Chapter 13

80.2K 2.7K 468
                                    



Gusto kong makasigurado na siya talaga si MrAnnoying, dahil hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Sa lahat ng tao, bakit siya?

Hinablot ko agad ang cellphone niya habang halatang nagulat siya sa mga pangyayari.

Tinignan ko ang mga text messages niya at nandoon nga 'yong mga messages namin. Siya nga talaga si MrAnnoying!

"Paano mo nagawa 'to sa'kin?"

Nakatulala pa rin siya at hindi niya alam kung anong gagawin. Kahit tumakbo pa siya, huli ko na siya kaya hindi na siya makakatakas pa!

"Let me explain," hinablot niya pabalik sa kanya ang phone niya at naglagay siya ng surgical mask. "Don't be so mad, chill ka lang."

"Paano akong hindi magagalit, ha? Ilang araw mo akong pinapahirapan pagkatapos pinalabas mo pang si Hansel si MrAnnoying!"

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko pero niyugyog ko agad ito. Ang kapal ng mukha niyang hawakan ako pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin.

"Let's go somewhere private, shall we?"

Aba, siya pa 'tong demanding. At bakit private place pa gusto niya, ha?

"Ayaw mong malaman ng mga tao 'yong mga pinaggagagawa mo? Sabagay isang kahihiyan 'to sa'yo."

Hindi na siya nagsalita, sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Kinaladkad niya ako palabas sa coffee shop.

Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya dahil ayoko rin naman may makakita ng gagawin ko sa kanya. Ayokong gumawa ng eksena.

Nang makapunta kami sa parking lot ay walang ibang tao doon kung hindi kaming dalawa lang.

Ginamit ko ang buong lakas ko para makawala sa pagkakahawak niya. Pumorma agad ako para suntukin siya sa mukha pero laking gulat ko dahil mabilis siyang nakaiwas.

Marunong din siyang mag-boxing.

I under estimated this jerk. Kaya pala malakas ang loob niyang gaguhin ako.

"You can't use that to me, so please just calm down and let us talk."

"Talk? Hindi ba 'yan 'yong hiningi ko sa'yo pero anong ginawa mo? Pinalabas mo na si Hansel ay ikaw! Nasuntok ko tuloy siya at ang pangit na nang tingin niya sa'kin!"

H'wag niya akong uutuin kasi dalang dala na talaga ako sa kanya. Hinding hindi na ako maniniwala sa mga kalokohan niya.

"He can't even remember you. Hindi kami katulad ng nasa isip mo. We don't really care about our fans."

Hangga't hindi ko kay Hansel naririnig ang mga bagay na 'yan, hindi ako maniniwala. Siniraan na niya minsan 'yong tao sa'kin kaya pwedeng pwede niya ulit gawin 'yon.

"Itigil mo na 'yang paninira mo sa kanya. Alam kong mabait si Hansel. Ikaw lang talaga 'yong masama rito! Ano bang dahilan mo, ha? Power tripping ka ba? Bakit ako pa?"

Hindi niya ako sinagot. Worst, tinakbuhan niya ako at sumakay siya sa sasakyan niya. Tumakbo rin ako papunta sa pinto kung saan siya nakaupo pero nakapag-lock agad siya.

"Hoy! Cody! Buksan mo 'to! Magtutuos pa tayong dalawa!"

Kinakatok ko ng malakas ang sasakyan niya pero aba ang jerk na 'to, ngumisi lang sa akin at nag-wave.

Pinaandar niya ang makina ng sasakyan niya kaya kumapit ako sa side mirror niya para hindi siya makaalis.

"Buksan mo sabi 'to! Magtutuos pa tayo! Pagbabayaran mo pa lahat ng kasalanan mo sa'kin!"

Binaba niya kaunti ang windshield niya, "Let go or you'll be drag!"

"Ano ako hilo? Papatakasin lang kita agad? Aba hindi! Bubugbugin muna kita kaya halika ka rito sa labas! H'wag kang duwag!"

"Bahala ka, sinabihan na kita."

Pinaandar niya ang sasakyan niya kahit na nakakapit pa rin ako sa side mirror. Wala siyang pakialam kahit makaladkad ako!

Nakaabot ako hanggang sa gate ng coffee shop. Bumitaw na ako dahil baka masagasaan pa ako ng mga sasakyan sa high-way.

"Ang kapal talaga ng mukha! Siya na siya nga talaga si MrAnnoying!"

Napapasigaw na ako sa sobrang frustration ko. May galos pa konti 'yong binti ko dahil sa Cody na 'yon!

Akala ko talaga maayos 'yong ugali niya dahil pinagtanggol niya ako noon pero may dahilan naman pala 'yon. Kaya niya ako pinaalis agad sa Small Hit Ent at kaya siya na ang nag prisinta na alamin kung sino ang nagpapasok sa'kin ay dahil ayaw niyang mabuko. Siya rin siguro ang nagsabi kay Hansel na kumaway.

Grabe, ano kayang nagawa ko sa lalaki na 'yon at parang may galit na siya sa'kin? Hindi naman niya ako obsessed fan, dahil in the first place, hindi niya ako fan.

Oo gusto ko ang PentaBoys bilang isang grupo pero ayoko sa kanya at sa karakter niya. Okay naman ako sa ibang members pero siya ang namumukod tanging kinakainasan ko. Ang yabang niya kasi at madalas niyang sapawan si Hansel sa mga shows nila.

Palibhasa kasi mas pogi at mas malakas ang dating ni Hansel sa kanya.

Naglakad ako pauwi para magamot ko na rin sa bahay ang mga galos sa binti ko. Nasakto pa kasing nakapalda ako.

Mag-isa lang ako sa apartment ko dahil nasa probinsya ang pamilya ko. Madalas ko silang nami-miss pero nasanay na ako.

"What a day.." bulong ko sa sarili ko.

Naisip ko ulit si Hansel. Hindi pala siya ang nagsabi ng mga 'yon kaya hindi ko pala dapat siya tinalikuran. Hindi dapat ako sumako sa pag-iidolo ko sa kanya. Wala siyang kasalanan sa lahat ng 'to.

Kaya pala nang isang araw parang gusto niya pa ako kausapin at parang naaawa pa nga siya sa'kin.

My poor baby boy.

Lahat 'to kasalanan ni Cody. Gusto niya na akong inisin, gusto pa niya akong siraan sa taong gusto ko. Gusto niya ba talagang maging miserable ang buhay ko? Pero bakit? Wala naman akong nagawang hindi maganda sa kanya. Hindi ko nga siya kilala personally para ganituhin niya ako kaya bakit? Bakit ganito katindi ang galit niya?

Sandali...

May dummy account nga pala ako sa twitter at puro rant 'yon tungkol sa kanya!

Ayon ba ang dahilan?

Tinignan ko ang last tweet ko.

@WinOrLoseGirl
Si Cody talaga ang pinaka hindi talented sa PentaBoys! Kaya palaging sinasapawan si Hansel, e! 😡

@WinOrLoseGirl Si Cody talaga ang pinaka hindi talented sa PentaBoys! Kaya palaging sinasapawan si Hansel, e! 😡

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon