Chubs Cody:
Naglalasing ka ba?
Kakaiba 'yong
mag sinasabi mo.
Parang hindi ikaw.

Wincel:
Oo naglalasing ako.
Kailangan, e. Para
bukas sakit na lang
sa ulo, wala na sa
puso. Okay ba?
Hehehe.

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon