Chapter 31

67.1K 2.7K 1.5K
                                    


Wincel:
Jowa-jowa challenge,
may jowa ba ako?
🙄🙄🙄🙄🙄🙄
Nang-aasar ka ba?

Chubs Cody:
Listen before you
complain. 😑

Wincel:
Sige explain!

Chubs Cody:
You and a guy will
prentend to be in a
relationship for 24hrs.
That's the reason why
it's called 24hrs jowa
challenge. You dumb
dumb. 😒

Wincel:
Ahhh... ganon pala
yon. Pero sino naman
jo-jowain ko kahit
kunwari lang?

Chubs Cody:
I dunno. You think.

Wincel:
Wala naman kasi
akong kaibigan na
lalaki para gawin
yan!

Chubs Cody:
So anong tawag
mo sa akin?
Display lang?

Wincel:
Ayoko nga! Ang
awkward non, no.
Mas okay pa siguro
yung hindi ko
kaibigan. Maghanap
kaya ako sa mall?

Chubs Cody:
You serious?
Paano kung rapist
na naman yan?
Try to be smart
sometimes, okay?

Wincel:
Su-suggest ka dyan
tapos wala naman
kwenta!

Chubs Cody:
It's trending and it
can give you a lot
of views! Buti nga
tinutulungan ka pa.

Wincel:
Sige na, kailangan
ko na matulog at
may work ako bukas.
Goodnight!

Chubs Cody:
Goodnight little
dumb dumb.

❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️❄️

Bago ko pa man ma-kwento kat Frida ang tungkol kay Martin ay nagpunta na agad siya sa bahay kinaumagahan para sabihin na nag-resign na si Martin sa shop at bigla itong umuwi sa probinsya.

Halos lumuwa na ang mata niya nang i-kwento ko ang nangyari kagabi. Pareho pa rin kaming hindi makapaniwala sa ginawa niya pero nangyari na ang lahat. Hindi na maibabalik pa ang tiwala at pagkakaibigan namin ni Martin.

"Buti na lang pala talaga at hindi kayo ang end game! Hayop na Martin 'yon! Pagkatapos ko siyang tulungan sa shop ng libre pagkatapos ito pa isusukli niya?" Napabuntong hininga siya at ginulo gulo pa niya 'yong buhok niya. "Feeling guilty tuloy ako dahil ako ang todo push sa inyong dalawa. Sorry mamsh ha, hindi ko naman alam na manyak pala siya. Akala ko gentleman at caring siya."

"Ano ka ba mamsh, hindi mo kasalanan 'yon. Lahat naman tayo naloko niya pero sana matanda na siya at hindi na niya ulutin 'yong ganito."

"Buti talaga nandoon si Cody at Hansel. Sige na, hindi na ako inis sa dalawa na 'yan for saving you pero mas okay pa rin sa akin si Cody."

Ito na naman siya sa pag-take sides sa mga lalaking nakapaligid sa akin. Alam ko naman na never niya talagang magugustuhan si Hansel.

"Mabuti pa sumabay ka na sa akin, susunduin ako ng driver ni Chantel at ibaba ka na lang namin sa shop niyo."

Hindi na siya tumanggi pa dahil makakatipid din siya sa pamasahe.

Nang maibaba namin siya at agad na kaming dumiretso sa dome. Kailangan ko kasing i-check isa-isa ang mga damit na gagamitin ng PentaBoys. Nagkakausap naman kami ni Chantel pero hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang tungkol kay Martin. Siguro kapag nagkita na lang kami sa personal.

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon