Chapter 26

66.7K 2.7K 371
                                    


Bakit naman ako makikipagkita sa kanya?

Pagkatapos ng lahat ng paghihirap na ibinigay niya sa akin? Aba, manigas siya kakahintay sa wala! Ito na ang pagkakataon para kahit papaano ay makaganti man lang ako sa mga ginawa niya sa akin.

Same routine, bumalik ulit ako sa dome kasama si kuya Gilbert.

Wala na rito ang PentaBoys para mag rehearse kaya magaan ko na magagawa ang mga trabaho ko.

Tahimik naman ang lahat pero sobrang ingay sa group chat ng PentaBoysFanatics kaya hindi ko naiwasan na mapatingin sa pinag-uusapan nila.

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

Allie:
Omg! Bakit kaya
wala sa guesting
ngayon si Cody?

Gina:
Baka naman may
sakit or may prior
commitment? 🤔

Selina:
Nag-invite pa siya
kahapon para manuod
ng guesting nila so
hindi pwedeng may
prior commitment.
Baka may sakit siya?

Hanny:
Wala pa ba sinasabi
si manager? Nag-aalala
na ako sa baby boy ko. 😭

Sarah:
Guys! Sabi sakin ni
manager, may kikitain
daw na importanteng
tao si Cody ngayon kaya
wala siya sa guesting!

Allie:
Importante pa ba sa
first ever guesting nila
na ma-air internationally?

Hanny:
Omg? Baka girlfriend
niya 'yong importanteng
tao na yon?

Sarah:
Hindi naman siguro.
Magtiwala lang tayo
kay Cody na hindi niya
tayo bibiguin.

Selina:
Pero sayang talaga
tong guesting na to.
Ang laking chance ang
sinayang niya para
lang sa tao na yon.

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

Hindi ko na tinuloy 'yong pagbabasa. Baka ma-konsensya pa ako at kitain ko 'to si Cody. Walang wala pa nga 'to sa mga pinaggagagawa niya sa akin, e.

Pero totoo kaya 'yong reason niya kung bakit hindi siya umattend sa guesting? Imposible naman dahil sa yabang nga tao na 'yon, hindi niya hahayaan mawala 'yong chance niyang makilala sa ibang bansa para lang sa akin.

Tinuloy ko na lang ang trabaho ko at nakakagulat na inabot ako ng dalawang oras. Hindi rin naman pala ganito kadali ang lahat lalo na kapag pumalpak ito, sa organizer lahat ang sisi.

Nagpahatid na ako sa apartment. Hindi ko talaga sinipot si Cody. Manigas siya doon kakahintay sa coffee shop. May pa "our favorite" coffee shop pa siyang nalalaman.

Tinignan ko lahat ng pictures namin ng bata pa kami. Sobrang taba niya talaga rito. Kaya pala kapag binabalikan ang mga past pictures nila sa mga variety shows ay wala siyang maipakita. Tinatago niya pala ang nakaraan niya.

Sabagay, mas lalo siyang malalait ng mga bashers niya at alam kong ayaw niya 'yon. Sobrang taas kaya ng tingin niya sa sarili niya.

Imbes na ma-stress ako, humiga na lang ako sa kama ko at inalala ko 'yong mga moments namin ni Hansel.

Grabe 'yong mga ngiti niya at 'yong pagbanggit niya pa sa pangalan ko. Sabi pa niya see you around, so ibig sabihin may chance pang magkita ulit kami?

Malamang, organizer nga ako ng concert nila 'di ba?

Pero may chance kaya na makapag-date kaming dalawa?

Napaupo ako bigla at sinampal sampal ko ang sarili ko, "Hoy Wincel, abuso ka na! Ambisyosa ka!"

Kung mangangarap na lang din naman ako, e 'di 'yong mataas na. Isa pa date lang naman 'yon, e.

Ay sandali... parang may naisip ako bigla.

Ito na ba ang panahon para bumalik lahat kay Cody ang mga ginawa niya sa akin?

Nagmadali akong pumunta sa coffee shop at magbabakasakaling nandoon pa 'yong abnoy na 'yon. It's payback time kaya humanda siya sa akin.

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

"Akala ko hindi mo na ako sisiputin. Nakakahiya naman sa'yo na ang isang katulad ko pa ang mahihintay sa'yo," napaka-arogante pa rin niya. Hindi ko naman talaga siya sisiputin kung wala lang akong kailangan sa kanya. "Okay, let me explain myself."

"Explain? Ano pang ie-explain mo? Malinaw naman 'yong mga kasamaan na ginawa mo sa'kin!"

"Ikaw naman ang dahilan ng lahat ng 'to, e! Grabe 'yong mga binitawan mo sa akin na salita noon na naging dahilan kung bakit ako na-depress. 'Yon din 'yong dahilan kaya nagsumikap akong pumayat at maging isang idol, idol na higit pa sa iniidolo mo."

Ngayon unti-unti ko nang nabubuo ang lahat. Kaya pala siya galit kay Hansel ay dahil sa mga sinabi ko dati. Kaya gano'n din ang galit niya sa akin dahil ni-reject ko siya.

"Alam ko mali ako kaya I'm sorry pero sana maintindihan mo na bata pa tayo noon at hindi ko pa talaga alam ang mga sinasabi mo pero hello? Ngayon matanda na tayo dapat mas matured na tayo mag-isip 'di ba? Bakit kailangan mo pa akong pahirapan nang sobra? Baliwala na ba sa'yo lahat ng pagkakaibigan natin?"

Salamat naman at nailabas ko na rin sa kanya ang matagal ko ng gustong ilabas. Nakahingin na rin ako ng tawad sa ginawa ko.

"Hinding hindi mo makakalimutan ang lahat, Wincel."

"Sige ako na may kasalanan ng lahat, kasalanan ko rin kung bakit mo ako iniisi at kung bakit muntik na akong mapahamak dahil sa mga pinag-uutos mo sa akin. Kasalanan ko lahat, ayan masaya ka na?"

Natahimik siya at biglang hindi siya makatingin sa akin. Ang tawag dito, reverse psychology. Kunwari ako na talaga ang masama para naman maawa siya sa'kin pero kung tutuusin, mas mabigat nga ang kasalanan niya.

"Tungkol doon sa pagkain mo ng spicy food, I'm sorry. Hindi ko gustong sumobra 'yong mangyayari sa'yo. Pero lahat ng 'to ganti ko lang sa mga ginawa mo sa akin."

"O ngayon, masaya ka na? Nakaganti ka na sa akin. Kulang pa ba ha? Baka kulang pa sige gumanti ka pa," nagkunwari pa akong naiiyak. Gusto ko talagang ma-guilty siya nang sobra sa mga ginawa niya sa akin. "Sanay naman na akong binubully ng mga tao, e. Sanay na akong walang halaga sa iba."

Pero totoo, sanay na akong ma-bully ng iba lalo na nang mataba pa ako. Grabeng sakit din ang dinanas ko sa mga panglalait nila.

"Okay na, na-explain mo na ang lahat sa akin. Malinaw na ang lahat, kasalanan ko 'to at wala akong karapatan na magalit sa'yo. H'wag kang mag-alala, hindi lalabas lahat ng sikreto mo. Iisipin ko na walang nangyari."

Patayo na ako nang bigla siyang nagsalita.

"Fine, I know mas malaki ang nagawa kong kasalanan. Tell me what you want me to do para mapatawad mo ako?"

Ngumiti ako habang nakatalikod sa kanya. Gumana ang reverse psychology technique ko. Hindi ko na siya na-blackmail.

"Set me up a date with Hansel."

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon