Chapter 40

69.1K 2.7K 899
                                    



Akala ko kung saan ako dadalhin ni Cody pero dito lang pala sa dati naming school. Ano 'to throwback thursday? Pero Sunday pa lang naman, e.

"Naaalala mo ba 'yong eksaktong lugar na kinakatayuan natin?" Tanong niya.

Nandito kami ngayon sa gitna ng soccer field.

Pinilit kong kalimutan dati si Danzel pero hindi ko pa rin pala nakalimutan ang lahat.

Dito sa eksaktong lugar na 'to, dito ko tinanggihan 'yong confession sa'kin ni Danzel na ngayon ay si Cody na.

"Alam mo ba bata pa lang tayo alam ko nang gusto kita, sobra sobra pa nga kaya pakiramdam ko noon mahal na kita," magkatapat kami at parehong nakatingin sa mata ng isa't isa. "Kaya nang sinabi mong kahit kailan ay hindi mo ako magugustuhan dahil si Hansel nag gusto mo, gumuho ang mundo ko no'n. Sinisi ko pa nga 'yong itsura ko, naisip ko na baka sobrang taba at pangit ko kaya hindi mo ako magustuhan."

Kita ko sa mukha niya 'yong lungkot, parehong ekspresyon na binigay niya sa akin dati. Mas payat na nga lang siya ngayon pero gano'n pa rin naman ang mukha niya.

"Sorry talaga, kung maibabalik ko lang ang dati siguro iba 'yong nasabi ko."

"Kung uulitin natin 'yong pangyayari dati," hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Ito na naman 'tong lintek na heart ko, tibok na naman nang tibok. "Kung sasabihin ko ngayon na gusto kita, anong isasagot mo sa akin?"

Sandali, tamypers lang, totoo na ba 'to o ano?

"Uhm... ano... kung ikaw ba si Danzel? Uhm... ganito sasabihin ko, Danzel, bata pa tayo kaya mag-focus tayo sa studies pero malay mo kapag malaki na tayo?"

"Si Cody na ang kaharap mo at hindi na si Danzel," humakbang pa siya ng isa. Ano ginawa niya? "Kung sasabihin ko ngayon sa'yo na gusto kita, anong isasagot mo sa'kin?"

"Ha? Ikaw? Bilang Cody na?"

Tumango lang siya habang nakatitig pa rin sa mga mata ko at nakahawak sa mga kamay ko. Nagsisitaasan na rin ang mga balahibo ko.

Hindi ako makasagot dahil kinakabahan ako.

"Uhm... hindi ko alam... pero a-ano, kapag kasama naman kita masaya ako tapos ano... kapag kasama mo 'yong si Shamcy parang nalulungkot ako. Hindi ko alam kung gusto ba kita o ano, e."

Tumawa siya nang bahagya at pinisil niya ulit 'yong magkabilang pisngi ko.

"Hindi mo kailangan magsinungaling, alam ko naman na si Hansel pa rin talaga 'yong gusto mo. Matured na ako ngayon kaya hindi na ako masasaktan kung may sabihin ka man na hindi pabor sa'kin."

Matured na nga talaga siya habang ako, walang pinagbago. Careless at minsan selfish. Pero parang hindi na ako sang-ayon sa sinabi niya na si Hansel pa rin ang gusto ko. Hindi ko rin maipaliwanag pero bigla na lang din 'yong naglaho.

Mas humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Cody, huminga muna siya nang malalim bago siya magsalit ulit, "Sa totoo lang ayokong pang sabihin sa'yo 'to dahil ayokong mag-take advantage sa sitwasyon mo ngayon kaso ang kulit mo, e."

Ngayon naman ang ilong ko na ang pinisil niya. Feeling niya siguro ang taba ko pa rin para pisil pisilin niya ako sa mukha ko.

"Wincel..."

Bumibilis ang paghinga ko. Tumatagtak ang pawis ko kahit mahangin naman sa kinakatayuan namin.

"Hindi nawala 'yong pagkagusto ko sa'yo. Nagalit ako, oo pero ang totoo gusto pa rin kita. Nang ma-hospital ka, doon ko napagtanto na hindi na lang pagkagusto ang meron ako sa'yo... mahal na kita."

Ibig sabihin ako 'yong babae na tinutukoy niya sa concert nila?

"Pe-pero... sabi mo sa concert niyo ang hirap ko abutin, hindi naman ako ganoon, 'di ba? Isang hamak na fan lang ako ng grupo niyo."

"Mahirap kang abutin kasi sa ibang tao ka nakatingin. Kahit anong abot ko sa'yo, hindi kita makuha dahil may gusto kang iba."

Ayon pala 'yong ibig niyang sabihin pero...

GUSTO KO NI CODY?

Ay mali... mahal na niya raw ako.

"Seryoso ba 'to? Hindi ba 'to wow mali?l

Tumilis ang mga tingin niya, "Sobrang seryoso ko na nga kanina pagkatapos hindi ka pa rin pala naniwala." Binitawan niya ang kamay ko at sabay talikod sa akin. "Bahala ka nga nga d'yan."

"Sorry na! Hindi lang kasi ako makapaniwala," hinawakan ko ang braso niya para iharap ulit siya sa akin.

"Ngayon naniniwala ka na?"

"Oo naniniwala na ako."

Ngumisi siya, "Bakit parang kinikilig ka? Crush mo na rin siguro ako?" Hindi ako makasagot. Medyo kinikilig din kasi ako pero ayokong ipakita.

"Wala naman hindi magkakaroon ng crush sa'yo. Gwapo ka, talented at sweet."

"So, crush mo na nga ako?"

Umiwas ako ng tingin at naisip ko na lang na ibahin ang topic. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko at ayoko ulit siyang masaktan kapag nag-decline ako. Iba naman kasi 'yong attracted ka sa crush mo na talaga. Mas mabigat kasi 'yong crush kasi parang gusto mo na rin siya.

"Nagugutom na ako, pwede na ba tayong kumain?"

Buti at hindi na niya ipinilit 'yong tanong niya.

Dinala niya ako sa mamahaling kainan pero tumanggi ako. Ang ending doon kami sa samgyupsal house na malapit sa bahay, 'yong presyo ng pagkain naming dalawa, presyo pa lang ng isang plato ng appetizer doon.

Wala rin naman arte si Cody at pumayag siya. Mas masaya pa nga kumain dito dahil walang pagpapanggap. Kahit nakabuka ang bibig mo habang ngumunguya ay walang huhusga sa'yo.

Alas otso na kami natapos at hinatid na rin ako ni Cody sa apartment ko. Bigla kaming natahimik pero lagi ko rin naman binabasag ang katahimikan sa aming dalawa dahil ayokong isipin niya na awkward na kami sa isa't isa porket umamin siya.

Hindi naman awkward, hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga nangyari kaya tahimik pa ako.

"Pwede ba akong humingi ng favor?" Tanong niya bago ako makapasok sa loob. "Pwede bang kapag nakapag move-on ka na at okay na ang lahat, sabihin mo sa akin?"

"Para saan naman?"

"Basta, sabihin mo sa'kin, okay?"

Hindi mo alam kung para saan 'yon pero pumayag na lang din ako.

Ano na naman kayang naisip ni Cody?

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

Last 5 chapters!
Salamat sa suporta :)

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon