Chapter 22

64.8K 2.6K 376
                                    



Pinadala agad nang anak ni satanas 'yong kakainin kong pagkain galing impyerno.

Eat well :)
And oh, by the way don't drink milk.

May pa-smiley pa siyang malalaman. Siya kaya 'yong kumain ng samyang na may sampung siling labuyo. Tapos hindi pa ako pwedeng uminom ng gatas? Gusto niya ba talagang masunog ang bibig ko sa sobrang anghang?

Minsan naiisip ko na psychopath 'tong si Cody, e. 'Yong mga naiisip niya madalas ang brutal.

Hinanda ko na 'yong camera ko. Hindi ko na tinawagan si Frida dahil kaya ko na naman 'to. Ayoko na siya masyadong abalahin pa.

Huminga muna ako nang malalim bago ko simulan ang video ko.

"Hi guys! Ang third challenge natin ngayon ay kumain ng samyang noodles at laglagyan ko pa ito ng sampung pirasong siling labuyo."

Napapalunok na lang ko sa mga sinasabi ko. Nanlalamig ang buong katawan ko at may halo pang panginginig.

"Delikadi ito kaya h'wag niyong basta gagayahin, okay?"

Binuksan ko ang tupperware at pagkabukas pa lang ay amoy ko na ang sili. Parang gusto ko pang mahatsing pero pinigilan ko ang sarili ko dahil maibuga ko sa camera ang samyang.

Ipinakita ko sa camera ang samyang at dahan-dahan ko itong inikot sa tinidor ko.

Nagdasal muna ako sandali bago ko ilagay sa bunganga ko 'yong samyang.

Pagdapi pa lang niya sa dila ko nalasahan ko na agad 'yong anghang. Isinubo ko na nang buo para matapos na ang lahat ng paghihirap ko.

Habang nginunguya ko siya ay parang may lava na bumababa papunta sa buong katawan ko. Pati ulo ko ay nag-iinit na pero kailangan ko pa rin ngumiti.

"Hmm! Ang sarap! Hindi naman gano'n ka-anghang, e."

Ipinikit ko na ang mata ko sa sobrang anghang at pati pagluha ay hindi ko na rin naiwasan pa. Mukha na nga akong tanga dahil umiiyak ako habang ngumingiti. Bahala na, basta matapos ko ang challenge kahit magmukha na akong lukaret.

"Syempre para todo-todo na ang challenge natin, hindi ako iinom ng kung ano. Okay ba?"

Ginamit ko na ang buong lakas ko para maubos na ang samyang. Ilang beses ko ng namumura sa isip ko si Cody. Gusto ko nga siyang bugbugin ngayon, 'yong maco-confine siya sa hospital ng isang buwan.

Hindi ko alam kung paano ko naubos ang lahat. Lahat na ata ng santo na kilala ko at tinawag ko na.

"Ayan, ubos na natin!" Ipinakita ko sa kanila 'yong walang laman na tupperware. "Salamat sa panunuod! Til my next challenge!"

Pagka-stop ko ng video, uminom agad ako ng ilang baso ng gatas. Nakalabas na ang dila ko na parang aso dahil sa anghang. Ramdam ko pa rin siya sa dila ko at hanggang sa lalamunan ko.

Napahiga agad ako sa kama ko dahil para akong nanghihina. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang magiging epekto sa'kin nang pagkain ng maanghang. Isang beses pa lang ako kumain ng maanghang nang bata ako at hindi na 'yon naulit.

Habang tumatagal unti-unti akong nahihirapan na huminga. Wala namana kong hika kaya hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Nag-text ako kay Frida at Chantel pero nakaka-ilang minuto na ay hindi pa rin sila nagre-reply.

Tumayo ako at dahan-dahan na naglakad palabas. Hindi ko na talaga kaya, ang sama na ng pakiramdam ko. Hirap pa rin akong huminga at may pantal na ako sa braso ko.

Naghintay ako sa labas ng taxi papunta sa hospital. Kung mamalasin ka naman talaga, kung kailan kailangan mo ng taxi tska pa wala.

Nagdidilim na ang paningin ko...

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

Puro puti 'yong nakikita ko sa paligid.

Hala! Patay na ba ako?

Pero wait.. hindi ako sure kung sa langit ako mapupunta, hindi ko alam kung mabait na ba talaga ako para deserve ko rito.

"Ayos ka na ba?"

Pamilyar ang boses na 'yon. Dahan-dahan kong nilingon ang ulo ko para makita siya.

"Nawalan ka ng malay kanina sa daan kaya sinugod kita rito sa hospital."

Totoo ba talaga na nasa harapan ko siya ngayon? Baka naman pagkatapos kong mahimatay sa daan ay nawalan ako ng malay, nanaginip na ako at kasama pa 'to sa panagini0 ko.

"Ha-hansel? I-ikaw ba talaga 'yan?"

Bahagya siyang tumawa at unti-unti rin natunaw ang puso ko. Grabe, sa monitor ko lang nakikita ang mga tawa niya pero ngayon harap-harapan na. Pinipigilan ko lang talagang umiyak kasi ang awkward naman at baka isipin pa niya ang creepy ko.

"Oo, ako talaga 'to. H'wag mo na lang sana ipagsabi kahit kanino ang tungkol dito kasi papagalitan ako ng manager ko."

"Sandali, kurutin mo nga muna ako sa pisngi ko para maniwala ako na hindi talaga 'to panaginip."

Ngayon natawa na talaga siya at iningat niya ang kanang kamay niya para kurutin nga ako sa pisngi ko. Hindi naman 'yon masakit pero tama na para malaman na hindi nga ako nananaginip.

OH MY GOSH!!!

Seryoso na talaga 'to! Walang halong joke time! Totoong nasa harapan ko nga si Hansel at hindi lang 'yon, tinulungan niya pa ako!

"Alam mo idol ako pero hindi naman ako gano'n kahirap abutin. Normal na tao pa rin ako na katulad mo, hindi ako super hero."

Ang layo-layo niya sa sinasabi sa'kin ni Cody. Tama lang talaga na magtiwala ako sa kanya at hindi sa sinasabi ng abnoy na 'yon.

"Naaalala mo pa ba ako?" Nahihiya kong sabi. Hinihiling ko na nga lang na sana wala na siyang matandaan sa kahihiyan ko.

"Oo naman, ikaw 'yong sumapak sa'kin doon sa cafeteria 'di ba? Akala mo kasi ako si Mr. Annoying? Sino ba 'yon? Nakilala mo na ba siya?"

Kinagat ko ang labi ko at napapikit sa kahihiyan.

Saktong sakto, bago ko sabihin kung sino 'yon, pumasok siya sa kwarto. Ano namang ginagawa niya rito at paano niya nalaman na nandito ako?

"Cody?" Sabay naming sambit ni Hansel.

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon