Chapter 11

80.5K 2.9K 430
                                    



Chantel:
Good news!
PentaBoys will have
their second concert
on Saturday. I have
one ticket for you!

Wincel:
Busy ako sa Saturday.
Thanks na lang, bes.

Chantel:
Wait.. are you serious?
Papalagpasin mo ang
chane na 'to? You've
been dying to see them!
May problema ba?

Wincel:
Wala naman pero
na-realize ko na mas
okay kung mag-focus
na lang ako sa work
ko dito sa Taco House.

Chantel:
There's something
really wrong that you
are not telling me. 🤔

Wincel:
Nag self-realization
lang ako kagabi kaya
ganito ako ngayon.
Isa pa, ikaw din naman
ang nagsabi na wala
ako mapapala sa pag
fangirl ko.

Chantel:
Are you sure you are
okay? Do you want to
have some milk tea later?
Don't say no! I'll pick you
up after your shift.
See you, cupcake!

Wincel:
Okay see you.

Are you sure you want to delete your Youtube Channel?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Are you sure you want to delete your Youtube Channel?

Yes • No

Si Hansel lang naman talaga ang rason kung bakit ako gumawa ng vlog. Umaasa kasi ako na someday mapapansin niya ako through this channel pero ngayon wala na naman 'tong halaga sa akin.

Yes

Panahon na para mag-focus ako sa buhay ko. Panahon na para tumigil sa mga kahibangan ko. Totoo ang mga sinabi nila sa akin, fangirl lang ako at hanggang doon lang 'yon. Tama ang sinabi ni Hansel...

"Kanina ka pa d'yan sa phone mo," sambit ni Martin. "Madami na tayong customers."

"Sorry, last na talaga 'to."

Makakapag-move on din naman ako sa lahat ng 'to. Darating din ang araw na pagtatawanan ko na lang ang sarili ko sa lahat ng katangahan ko. Hindi man ganoon kadali pero alam kong magagawa ko. Siguro kapag nag-abroad na ako, madali na lang ang lahat.

Hindi ko nga namalayan na nakapag-serve na ako sa mga customers namin at ito lunch break na pala.

"Okay ka lang ba, Wincel? Namumugto 'yang mata mo at kanina ka pa hindi makausap nang maayos."

Kita mo sa mga mukha niya na nag-aalala talaga siya sa akin. Bakit kasi hindi na lang si Martin ang nagustuhan ko? Bakit sa isang idol pa na wala naman pakialam sa mga fans niya? Kaya ko kayang pag-aralan na magustuhan siya?

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon