Chapter Thirty-seven

162K 3.7K 566
                                    

Halos hindi ko naintindihan ang mga katagang lumabas sa bibig ni Tyrone dahil mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa. Pilit kong pinipigilan si Tyrone sa pagsuntok kay Spencer pero hinahawi niya lang ang braso ko. Para bang wala siyang pakialam na nandito ako. Sigaw na rin ako ng sigaw pero balewala.

"Tyrone! Tama na!" Muli kong sigaw.

Hindi siya lumingon. Naka-igting lang ang panga niya at ramdam na ramdam ko ang galit sa kan'yang aura. Hindi rin lumaban si Spencer, tinatanggap niya lang ang bawat suntok. Naluluha na ako. Nawala na yata ang alak sa sistema ko dahil sa nakikita ko. Ayokong nag-aaway sila. Ayoko lalo na kapag dahil sa akin.

Nakita ko na lang bigla si Jerome na pinigilan ang isang suntok ni Tyrone. Kahit si Tyrone ay nagulat. Si Adam naman ay tinulungan si Spencer na makatayo. Sabog na ang kan'yang labi pero nagawa niya pang ngumisi at tumawa. Hindi na rin siya halos makabuka ng isang mata. Awang awa ako sa hitsura niya pero tuwing nakikita ko ang ngisi niya ay kahit ako naiinis.

"Asshole," Umiling pa si Spencer at pinunasan ang dugo sa kan'yang labi.

Susugod na sana muli si Tyrone nang mabilis siyang pigilan ni Jerome. Lalong humalakhak si Spencer. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Umiling si Spencer kahit nakangisi pa rin. Humakbang siya. Buong akala ko ay aalis na siya pero lahat kami ay nagulat nang suntukin niya si Tyrone. Natumba si Tyrone pero nanatili akong nakatitig lamang sa kanila, hindi alam kung ano ang dapat gawin. Mabilis umaksyon si Adam para muling iawat si Spencer pero nagpumiglas lang ito.

"Para magising ka na sa kahibangan mo, gago." Ani Spencer at naglakad palayo.

Tinanguan ni Jerome si Adam at tila ba nakuha niya ang mensahe ay sinundan nito si Spencer. Si Jerome naman ay dinaluhan si Tyrone na gulat pa rin sa ginawa ng pinsan. Bago pa siya matulungan ni Jerome ay tumayo na siya at hindi pinansin ang pinsan.

Pero mas nasaktan ako nang lagpasan niya ako na para bang wala ako roon. Na para bang hindi siya nakipag-away kanina nang dahil sa akin.

I found myself following him. Gusto ko ng sagot. Sagot sa mga tanong na matagal nang nasa utak ko. Hindi ko maintindihan ang mga pinapakita niya, at gusto ko siyang intindihin, dahil sa kabila ng lahat, I still want to know his side. I still want to understand him truly.

Halos tumakbo na ako para maka-catch up sa kan'ya. May mga pumapansin sa kan'ya pero hindi niya man lang sila tinatapunan ng titig. Diretso lang siya maglakad, at kahit na medyo malayo ako sa kan'ya ay batid ko ang galit na bumabalot sa katawan niya.

"Shit!" He cursed aloud at ginulo ang buhok niya. Nakalabas na kami ng bar nang bigla niyang sinipa ang gulong ng kan'yang sasakyan. Pinagmasdan ko lang siya. Ipinatong niya ang kan'yang ulo sa sasakyan at nanatili sa gan'ong posisyon. Dahan-dahan akong lumapit at bago ko siya tuluyang masilayan ay humarap siya sa akin.

Nagulat siya nang makita ako. He even tensed pero hindi ako nagpatinag. Kung ito na ang huling beses na makikita ko siya, gusto ko nang makakuha ng kasagutan.

"What are you doing here?" He said bluntly when he finally recomposed himself. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Ang dami kong gustong sabihin sa utak ko pero ayaw magsalita ng dila ko.

"Bumalik ka na roon. Naghihintay sa'yo si Spencer." His voice almost cracked. Humugot siya ng malalim na hininga.

Pero hindi ako umalis doon.

"I need an explanation." Iilang hakbang pa ang layo ko sa kan'ya. Marami na nga ang nagbago. Hindi ko na siya makausap tulad ng dati, hindi ko na siya mayakap, hindi ko na siya mahagkan. Hindi ko na pwedeng sabihin kung gaano ko siya kamahal. Lecheng puso. Hanggang ngayon, hindi pa rin napapagod.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon