Chapter 15

81.7K 2.8K 346
                                    



Paano niya nalaman ang bank account ko? Wala naman akong sinasabihan na iba about do'n.

Stalker ba talaga siya?

Isa pa, gusto niya akong inisin kaya bakit niya naman ako bibigyan ng pera? Anong rason niya? Nagkaroon ba siya bigla ng kunsensya?

"Ang lalim ng iniisip mo d'yan, ha."

Kanina pa pala lumulutang ang utak ko kung saan. Ubos na ni Martin ang pagkain niya pero 'yong sa'kin halos hindi pa bawas.

"Sorry, may naisip lang ako bigla. Ang bilis mo naman kumain, hindi mo man lang ako hinintay."

"Hindi kasi ako nag-almusal kanina kaya ngayon na lang ako bumawi."

Matipid siya kaya hindi na siya kumakain sa umaga at umaasa na lang siya sa free lunch ng boss namin. Gusto ko sana siyang gayahin kaso food is life, e.

"Ubusin mo na 'yang pagkain mo, babalik na ako sa loob para may kasama si Chacha."

Sa mga araw na hinayaan ko siyang manligaw sa akin, nakita ko naman kay Martin na mabait talaga siya at isa pa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging mapagmahal niya sa pamilya niya.

Mukhang pursigido rin naman siya at nakikita ko naman na malaki ang respeto niya sa'kin. Gusto ko lang makasigurado sa nararamdaman ko bago ko siya sagutin dahil kapag nagkataon siya ang una kong boyfriend.

Ano pa bang mas sasaya kung ang una mong boyfriend ay siya ring mapapangasawa mo?

Mas masaya kung kay bias ka ikakasal pero... suntok sa buwan na mangyayari 'yon.

***

"Sure ka ba talaga na hindi na kita ihahatid sa inyo?" Pangatlong beses na niyang tinanong 'yan sa'kin at nagsasawa na ako. "Baka mapaano ka sa daan, e."

"Ayos lang ako, Martin. May kailangan pa akong daanan kaya sige na umuwi ka na. Nangako ka na rin sa mga kapatid mo na maglalaro kayo ng chess ngayon kaya sige na."

Mabuti pa na h'wag na siyang madamay sa issue ko kay Cody. Mawawala na rin naman sa buhay ko 'yong unggoy na 'yon kaya wala na ring saysay na ikwento ko pa siya.

"Basta kapag kailangan mo ako, tawagan mo ako agad. Kahit ano pang ginagawa ko, pupuntahan kita."

Oo aminin ko, minsan kinikilig na rin ako sa kanya pero gaya ng sabi ko, I want to make it slow and sure.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa.

Pumunta ako sa Small Hit Ent para makausap ng personal si Cody. Ibabalik ko sa kanya 'yong pera niya. Ayokong magkaroon ng kahit anong utang na loob at kahit anong kauganayan sa kanya.

Hindi na ako gaganti pa sa kanya at hahayaan ko na lang na ang karma ang gumawa no'n para sa'kin. Mabuti na 'tong mawala na siya nang tuluyan sa buhay ko.

Sira na rin naman ako may Hansel kaya wala nang magiging rason para magkaroon pa ako ng pakialam sa PentaBoys.

"Any appointment, miss?" Tanong nang front desk.

Wala akong appointment pero kailangan niya akong harapin, "Pwede bang pakisabi kay Cody na nandito si Wincel. Gusto ko siyang maka-usap."

"We can't do that. You need to set an appoinment through their secretary or manager. I'm sorry but if you don't have an any appointment here, you need to go."

Ang hirap talaga makalagpas sa security nila. Akala ko may chance na makalusot ako.

Doon na lang ako sa labas tumambay. Sa pagkakatanda ko kasi may rehearsal sila para sa upcoming concert nila. Dito naman sila madalas mag practice bago sila pumunta sa dorm nila.

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon