Chapter 10

85K 3K 619
                                    



Wincel:
Mamsh! 😭

Frida:
Huhulaan ko.
May nagawa kang
KATANGAHAN?

Wincel:
Hindi ko alam
kung katangahan
nga to o hindi pero
kasi, mamsh! 😭

Frida:
Sige, ako na
huhusga. Ano
ba kasi yon?

Wincel:
Nakipagkita kasi
ako kay MrAnnoying
kanina!

Frida:
KATANGAHAN
nga. 😂

Wincel:
Mamsh naman, e!
Ito nga kasi, 'yong
na-meet ko kanina,
si Hansel! Yong
baby boy ko!

Frida:
Ha? Paano?
Siya na ba si
MrAnnoying?

Wincel:
Hindi ako sigurado.
Ayaw niya pa rin sa
akin aminin til now
pero kasi sinabi niya
na pumunta ako sa
ganitong lugar tapos
bago ako lumapit sa
kanya habang nakatalikod
siya, sabi ko muna mag
wave siya at ginawa naman
niya. Kaya ayon, sinuntok
ko siya mula sa likod!

Frida:
Ayon naman pala, e!
Siya na nga si MrAnnoying!
Paano pa niya madi-deny
yon? 🙄

Wincel:
Nung nakita ako ni Hansel
kanina, hindi niya kilala
si MrAnnoying!

Frida:
Minsan talaga, tanga ka.
Malamang, napahiya siya!
Nasuntok siya kaya hindi
talaga siya aamin na siya
si MrAnnoying!

Wincel:
Sabagay.. may point ka.
Pero bakit? Bakit siya pa?
Anong reason niya
para gawin sa'kin to?

Frida:
Una, pwedeng gusto
ka niya para magpapansin
siya pero duda ako.
Pangalawa, malakas
lang talaga siya mang-trip.
Pangatlo, may nagawa ka
sa kanya na hindi maganda
Panghuli, may tama siya
sa ulo. 😂✌🏻

Wincel:
Baka nga yung unang
reason! 😱

Frida:
Umaasa ka talaga? 😂

Wincel:
Malay mo! Ayan
lang naman ang
reasonable sa lahat! 😝

Frida:
Kung gusto ka nga
niya, bakit ka naman
niya papahirapan?
Obvious naman sa SNS
mo na patay na patay
ka sa kanya so dapat
lumapit na lang siya
sayo, hindi ba? Kaysa
pahirapan niya yung
sarili niya gumawa
ng napakadaming
dummy accounts! 🙄

Wincel:
So, hindi nga niya
talaga ako gusto 😭

Frida:
Hula ko, power tripping
lang siya pero hindi ko
alam if good thing o
bad thing sayo yon?

Wincel:
Oo napansin niya nga
ako pero hindi sa
paraan na gusto ko! 😭

Frida:
Kung ako sayo, kalimutan
mo na si MrAnnoying at
yan si Hansel. Wala ako
tiwala sa kanya.

Wincel:
Mamsh naman!
Paano ko gagawin yon?
Simula bata pa lang
ako, crush na crush ko
na siya! 😭

Frida:
Sadista ka ba?
Gusto mo palaging
nasasaktan ka, e?

Wincel:
Mamsh, I need
your help! 😭

Frida:
Ito na nga, pinapayuhan
na kita. Kalimutan mo
na siya. Mag-stick tayo
sa reality. Never naman
magiging kayo.

My fangirl dream  (Published under Indie Pop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon