Chapter Fifteen

167K 3.5K 197
                                    

Ilang araw na ang lumipas simula nang araw na iyon. Naging minimal na rin ang pakikipag-usap ko kay Tyrone dala ng pag-iisip na wala nga siyang gusto sa akin. Hindi na rin naman siya masyadong nangungulit. He's cooperating and he's really giving me a hard time. One second, he'll make me feel special. The next, parang hangin lang ako. Hindi ko na alam kung saan lulugar.

"Ms. Arteta. I already gave you more than two weeks but you still don't have your book. it's a requirement." Umiling iling si Sir at halata ang disappointment sa kanyang mukha. Napalingon na rin sa akin ang mga kaklase ko.

Yumuko ako. I want to disappear. "Sorry sir."

"I heard your apologies. I'm afraid I need you out, Ms. Arteta. It's unfair for your classmates."

Naiiyak ako sa sobrang kahihiyan. "P-Pero sir..."

Hindi niya ako pinakinggan. Itinuro niya ang pinto na nakasara. Pilit kong nilunok ang nakabara sa lalamunan ko. Ganito ba talaga sa first section?

Ni hindi ko masikmurang harapin si Tyrone. Siguro ay hiyang hiya na rin siya para sa akin. Siguro ay na-turn off na nga siya at na-realize niya ang agwat naming dalawa. Na hindi niya deserve ang isang tulad ko. I was half-expecting na magsasalita siya at kahit papaano ay ipagtatanggol ako pero wala akong narinig kundi buntong hininga.

Bago pa man ako magpakasasa sa sariling kahihiyan ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. Mabilis akong naglakad patungo sa labas ng classroom. Nagsorry muli ako kay Sir bago tuluyang makaalis. Hindi ko sinilip si Tyrone. Ayos lang sa iba kong kaklase pero si Tyrone... Hiyang hiya ako sa kanya na hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang makita siya.

Nang makalabas ako ay doon na bumuhos ang luha ko. Pinunasan ko ito pero walang kwenta. Dumire-diretso ako sa pinakamalapit na CR pero bago pa man ako makapasok ay lumabas si Spencer sa pinto ng second section. Nanlaki ang mga mata ko at tumalikod para dumaan sa ibang direksyon pero agad kong narinig ang pangalan ko.

Oh no...

"Yvette!" Sigaw niya kasabay ng ilang hakbang.

Tumigil ako sa kinatatayuan ko at pinunasan ang luha sa pisngi ko. Huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti nang humarap ako sa kan'ya.

"Yvette, hey." Ngumisi siya at muling sumilip ang dimple niya. Nang makalapit ay sinuri niya ang mukha ko. "You okay?"

Tumango ako. "O-oo."

"Good. Bakit ka nasa labas?" He asked sabay tingin sa pinto ng first section.

"W-wala. Kasi... Ano. MagcCR ako." I lied. I can't embarrass myself more.

"Sige. Tara?" He smirked. Sa totoo lang, naiilang talaga ako. Hindi ako komportable kasama siya.

"Huh?"

"Tara samahan kita. Don't worry, sa labas lang ako," he chuckled. "Hatid na rin kita sa room mo pagkatapos." He said casually. Bigla akong ginapangan ng hiya.

"Hindi na! Kaya ko na. Baka may ginagawa pa kayo doon. Sige na, Spencer." uminit ang pisngi ko sa pagbigkas ng pangalan niya. Hindi ako sanay na kinakausap siya.

Biglang tumunog ang pinto ng second section. Napatingin ako sa gawi nito dahil masyadong nakafocus ang senses ko sa ibang bagay, ibang bagay kundi si Spencer. Lumabas mula roon si Kelly, iyong matangkad, makinis, at maganda naming kaklase. Nalaglag ang panga niya nang makita kami. Tinakpan niya pa ito gamit ang kanyang kamay at halos matalisod na siya para bumalik sa classroom nila.

Tinitigan ko si Spencer. He was smirking. Nilingon niya rin ako and he shrugged.

Hindi ko na lang ito pinansin pa. Dumiretso lang ako sa ladies' room at napagdesisyunang 'wag na lang magtagal doon. Hindi ako mapakali kapag and'yan si Spencer. Pakiramdam ko he's up to something at hindi ko alam kung napaparanoid ba ako o ano. Nilingon ko lang ang sarili sa salamin at nagtagal pa ng isang minuto saka muling lumabas.

IntoxicatedWhere stories live. Discover now