Chapter 12

83.6K 2.7K 435
                                    



Ilang linggo na rin naman ang nakalipas at mukhang maayos na din naman ako. Siguro sa linggo na lumipas, ngayon ko na lang ulit naisip si Hansel.

Hindi naman kasi talaga ganoon kadali ang mag move-on, it takes time.

Pero nakakalungkot lang na sa pag move-on mo parang may parte sa'yo na nawala.

Hindi na kasi ako ganoon kasiyahin at kasigla katulad ng dati.

Isang linggo na rin akong hindi nag bubukas ng social media ko at nagulat na lang ako na ang daming nag-message sa Facebook ko.

Isang linggo na rin akong hindi nag bubukas ng social media ko at nagulat na lang ako na ang daming nag-message sa Facebook ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Apple Joy:
Miss Wincel, bakit
niyo po binura ang
channel niyo?
Gustong gusto ko
pa naman ang mga
videos niyo 😭

---
Darren Mark:
Bakit po wala na
'yong channel niyo?
Alam niyo po na
tuwang tuwa ako
sa mga content niyo.

---
Honney Grace:
Ate, alam niyo po
ba na mga video niyo
po 'yong pinapanuod
ko kapag depress ako.
Kaya ate sana po ibalik
niyo na po 'yong channel
niyo, please. 😭😭😭

May mga tao pala talaga na nunuod ng mga vlogs ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



May mga tao pala talaga na nunuod ng mga vlogs ko. May mga tao pala akong napapasaya.

Naisip ko lang na si Hansel nga talaga ang rason kaya ko simulan ang channel na 'yon pero habang tumatagal ay nagugustuhan ko na rin naman nag ginagawa ko. Nai-express ko 'yong sarili ko sa mga videos na ginagawa ko at nakakataba sa puso kapag may napapasaya ako.

Mali man o hindi na burahin ko ang channel ko, hindi ko pa rin siya kayang harapin sa ngayon. Siguro mag di-decide ako kapag totally moved on na ako. Kapag hindi na ako maaapektuhancsa tuwing babanggitin ang pangalan ni Hansel.

"Good morning Wincel!"

Bati ng masugid kong manliligaw.

Oo, pinayan ko nang manligaw si Martin pero sabi ko sa kanya baka abutin ng taon bago ko siya sagutin pero ayos lang naman daw sa kanya. Talagang pursigido siya sa akin kaya naisip ko na wala naman sigurong masama kung after one year, ay pagbigyan ko na siyang manligaw sa akin.

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon