Chapter 38

64.4K 2.6K 880
                                    



Hindi ba niya naisip na baka magalit sa kanya 'yong girlfriend niya dahil mas pinili niya na mag-stay dito sa apartment ko?

"Paano kung hindi ako dumating kanina? Baka kung ano ng nangyari sayo," sambit niya habang umiiling. "Ano ba kasi pumasok sa isip mo at sa labas ka pa nag-inom?"

"Nakakalungkot dito sa bahay tska nasa labas na rin naman ako kanina," sinandal ko muna sa sofa 'yong ulo ko dahil kanina pa ako nahihilo. "Umuwi ka na, kaya ko na 'yong sarili ko."

"Magpalit ka na muna, aalalayan kita kapag kailangan mo ako," nanlaki ang mga mata ko.

"Maghuhubad ako sa harapan mo?" Humawak ako sa dibdib ko, kahit hindi 'yan malaki, dibdib pa rin 'yan. "Anong balak mo, ha?"

Tumawa siya nang malakas sabay batok sa akin.

"Lasing ka na talaga. Doon sa comfort room magpalit tapos dito lang ako sa labas in case mahilo ka o kung ano pero hindi ka maghuhubad sa harapan ko. At isa pa, wala akong gagawin na masama sa'yo."

May tama na nga talaga ako. Kung ano-ano na ang naiisip at nasasabi ko. Pati tuloy si Cody napagdiskitahan ko.

"Hinuhuli lang kita, alam ko naman e, ito na magpapalit na ako sa CR."

Wala kasi akong kwarto sa apartment, studio type lang siya kaya sa CR pa ako magpapalit para hindi makita ni Cody ang medyo sexy kong katawan.

Nilabanan ko talaga 'yong pagkahilo ko para makapagbihis ng maayos. Hindi ko na mga alam kung baliktad 'yong pagkakasuot ko sa damit ko o ano. Bahala na basta may suot, pwede na 'yon.

Pagkalabas ko ng CR, nakita ko si Cody na may hinahanda sa kusina.

"Anong ginagawa mo d'yan?"

"May nakita akong soup sa cabinet mo, lulutuan kita para mawala 'yang hang over mo."

Kailan pa siya naging chef, aber?

Umupo ako sa sofa para isandal ulit ang ulo ko dahil nahihilo pa rin ako. Ayan sige walwal is life pa.

Pinagmasdan ko si Cody habang nagluluto siya. Inalala ko 'yong dati, ganito na nga pala siya kaalaga kahit mga bata pa lang kami. Parang hindi naman siya nagbago katulad ng sinabi niya. Hindi naman talaga nawala si Danzel, pumayat lang siya kaya naging Cody pero siya pa rin 'yong best friend ko.

Amoy na amoy ko na 'yong mushroom soup.

"Susubuan na kita dahil baka nahihilo ka na d'yan," umupo siya sa tabi ko habang hawak niya ang isang mangkok ng soup. "Mainit pa kaya hihipan ko muna, ha."

Hahang umiihip siya ay hindi ko maiwasan na titigan siya. Ang pula ng mga labi niya... parang ang sarap halikan.

"Ibuka mo 'yong bibig mo," sinunod ko siya. Para akong bata na inaalagan pero gumagaan ang puso ko sa ginagawa ngayon ni Cody. "Ubusin mo 'to para may laman 'yang tiyan mo."

"Opo boss..."

Tahimik lang kaming nakatingin sa isa't isa habang sinusubuan niya ako. Never pang tumibok nang mabilis ang puso ko habang kasama ko si Cody, ngayon lang. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko.

"Ayos ka lang? May masakit ba sa'yo?" Grabe 'yong pag-aalala sa mukha niya.

"Ayos lang ako, wala 'to."

Hindi ko talaga mapigilan na mapatingin sa labi ni Cody. Parang tinatawag niya ako, e. Parang gusto niyang halikan ko siya. Pwede ba 'yon?

Pero parang ang dry ng labi niya... kailangan basain.

Dahan-dahan akong lumapit kay Cody. Sobrang lapit na ng mga labi namin at isang galaw na lang mahahalikan ko na siya. Mas lalong bumilis 'yong tibok ng puso ko at parang may mainit na kung anong dumadaloy sa buong katawan ko ngayon.

Pumikit ako at hinintay ang magical moment.

"Inaantok ka na ba?"

Minulat ko agad ang mga mata ko. Lumayo na pala si Cody.

Hala sh*t. Ano ba 'tong ginagawa ko? May girlfriend nga pala siya tska bakit ako nag iinitiate ng kiss? Patay ako nito sa nanay ko, for sure kung nakikita niya 'to, kanina pa ako napalo ng hanger.

Wincel please, control yourself, h'wag malandi.

Nahiya na tuloy ako kay Cody kaya hindi na ako makatingin sa kanya.

"So-sorry.. kasi, uhm, lasing na talaga ako. Sige na, ano, uhm, umuwi ka na kaya ko na 'yong sarili ko."

Pinisil niya 'yong pagkabilang pisngi ko.

"Save your first kiss to your boyfriend."

Mas lalo akong nahiya kasi alam niyang may balak akong halikan siya. Ano ba kasi 'tong nangyayari sa'kin? Ayoko na nga ulit maglasing.

"Matulog ka na, anong oras na rin. Mauuna na ako."

Tumango lang ako habang nakatingin sa malayo. Hindi ako makatingin sa mga mata niya.

Umalis na si Cody at ako naman hindi makatulog dahil sa mga nangyari kanina. Siguro naman makakalimutan niya rin 'tong gabi na 'to. Isa pa, hindi naman unforgettable 'to. Baka nga mas maalala pa niya 'yong date nila ni Shamcy.

Bukas hang over lang ang haharapin ako at hindi si Cody. Bukas patay malisya na lang tayo.

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

Chubs Cody:
How are you feeling?

Wincel:
Okay na ako.
Salamat pala sa
pag-aalalay mo
sakin kagabi. Sorry
ha kasi naabala ko
pa 'yong date niyo
ni Shamcy.

Chubs Cody:
LOL. Are you jealous?

Wincel:
Huh? Jealous?
Kanino at bakit?

Chubs Cody:
Nevermind.
Naiwan mo pala
'yong cap ko sa
inyo. Pakidala na
lang mamaya,
kukunin ko sa shop
niyo.

Wincel:
May gusto pala
akong itanong
sayo...

Chubs Cody:
What?

Wincel:
May pinakita kasi
sakin si Hansel na
mga pictures galing
sa dorm niyo at
puro pictures ko
ang nandoon kahit
pictures ko na nasa
shop ako. Bakit?

Chubs Cody:
Gusto ko lang makita
kung anong nangyari
sayo after nating
maghiwalay nang
mga bata tayo.

Wincel:
Ah... 'yon lang?

Chubs Cody:
Meron pa ba dapat?

Wincel:
So... hindi mo nga
talaga ako gusto?

Chubs Cody:
Nandito na si
Shamcy, kailangan
na namin umalis.

Wincel:
Ah sige, nevermind
my question. Baka
pinagti-tripan lang
ako ni Hansel.
Ingat kayo, ha.

Chubs Cody:
Yes, we will.

Wincel:
Uhm... last question.

Chubs Cody:
What?

Wincel:
Si Shamcy ba 'yong
babae na tinutukoy
mo doon sa concert
mo na babaeng mahal
mo? Siya ba 'yon?

Chubs Cody:
You'll know soon.

Wincel:
Bakit hindi pa ngayon?
Hindi ko naman 'yan
ipagkakalat sa mga
media, no.

Chubs Cody:
May tamang panahon
para sa lahat ng bagay.
You'll be the first one
to know who she is.

Wincel:
Sige na, ingat kayo.
Papasok na rin ako.

Chubs Cody:
Take care, chubs.

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon